Pages:
Author

Topic: [Life After Death] Naniniwala ka ba sa reincarnation? - page 3. (Read 1268 times)

sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
i dont believe in reincarnation, but in after life, yes, i do believe in that. mag kaiba kasi sila para sa akin, ang reincarnation kasi muli kang mabubuhay sa pagkakapatay sa iyo, pero ang after life which is halos karamihan sating mga tao ay pinaniniwalaan ito. ang muling pagkabuhay sa ibang katauhan, muling isisilang gaya ng pangako ng diyos sating mga anak niya na muling mabubuhay basta't sambahin at magtiwala lang sa kakayahan niya na kaya niyang gawin ang lahat.
full member
Activity: 308
Merit: 100
hindi ako naniniwala , wala pa naman naipakitang nare encarnate ,
sr. member
Activity: 714
Merit: 254
naniniwala ako na pagkatapos ng ating buhay dito sa mundo ay mayroong pangalawang buhay na tinatawag, at tayo ay may dalawang pupuntahan, at ito ay ang langit at imperno. base sa aking pagkakaalam ang pagpunta sa langit ay hindi lamang ibinabase sa dami ng mabubuti mong nagawa dito sa lupa
sr. member
Activity: 518
Merit: 278


Isa sa kadalasan pong pinagdedebatehan ngayon ay kung ano nga ba ang kahihinatnan ng tao kapag tayo'y pumanaw na. Kalimitan ang katanungan na ito ay masasabing teolohikal ngunit may mga pagkakataon din na maging ang mga espekto sa siyensya at dudoso ay naglalatag ng opinyon ukol dito. Para sa mga reliyoso at mananampalataya, partikular na ang mga napapabilang sa relihiyong Kristyanismo, naniniwala sila na kapag pumanaw ang tao ay may dalawang lugar itong kapupuntahan, langit at impyerno. Bagaman sa ibang Kristyanong relihiyon na may kaugnayan sa Kristyanismo, tulad ng Katoliko, ay naniniwala sa tinatawag na purgatoryo, isang uri intermediate state kung saan ang kaluluwa ay dadaan sa huling paglilinis o pagpapadalisay bago tuluyan itong tumuloy sa kaharian ng langit. Maliban sa mga Katoliko, ang naturang konsepto ng "final purification" o "final theosis" ay pinaniniwalaan din ng iba pang sektang Kristyano, tulad ng Eastern Orthodox, Lutheran, Methodist, at marami pang iba.

Ngayon, bukod sa tatlong estado o lugar na nabanggit, na sinasabing posibleng kahihinatnan ng tao kapag siya ay pumanaw na, mayroon pang isang paniniwala o konsepto na ikinakabit sa mangyayari sa kaluluwa, o para sa iba, consciousness, kapag pumanaw na dito sa lupa. Ito ay ang konsepto ng reincarnation. Ang konseptong ito ay kalimitang nakakabit sa paniniwala ng mga relihiyon tulad ng Buddhism, Hinduism, Jainism, Wicca, Zoroastrianism, Sikhism, Shintoism, Confucianism, Taoism, at iba pa; bagaman nagkakaiba lamang sa teorya o doktrina nito.

Para sa ilang eskolastiko, na pinag-aralan ang konsepto ng reincarnation, metempsychosis at transmigration of soul sa Judeo-Christian tradition, napag-alaman daw nila na maging ang mga sinaunang Hudyo at Kristyano ay may paniniwala tungkol sa muling pagkakatawang-tao o reincarnation. Sa sulat nalang, halimbawa, ni Flavius Josephus (Ant. 18.14; War 2.163; 3.374; Ag. Ap. 2.218) ay sinasabi daw nito na ang mga Pariseo noon ay naniniwala sa reincarnation. Maliban sa mga Pariseo, sa pahayag din daw ni Josephus, ang sektang Essene ay may ganito ring paniniwala. Ito'y base narin daw sa nakasaad sa Melchizedek o I IQ Melchizedek ("The Last Jubilee") kung saan ang tagapagligtas ay pinaniniwalaan na reincarnation ng pre-Israelite priest-king na si Melchizedek. Sa madaling salita, para daw sa Essenes, ang Tagapagligtas sa hinaharap ay ang "revival" ni Melchizedek o ang reincarnation nito. (Tignan din ang salitang 'gilgul' sa Encyclopedia Judaica, vol. 7, Keter: Jerusalem (1971), 573-577)

Pagdating naman sa Kristyanismo, pinaniniwalaan ng ilang Biblical scholars na ang ilan sa Christian writers ay may ideya tungkol sa reincarnation o transmigration. Ang isa sa halimbawa daw nito ay si James o Santiago. Sa Jm 3:6 ay mababasang nakasulat ang phrase na "τὸν τροχὸν τῆς γενέσεως, wheel of life". Ito daw ay hinalaw sa sinaunang Orphic description ng tinawag na cycle of birth and rebirth (Proclus Diadochus, In Platonis Timaeum comentaria 5.30a-b; tignan din ang Kittel, TDNT 118). Maliban kay Santiago, si Pablo o Paul din daw ay may alam tungkol sa reincarnation. Ang paggamit niya daw ng salitang "παλιγγενεσία, palingenesia" sa Tt 3:5 ay isang tanda na alam nito ang tungkol sa naturang konsepto. Para po sa hindi nakakaalam, ang salitang palingenesia ay ginamit po ito ng mga sinaunang Griyego para tukuyin ang salitang "transmigration" o "reincarnation of souls" (Plu. 2.998c; cf. μετεμψύχωσις fin). Ang isang halimbawa po ng paggamit ng naturang salita ay matutunghayan po sa Platonic image ng reincarnation (Meno 81b; Phaed. 70c. 71e-72a).

Sa kabuuan, malawak po ang paniniwala sa reincarnation. Maliban sa mga relihiyon, pinag-aaralan nadin ito sa ngayon ng siyensya. Gayunman, maganda kung malalaman po natin ang opinyon ng bawat isa ukol sa naturang paniniwalang ito. Sa madaling salita, ang poll na ito ay ginawa ko po upang malaman ang inyong pananaw ukol sa reincarnation. Umaasa po ako na hindi ito magiging debate thread kundi isang discussion thread kung saan bawat isa sa atin ay malayang maipapahayag ang ating opinyon na walang deskriminasyon, lalo na sa paniniwala.

Kaya sa mga kababayan ko, post nyo po dito ang inyong opinyon: naniniwala ba kayo sa reincarnation o hindi?
Pages:
Jump to: