Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO. Ako po ay isang salesman lamang sa hardware sa isang maliit na mall dito sa probinsya namin, na may sahod na minimum of 310PHp.
Nakilala ko ang crypto wayback march 2017 at tulad nyo din naranasan ko din ang mga mapapait na karanasan na dulot ng hindi pagsasaliksik ng maayos at napaka agressive ko kasi nuon sa mga investment sites na kala unan ay nagiging scam. Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin . Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito. Hindi ganun kalaki ang kapital ko kaya hindi din ganun kaganda ang kita ko sa tradings madalas marami din akong talo nuon dahil sa ako ay newbie pa.
Naghanap ako ng ibang paraan upang kumita ng mas malaki at napasok ako sa pag bo-bounty hunting sa mga ICO projects. Nung una ay wala akong bilib sa bountyhunting gumawa lang ako ng account ko at pinabayaan ,hanggang sa sinubukan ko ulit nitong november dahil no choice na ako. Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty. Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty. Sumagi sa isip ko na mas magandang may tradisyonal business muna akong magawa at umiwas muna sa mga materyal na bagay dahil di natin alam kung may for ever ba sa crypto. At dahil taga bukid lang kami na isip kong banatan ang Agri-business.
BACK YARD PIGSMedyo mabigat sa bulsa mag alaga ng baboy kaya tiyakin na may sapat na pondo at bawal tipidin ang pagkain ng baboyPAGSASAKAdahil nga taga bukid kami, magandang chance ito para sa akinMUSHROOM FARMINGBago pa lamang ako sa larangan na ito,actually kakasimula ko palang nuong august 1 at layunin kong mapalago at mapalaki ko ang business na ito.Sa ngayon po ay medyo nakaka luwag narin sa buhay konti, sabi nga nila
"SALARY WONT MAKE YOU RICH,BUT THE WAY YOU SPEND IT WILL DETERMINE YOUR FUTURE". Ito po ang pinang hahawakan ko sa buhay ko. So, payo lang po isipin nyong mabuti kung saan ba talaga mas mainam ilagay ang perang inyong natatanggap at maging madiskarte po tayo at wag susuko sa buhay. Pray lang lagi kay God. Salamat po sa pagbabsa mga kabayan naway nabigyan ko kayo ng motivation sa buhay.
Napakagaling ng naisip mong gawin sa katas ng crypto mo sa halip na mga material na bagay gaya ng mga gadgets, cellphones, damit, sasakyan at kung anu-ano pang luho ay sa ang negosyo mo ito ibinuhos. Bravo sayo sana maging ehemplo ka para sa iba. Bilib ako sayo at gagayahin talaga kita. Salamat sa pag share ng iyong kwento dito.