Pages:
Author

Topic: [Life After Death] Naniniwala ka ba sa reincarnation? (Read 1293 times)

member
Activity: 158
Merit: 10
Reincarnation? feeling ko totoo. Minsan nang nabanggit sa amin ito ng teacher namin eh. Ang sabi niya, kapag daw mabuti ka sa lupa noong nabubuhay ka pa lamang, maaari kang mabuhay sa panibangong katawang tao sa pangalawang buhay. Ngunit kapag nn daw masama kadalasan ang ginagawa mo dito sa lupa eh, imbes na sa tao eh sa hayop ka mapupunta sa pangalawang buhay. Kaya mga ka-bitcoin, tayo na't magpaka-bait. Para sa ikagaganda ng pamumuhay natin sa pangalawang pagkasilang Smiley
sr. member
Activity: 685
Merit: 250
Naniniwala po ako na may mundo sa kabilang buhay. Doon wala na nahihirapan, Lahat masaya, lahat tayo magkakapatid sa piling ng Maykapal kung nakagawa po tayo ng kabutihan sa kapwa.
full member
Activity: 665
Merit: 114
#SWGT PRE-SALE IS LIVE
yes i do believe in life after death. why? because it is stated on the bible that who ever believes in god, who ever gives himself to god shall be given an eternal life, and it is said that you will be alive again after your death. tho i dont really know what my past life is, but because of my faith in him, i know that he will give what he promised to us, i know that he will give us the life after death that is stated in the bible.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
siguro naniniwala ka dito kung di ka naniniwala sa diyos at sa bible
para saakin sa pag aaral ko sa bible at naririnig sa mga nag aaral about sa diyos
wala daw ganyan pag huhukom na daw po agad ang pag babasihan
sa pag kakaalam ko lang naman po kaya respect po
i respect din po sa mga pananaw nyo po

Welcome po lahat magbigay sir dito ng kanilang opinyon. Wala po itong discrimation sa kung ano po ang pinaniniwalaan ng bawat isa sa atin. Ang sa'kin lang po ay gusto ko lang malaman ang inyo rin pong pananaw tungkol sa konsepto ng reincarnation. At kung ano man po ito, taliwas man sa pinaniniwala ko o nang iba sa atin, ay mas mahalaga na patuloy parin po natin i-respeto ang bawat isa. Magkakaiba man po tayo ng opinyon.  Wink
newbie
Activity: 31
Merit: 0

Isa sa kadalasan pong pinagdedebatehan ngayon ay kung ano nga ba ang kahihinatnan ng tao kapag tayo'y pumanaw na. Kalimitan ang katanungan na ito ay masasabing teolohikal ngunit may mga pagkakataon din na maging ang mga espekto sa siyensya at dudoso ay naglalatag ng opinyon ukol dito. Para sa mga reliyoso at mananampalataya, partikular na ang mga napapabilang sa relihiyong Kristyanismo, naniniwala sila na kapag pumanaw ang tao ay may dalawang lugar itong kapupuntahan, langit at impyerno. Bagaman sa ibang Kristyanong relihiyon na may kaugnayan sa Kristyanismo, tulad ng Katoliko, ay naniniwala sa tinatawag na purgatoryo, isang uri intermediate state kung saan ang kaluluwa ay dadaan sa huling paglilinis o pagpapadalisay bago tuluyan itong tumuloy sa kaharian ng langit. Maliban sa mga Katoliko, ang naturang konsepto ng "final purification" o "final theosis" ay pinaniniwalaan din ng iba pang sektang Kristyano, tulad ng Eastern Orthodox, Lutheran, Methodist, at marami pang iba.

Ngayon, bukod sa tatlong estado o lugar na nabanggit, na sinasabing posibleng kahihinatnan ng tao kapag siya ay pumanaw na, mayroon pang isang paniniwala o konsepto na ikinakabit sa mangyayari sa kaluluwa, o para sa iba, consciousness, kapag pumanaw na dito sa lupa. Ito ay ang konsepto ng reincarnation. Ang konseptong ito ay kalimitang nakakabit sa paniniwala ng mga relihiyon tulad ng Buddhism, Hinduism, Jainism, Wicca, Zoroastrianism, Sikhism, Shintoism, Confucianism, Taoism, at iba pa; bagaman nagkakaiba lamang sa teorya o doktrina nito.

Para sa ilang eskolastiko, na pinag-aralan ang konsepto ng reincarnation, metempsychosis at transmigration of soul sa Judeo-Christian tradition, napag-alaman daw nila na maging ang mga sinaunang Hudyo at Kristyano ay may paniniwala tungkol sa muling pagkakatawang-tao o reincarnation. Sa sulat nalang, halimbawa, ni Flavius Josephus (Ant. 18.14; War 2.163; 3.374; Ag. Ap. 2.218) ay sinasabi daw nito na ang mga Pariseo noon ay naniniwala sa reincarnation. Maliban sa mga Pariseo, sa pahayag din daw ni Josephus, ang sektang Essene ay may ganito ring paniniwala. Ito'y base narin daw sa nakasaad sa Melchizedek o I IQ Melchizedek ("The Last Jubilee") kung saan ang tagapagligtas ay pinaniniwalaan na reincarnation ng pre-Israelite priest-king na si Melchizedek. Sa madaling salita, para daw sa Essenes, ang Tagapagligtas sa hinaharap ay ang "revival" ni Melchizedek o ang reincarnation nito. (Tignan din ang salitang 'gilgul' sa Encyclopedia Judaica, vol. 7, Keter: Jerusalem (1971), 573-577)

Pagdating naman sa Kristyanismo, pinaniniwalaan ng ilang Biblical scholars na ang ilan sa Christian writers ay may ideya tungkol sa reincarnation o transmigration. Ang isa sa halimbawa daw nito ay si James o Santiago. Sa Jm 3:6 ay mababasang nakasulat ang phrase na "τὸν τροχὸν τῆς γενέσεως, wheel of life". Ito daw ay hinalaw sa sinaunang Orphic description ng tinawag na cycle of birth and rebirth (Proclus Diadochus, In Platonis Timaeum comentaria 5.30a-b; tignan din ang Kittel, TDNT 118). Maliban kay Santiago, si Pablo o Paul din daw ay may alam tungkol sa reincarnation. Ang paggamit niya daw ng salitang "παλιγγενεσία, palingenesia" sa Tt 3:5 ay isang tanda na alam nito ang tungkol sa naturang konsepto. Para po sa hindi nakakaalam, ang salitang palingenesia ay ginamit po ito ng mga sinaunang Griyego para tukuyin ang salitang "transmigration" o "reincarnation of souls" (Plu. 2.998c; cf. μετεμψύχωσις fin). Ang isang halimbawa po ng paggamit ng naturang salita ay matutunghayan po sa Platonic image ng reincarnation (Meno 81b; Phaed. 70c. 71e-72a).

Sa kabuuan, malawak po ang paniniwala sa reincarnation. Maliban sa mga relihiyon, pinag-aaralan nadin ito sa ngayon ng siyensya. Gayunman, maganda kung malalaman po natin ang opinyon ng bawat isa ukol sa naturang paniniwalang ito. Sa madaling salita, ang poll na ito ay ginawa ko po upang malaman ang inyong pananaw ukol sa reincarnation. Umaasa po ako na hindi ito magiging debate thread kundi isang discussion thread kung saan bawat isa sa atin ay malayang maipapahayag ang ating opinyon na walang deskriminasyon, lalo na sa paniniwala.

Kaya sa mga kababayan ko, post nyo po dito ang inyong opinyon: naniniwala ba kayo sa reincarnation o hindi?

siguro naniniwala ka dito kung di ka naniniwala sa diyos at sa bible
para saakin sa pag aaral ko sa bible at naririnig sa mga nag aaral about sa diyos
wala daw ganyan pag huhukom na daw po agad ang pag babasihan
sa pag kakaalam ko lang naman po kaya respect po
i respect din po sa mga pananaw nyo po
sr. member
Activity: 952
Merit: 250
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Ako parang hindi na oo pero mas lamang ang hindi kasi parang conspiracy lang to eh. syempre to see is to believe may part lang sa pagiisip ko na naniniwala ako dahil sa mga nakikitang kong evidences nito may mga tao kasi na nag sasabi na reincarnate sila kahit batang bata palang sila, so yun lang kaya mejo naniniwala pero mas lamang ang hindi.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
life after death siguro paniniwala lang namabubuhay ulit ang isang tao na may katawan o mabubuhay ulit ang tao bilang espiritu sa langit o sa impyerno at hindi sa ganitong mundo na may katawan.
Ako rin naniniwala kapag namatay ang isang tao sa langit lang siya pupunta o kaya sa impyerno at wala nang reincarnation katang isip na lang yan nang mga tao. Pero mahirap pa rin masabi ang katotohana dahil hindi pa naman natin naproproprove ito.
sr. member
Activity: 252
Merit: 250
life after death siguro paniniwala lang namabubuhay ulit ang isang tao na may katawan o mabubuhay ulit ang tao bilang espiritu sa langit o sa impyerno at hindi sa ganitong mundo na may katawan.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
oo naman naniniwala ako sa reincarnation.. sana sa 2nd life ko maging kamukha ko na mga sikat na artista haha. sobrang swerte ko pag ganun.

Kung pagbabasehan po natin ang Jewish Qabbalistic concept ng reincarnation, partikular na po ang Zohar, ay sinasabi po dito na hanggang tatlong beses lamang daw po pwede sumalang sa גִּלְגּוּל gilgul o mag-reincarnate ang kaluluwa sa katawan ng tao. At kapag hindi daw po nag-progress ang kaluluwa, kahit dumaan na ito sa tatlong incarnations, ay mawawala na daw po ng tsansa ito na tuluyan pang-maligtas. At ang kababagsakan na daw po nito ay iyong tinatawag na Gehinnom (Gehenna) o hell, base sa Christian analogue.

Samakatuwid, anuman ang maging itsura mo o anuman ang maging pisikal mong anyo ay hindi ito ang importante, kung pagbabatayan narin lang ang konsepto ng reincarnation sa Judaism (e.g. sa Orthodox Judaism). Dahil kung tutuusin ang purpose naman daw po ng muling pagsasakatawang tao ay hindi para mag-focus sa pagiging materiyalistiko kundi upang ma-accomplish ang מִצְווֹת‎ mitzvot o commandments na ibinigay ng Dios.
member
Activity: 89
Merit: 10
The Standard Protocol - Solving Inflation
oo naman naniniwala ako sa reincarnation.. sana sa 2nd life ko maging kamukha ko na mga sikat na artista haha. sobrang swerte ko pag ganun.
member
Activity: 109
Merit: 10
Hindi ako naniniwala jan. Malabo kasing mangyari yan siguro life after death maniniwala pa ako
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
Sa tingin oo hindi yan totoo kasi kapag namatay ka dalawa kung saan ka pwede magpunta either sa impyerno at sa langit. Dahil madali lang naman isipin eh. 7 billion people tayo noon. Bakit konti lang ang noon at ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami san sila kukuha nang kaluluwa.

paniniwala nila kasi lahat na may buhay may kaluluwa kasalungat sa paniniwala ng Christians na tao lang ang may kaluluwa

Tsaka noon patayan kaya mabagal ang population ng tao noon.. Madugo ang history ng tao
Oo naman talagang laking kristiyano tayo kaya nga hindi tayo masyadong naniniwala sa mga reincarnation kasi naniniwala tayo sa nakasulat na after death eternal life na tayo na alam naman natin na sa heaven and hell lang ang punta natin, siguro nagkakataon lang na meron tayong kamukha kaya ganun.

Sa maniwala po kayo't sa hindi, bago pa po lumaganap ang Islam at Kristyanismo dito sa atin ay nauna na po tayong naimpluwensyahan ng relihiyong Buddhism. Ang mga patotoo po nito ay ang mga artifacts na isa-isang natatagpuan sa iba't ibang lugar dito po sa ating bansa, na mas matanda pa sa panahon kung kailan dumating ang mga Arabong mangangalakal sa Pilipinas noong late 13th and early 14th centuries. Ang isang halimbawa po nito ay ang mga artifacts na natagpuan sa bulubundukin ng Guyangan sa Banton, Romblon.

Ang nakikita nyo po na imahe sa itaas na nasa harapan ay ang tawag po diyan ay Vajra o Dorje. Isang uri po yan ng ritual object na ginagamit sa Buddhism. Habang yung mga beads na pinagdugtong-dugtong ay ang tawag naman po diyan ay Japa mala beads. Ginagamit po yan kapag nagdarasal o sumasambit ng mantra, na isa rin sa mga bagay na ginagamit sa nasabing relihiyon.

Ngayon ito naman pong makikita nyo sa ibaba ay imahe po ito ng Hindu-Malayan goddess na kung tawagin nila ay Tara. Natagpuan po ito sa may Wawa River sa Agusan noong 1917.

Bakit tayo mayroon nito, ang tanong? Ang simpleng sagot po dito ay dahil sa Shri vijaya civilization. Ang Shri vijaya ay isa po iyang Buddhist civilization na nagsimula sa India noong 9 to 10th century at lumaganap hanggang sa may Sumatra at Java sa Indonesia. Katulad ng naunang nagdala ng pananampalatayang Islam at Kristyanismo dito sa Pilipinas, dala-dala rin po ng mga naunang tao mula sa Indonesia ang kanilang panininiwala ng dumating sila dito sa atin. Ang aral nila ay base po sa Vajrayana, kaya yung mga artifacts na nakikita natin ay may resemblance sa Tantric tradition ng Buddhism.

Marahil kung hindi po dumating ang Islam at Kristyanismo dito sa ating bansa, halos lahat po sa atin ngayon ay hindi Kristyano o Muslim kundi Buddhist na naniniwala, halimbawa, sa aral ng reincarnation.
full member
Activity: 448
Merit: 100
LETS GO ADAB
maybe yes and maybe no.
hanggat di ko pa nararanasan tska lng ako maniniwala. antayin ko muna mamatay ako hehe. pero sana totoo nga pra nmn my chance pa ulit akong mabuhay after ko mamatay
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
Ako hindi sangayon na totoo ang reincarnation kasi Christian ako at iba ang turo ng bibliya sa mga Christians. Reincarnation is a teaching from hindu, but i do respect every religion and im openmind to possibilities.

Sa totoo lang po ang reincarnation (transmigration) ay hindi lang siya bahagi ng aral ng Hinduism o nang Indo-Aryan religions kundi maging nadin ng ancient Greek religion. Nang pumasok ang Hellenistic period, noong panahon ng pananakop ni Alexander the Great, isa po ang Judea at ang diaspora sa naapektuhan noon ng impluwensya ng Grecian culture. Kaya kung napansin mo po, mayroong translation ng Old Testament mula Hebrew sa Greek language o iyong tinatawag na Septuagint (LXX) dahil narin po sa impluwensya nila sa mga Hudyo. Kultura, lenggawahe, estilo ng pananamit, paniniwala at pampalakasan. Lahat po yan ay kasama sa naipasa nila sa huli.

Ngayon nang sinulat po ang New Testament ang ilan sa mga writers/authors po nito ay humiram din mula sa mga Griyego, partikular na sa kanilang lenggwahe. Kaya kung titignan ang NT ay halos ibinase po ito sa Koine Greek at hindi sa Hebrew o kaya sa Aramaic dahil po sa karamihan sa audience nila ay nagsasalita nito o ito na ang kinagisnang lengguwahe kahit maging ng mga Hudyo. Kabilang sa hiniram po nila ay ang mga salitang may pinag-ugatan sa Mitolohiyang Griyego o Greek Mythology at ang ilan diyan ay ang mga salitang hades, thanatos, agape, at marami pang iba. Ang Noun, Genitive Feminine Singular "παλινγενεσίας palingenesias" sa Titus 3:5 ay isa rin po yan sa mga hiniram o loan word mula sa ancient Greek languange, na partikular na magkaugnayan sa paniniwala tungkol sa rebirth o muling pagsilang. Ang depinisyon niyang salita na yan, kung ibabase sa Hellenism, halimbawa, ay maari rin pong tumukoy sa reincarnation.

Tignan mo po ang paliwanag ng Biblical scholar na Gordon Fee tungkol sa salitang yan sa 1 and 2 Timothy, Titus (Volume 13 of New international Biblical commentary, Hendrickson Publishers 1988: 758)

Quote
Of the middle terms, rebirth is found frequently in Hellenism and Hellenistic Judaism for a whole variety of "rebirths"—of deities in the mystery cults (e.g., Plutarch, Isis and Osiris 35), of the Jewish homeland (Jos., Antiquities 11.66), of the reincarnation of souls (e.g., Plutarch, On the Eating of Flesh 1, 2), and of initiates into the mystery cults (see note).

Sa madaling salita po, ang sinasabi ko dito ay kahit ang mga Christian writers ay gumamit po ng mga salita na may koneksyon sa reincarnation. Hindi man po explicit na naipahayag ito, o sabihin po natin na direkta nilang binanggit ang doktrina ng reincarnation, ay mauunawaan parin po ito kung lalaliman po ang pang-unawa sa mga ginamit nilang salita o kataga sa kanilang sinulat.
hero member
Activity: 546
Merit: 500
Sa tingin oo hindi yan totoo kasi kapag namatay ka dalawa kung saan ka pwede magpunta either sa impyerno at sa langit. Dahil madali lang naman isipin eh. 7 billion people tayo noon. Bakit konti lang ang noon at ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami san sila kukuha nang kaluluwa.

paniniwala nila kasi lahat na may buhay may kaluluwa kasalungat sa paniniwala ng Christians na tao lang ang may kaluluwa

Tsaka noon patayan kaya mabagal ang population ng tao noon.. Madugo ang history ng tao
Oo naman talagang laking kristiyano tayo kaya nga hindi tayo masyadong naniniwala sa mga reincarnation kasi naniniwala tayo sa nakasulat na after death eternal life na tayo na alam naman natin na sa heaven and hell lang ang punta natin, siguro nagkakataon lang na meron tayong kamukha kaya ganun.
sr. member
Activity: 714
Merit: 266
Sa tingin oo hindi yan totoo kasi kapag namatay ka dalawa kung saan ka pwede magpunta either sa impyerno at sa langit. Dahil madali lang naman isipin eh. 7 billion people tayo noon. Bakit konti lang ang noon at ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami san sila kukuha nang kaluluwa.

paniniwala nila kasi lahat na may buhay may kaluluwa kasalungat sa paniniwala ng Christians na tao lang ang may kaluluwa

Tsaka noon patayan kaya mabagal ang population ng tao noon.. Madugo ang history ng tao
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Sa tingin oo hindi yan totoo kasi kapag namatay ka dalawa kung saan ka pwede magpunta either sa impyerno at sa langit. Dahil madali lang naman isipin eh. 7 billion people tayo noon. Bakit konti lang ang noon at ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami san sila kukuha nang kaluluwa.
sr. member
Activity: 700
Merit: 257
hindi , wala pa naman ako nakita o napanuod na pinalabas sa mga balita local man o international na may taong nabuhay muli , at tsaka imposible naman ata mangyari ang ganyan

Resurrection po ang tinutukoy niyo dahil ang reincarnation pag namatay ka mabubuhay kaso sa ibang katauhan pwedeng halaman, hayop, tao, etc.
Sana kung totoo man yan,gusto kong mabuhay ulit bilang tao at sna ung sikat naman ako, tulad ng isang artista o kaya basket player. Sbi kc nung iba pag namatay ang isang tao hihiwalay n ung kaluluwa sa katawan nya,tapos maghahanap ng panibagong  katawan n titirhan nya ,dun n rin mawawala lahat ng alaala nya,parang magrereset.
Ano pong malay natin malay mo di po ba yong next life mo? Para nga akong napaisip din bigla dun sa palabas na Goblin di po ba naniniwala talaga sila sa reincarnation, naniniwala din po sila sa Almighty, ewan lang bakit ang pinas hindi naniwala sa reincarnation kasi wala naman po yata to sa Bible eh.
hero member
Activity: 1008
Merit: 500
hindi , wala pa naman ako nakita o napanuod na pinalabas sa mga balita local man o international na may taong nabuhay muli , at tsaka imposible naman ata mangyari ang ganyan

Resurrection po ang tinutukoy niyo dahil ang reincarnation pag namatay ka mabubuhay kaso sa ibang katauhan pwedeng halaman, hayop, tao, etc.
Sana kung totoo man yan,gusto kong mabuhay ulit bilang tao at sna ung sikat naman ako, tulad ng isang artista o kaya basket player. Sbi kc nung iba pag namatay ang isang tao hihiwalay n ung kaluluwa sa katawan nya,tapos maghahanap ng panibagong  katawan n titirhan nya ,dun n rin mawawala lahat ng alaala nya,parang magrereset.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co

Jump to: