Pages:
Author

Topic: [Life After Death] Naniniwala ka ba sa reincarnation? - page 2. (Read 1293 times)

sr. member
Activity: 518
Merit: 278
hindi ako naniniwala dyan, posibleng gawa gawang kwento lang yan lalo na yung mga books para lang makabenta, dito kasi satin wala naman nababalita at mahirap kasi talaga hanapan ng proof yan kung totoo na reincarnate yan
Maari talagang mali sila or nag over think lang dahil sa sobrang talino but if malalaman mo ang mga explanation nila mapapaisip ka din talaga at mahihiayat ka din isearch to kung totoo ba talaga to or hindi, kasi sa ibang bansa naniniwala talaga sila dito.

Totoo po ang sinabi mo. Sa maniwala kayo't sa hindi, sa survey noong 2009 ng Pew Research Center na pinamagatan nilang "Many Americans Mix Multiple Faiths" sa US ay lumalabas na 24% sa kabuuan nito ang naniniwala sa reincarnation habang ang 22% naman sa mga sumailalim po na mga Kristyano sa survey ay pawang nagpahayag na naniniwala din sa naturang konseptong ito.



Pagdating naman po sa Europe, narito po ang naging dibisyon nila sa mga naniniwala sa reincarnation, base sa estatistika ng 2008 European Values Study para sa tanong na "Do you believe in reincarnation?"





1/3 or more believe in reincarnation

  • Latvia 41.9% (2.3M)
  • Lithuania 37.4% (3.4M)
  • Ukraine 37.1% (46.3M)
  • Iceland 36.2% (0.3M)
  • Russian Federation 33.0% (142.0M)

between 1/4 and 1/3

  • Portugal 31.4% (10.6M)
  • Estonia 30.7% (1.3M)
  • Belarus 30.6% (9.9M)
  • Ireland 30.5% (4.4M)
  • Northern Cyprus 30.5% (0.3M) [not indicated on map]
  • Bulgaria 29.8% (7.6M)
  • Austria 28.8% (8.3M)
  • Turkey 28.4% (74.8M)
  • Switzerland 28.0% (7.6M)
  • Great Britain 27.8% (62.0M)
  • Moldova 27.5% (3.6M)
  • Luxembourg 26.1% (0.5M)

betweem 1/5 and 1/4

  • Finland 24.7% (5.3M)
  • Hungary 23.2% (10.0M)
  • Northern Ireland 23.2% (1.7M)
  • Spain 23.1% (45.6M)
  • Serbia 22.6% (7.4M)
  • France 22.6% (62.3M)
  • Sweden 22.6% (9.3M)
  • Bosnia-Herzegovina 22.4% (3.8M)
  • Romania 21.8% (21.5M)
  • Armenia 21.5% (3.1M)

between 1/6 and 1/5

  • Malta 19.5% (0.4M) [not indicated on map]
  • Slovenia 19.4% (2.0M)
  • Italy 19.2% (60.2M)
  • Albania 19.1% (3.1M)
  • Netherlands 18.8% (16.4M)
  • Germany 18.4% (82.1M)
  • Denmark 18.4% (5.5M)
  • Norway 18.4% (4.8M)
  • Czech Republic 17.6% (10.7M)
  • Cyprus 17.5% (0.9M)
  • Belgium 17.5% (10.7M)
  • Poland 17.4% (38.1M)
  • Greece 17.4% (11.3M)
  • Macedonia 17.4% (2.0M)

less than 1/6

  • Croatia 16.2% (4.4M)
  • Slovak Republic 13.0% (5.4M)
  • Georgia 11.3% (4.4M)
  • Azerbaijan 7.1% (8.7M)


Kung atin pong titignan ang estatistika sa itaas, lumalabas po na hindi lang sa mga bansang tulad ng India, Nepal, Thailand, Burma, Myanmar, at iba pa, na kung saan laganap ang Buddhism at Hinduism, maraming naniniwala sa reincarnation. Sa madaling salita, maging sa US at Europe ay malawak narin po ang pagtanggap sa nasabing doktrina.



sr. member
Activity: 714
Merit: 254
Ako naniniwala ako life after death. Ako nga gusto ko malaman kung anong klase akong tao e. Yung past life ko gusto ko talagang malaman. Ang ganda siguro na nakakaba na aalamin mo kung anong klase ka ng tao diba? Malay mo dati pala akong americano o ibang lahi. Pero oo naniniwala ako ng sobra. Isa pang gusto kong mangyari yung pagnamatay ako same eyes same na ako pa rin. Tapos maaalala ko kung sino yung mga kakilala, pamilya, kaibigan at iba noong ngayon ako. Pero ayun yung tanong ikaa ba ano ka dati at sino ka dati?
Napakahirap naman ng gusto mo malaman, yon ang mahirap dahil wala naman po tayong time machine, naniniwala ako sa reincaration pero hindi ako naniniwala na kapag sinumpa or makasalanan ka dati sa past life mo ay magiging bakla/tomboy ka na kapag nireincarnate ka. Ewan ko bakit yong mga ibang bansa naniniwala sa ganun baka nga totoo, di natin full of mystery ang mundo natin.
full member
Activity: 337
Merit: 100
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Ako naniniwala ako life after death. Ako nga gusto ko malaman kung anong klase akong tao e. Yung past life ko gusto ko talagang malaman. Ang ganda siguro na nakakaba na aalamin mo kung anong klase ka ng tao diba? Malay mo dati pala akong americano o ibang lahi. Pero oo naniniwala ako ng sobra. Isa pang gusto kong mangyari yung pagnamatay ako same eyes same na ako pa rin. Tapos maaalala ko kung sino yung mga kakilala, pamilya, kaibigan at iba noong ngayon ako. Pero ayun yung tanong ikaa ba ano ka dati at sino ka dati?
sr. member
Activity: 770
Merit: 253
.Ewan ko lang ahh, marami na rin kasi akong naririnig na testimonies na totoo daw ang reicarnation. Mahirap din siguro maniwala kasi nga life after death yan and may iba rin akong narinig na may ibang taong na restore pa ang kanilang memories bago mamatay, so ewan ko lang kung totoo ba oh sabi sabi lang mga yan.
Ako din eh dati rati ang isip ko ay wala lang yan at parang likhang isip lang yan ng mga tao dahil kung meron nasaan or what? Pero ngayon nung parang nadaanan namin siya sa isang subject parang totoo nga dahil well expalined siya ng teacher namin nun kaya nagbasa basa na din ako regarding dito at naniniwala din kahit papaano.
full member
Activity: 443
Merit: 110
.Ewan ko lang ahh, marami na rin kasi akong naririnig na testimonies na totoo daw ang reicarnation. Mahirap din siguro maniwala kasi nga life after death yan and may iba rin akong narinig na may ibang taong na restore pa ang kanilang memories bago mamatay, so ewan ko lang kung totoo ba oh sabi sabi lang mga yan.
member
Activity: 70
Merit: 10
Maraming nag sasabing totoo ang reincarnation pero para sakin hindi ako gaanong napapaniwala kumabaga 70:30% palang, hindi pa talaga ako actually maniniwala syempre minsan may mga kasabihan sila na to see is to believe nga diba, so may ganun din ako, pero marami akong nakikita na proofs about sa issue na to which is kapanipaniwala naman kaya 70% lang na naniniwala ako.
sr. member
Activity: 714
Merit: 266
hindi ako naniniwala dyan, posibleng gawa gawang kwento lang yan lalo na yung mga books para lang makabenta, dito kasi satin wala naman nababalita at mahirap kasi talaga hanapan ng proof yan kung totoo na reincarnate yan
Maari talagang mali sila or nag over think lang dahil sa sobrang talino but if malalaman mo ang mga explanation nila mapapaisip ka din talaga at mahihiayat ka din isearch to kung totoo ba talaga to or hindi, kasi sa ibang bansa naniniwala talaga sila dito.

Pati ang mga ibang scientists naniniwala kasi nga yung Laws of Energy the "law of conservation of energy says that energy is neither created nor destroyed". Energy changes from one form of energy into another form of energy.
hero member
Activity: 546
Merit: 500
hindi ako naniniwala dyan, posibleng gawa gawang kwento lang yan lalo na yung mga books para lang makabenta, dito kasi satin wala naman nababalita at mahirap kasi talaga hanapan ng proof yan kung totoo na reincarnate yan
Maari talagang mali sila or nag over think lang dahil sa sobrang talino but if malalaman mo ang mga explanation nila mapapaisip ka din talaga at mahihiayat ka din isearch to kung totoo ba talaga to or hindi, kasi sa ibang bansa naniniwala talaga sila dito.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
I-share ko lang po sa inyo itong mga video na ito. Mga research presentations at lectures po yan tungkol sa reincarnation na pinangunahan ng mga kasapi po sa Division of Perceptual Studies (DOPS) ng Department of Psychiatry and Neurobehavorial Sciences sa University of Virginia.

Is There Life after Death? Fifty Years of Research at UVA
Jim B. Tucker MD, Bonner-Lowry Associate Professor and Director | Bruce Greyson MD, Chester F. Carlson Professor Emeritus | Edward F. Kelly Ph.D., Research Professor | J. Kim Penberthy Ph.D., Chester F. Carlson Professor

Dr. Jim Tucker: Children Who Remember Previous Lives
Author of 'Return to Life' and 'Life Before Life', and director of the UVA The Division of Perceptual Studies

Evidence of Reincarnation in Childhood by Dr. Jim Tucker, Bonner-Lowry Associate Professor of Psychiatry and Neurobehavioral Sciences at the University of Virginia

Scientific Reincarnation Evidence by Dr. Ian Stevenson

A Discussion on Reincarnation and Afterlife by Rabbi DovBer Pinson. הרה''ג הרב פינסאן שליט''א
A world-renowned scholar of Torah, Jewish philosophy, Kabbalah, and mysticism

Reincarnation and the Afterlife & Judaism by Rabbi DovBer Pinson. הרה''ג הרב פינסאן שליט''א

hero member
Activity: 2716
Merit: 904
Hindi ri ako naniniwala sa reincarnation kasi hanggang ngayon ay wala pang makakapagpatunay sa reincarnation at ang mga ito ay puro kathang isip lang.
Maniniwala lang ako if may lumantad na tao at maiditalye niya ang buong buhay nya sa nakaraan piro if mamatay ang tao ay nabubura din nito ang kanyang mga alaala.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
hindi ako naniniwala dyan, posibleng gawa gawang kwento lang yan lalo na yung mga books para lang makabenta, dito kasi satin wala naman nababalita at mahirap kasi talaga hanapan ng proof yan kung totoo na reincarnate yan
sr. member
Activity: 644
Merit: 253
No hindi ako naniniwala sa reincarnation. May isang religion na naniniwala yan if I am not mistaken Hinduism yata yung mga yun. Naniniwala sila sa after life na kapag namatay ka, mabubuhay ka ulit and kung hindi ako nagkakamali maaari ka raw maging cow pag puro sin ka. Kaya para sa kanila hindi importante itong life na ito ang mas importante sa kanila ay ang after life. That's why inaapply nila yung norms.
Hindi ko alam kung maniniwala ako or hindi pero possible din kasi talaga siya na mangyari napaka misteryo ng mundo natin sobra, napag aralan namin to sa social studies at ayon dun yong mga buddhist ay naniniwala sila dito, sabi nga po nila yong mga bakla daw ngayon it means maraming kasalanan dati kaya ngayong na reincarnate sila ay mga naging gay/lesbian. Share lang po to no offense sa lahat.
sr. member
Activity: 714
Merit: 266
hindi , wala pa naman ako nakita o napanuod na pinalabas sa mga balita local man o international na may taong nabuhay muli , at tsaka imposible naman ata mangyari ang ganyan

Resurrection po ang tinutukoy niyo dahil ang reincarnation pag namatay ka mabubuhay kaso sa ibang katauhan pwedeng halaman, hayop, tao, etc.
full member
Activity: 560
Merit: 105
hindi , wala pa naman ako nakita o napanuod na pinalabas sa mga balita local man o international na may taong nabuhay muli , at tsaka imposible naman ata mangyari ang ganyan
sr. member
Activity: 672
Merit: 251
No hindi ako naniniwala sa reincarnation. May isang religion na naniniwala yan if I am not mistaken Hinduism yata yung mga yun. Naniniwala sila sa after life na kapag namatay ka, mabubuhay ka ulit and kung hindi ako nagkakamali maaari ka raw maging cow pag puro sin ka. Kaya para sa kanila hindi importante itong life na ito ang mas importante sa kanila ay ang after life. That's why inaapply nila yung norms.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
parang nagiging wikipedia na ang forum ah .
anyway , ako naniniwala sa after life pero sa reincarnation wala pa akong nababasa regarding that na magpapatunay sa ganyn o nag testify sa ganyn kaya malabong maniwala ako .

Pwede po akong mag-provide ng eBooks po na pwede nyo po i-download at basahin na tungkol sa reincarnation. Kasama na po dito yung mga libro po nila Dr. Ian Stevenson, Dr. Jim Tucker, Prof. Robert Almeder, Dr. Raymond Moody, Dr. Eben Alexander, Pro. Charles B. Daniels, etc. Kung interesado po kayo, sir.
full member
Activity: 535
Merit: 100
#SWGT PRE-SALE IS LIVE
wala pa namang nabubuhay pagkatapos mamatay na nangyayare dito sa mundo na tinatawag nating reincarnation bukod sa diyos. pero dahil diyos sya walang imposible dun, pero sa ating mga normal na tao malabo ata un kaya hindi ako naniniwala, pero sa after life, o mas tinatawag nating muling pagkabuhay pero sa ibang katauhan, naniniwala ako. bkt? kasi nakasaad yun sa bibliya kung saan makikita natin ang gantimpala ng diyos sa mga tao na kapag siya lang ang tanging sinamba at pinupuri ng tao bibigyan ka ng panibagong buhay.
hero member
Activity: 686
Merit: 500
parang nagiging wikipedia na ang forum ah .
anyway , ako naniniwala sa after life pero sa reincarnation wala pa akong nababasa regarding that na magpapatunay sa ganyn o nag testify sa ganyn kaya malabong maniwala ako .
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
Sa totoo lang po ay mayroon ng mga pag-aaral na ginawa na nagpapatibay sa posibilidad po ng reincarnation. Ang isa sa mga leading authorities pagdating po sa pananaliksik at pag-iimbestiga sa naturang phenomena ay walang iba kundi si Dr. Ian Stevenson ng University of Virginia. Marami narin po siyang nailathalang libro at artikulo ukol dito, kabilang na po diyan ang "The Evidence for Survival from Claimed Memories of Former Incarnations, Part I. Review of the Data," Journal A.S.P.R., Vol., 54 (1960), pp. 51-71, Twenty Cases Suggestive Reincarnation (1966), Unlearned Languages: New Studies in Xenoglossy (1984), Children Who Remember Previous Lives (1987), Where Reincarnation and Biology Intersect (1997) at European Cases of the Reincarnation Type (2003). Lahat po ng nabanggit kong libro ay base po sa siyensya at hindi lang nakasandal sa paniniwala ng anumang relihiyon.

Sa mga libro po na yan ay tinalakay po ang mga kaso nang claims ng reincarnation sa iba't ibang lugar sa mundo, kabilang na po diyan ang India, Ceylon, Brazil, Southeastern Alaska, Lebanon, Myanmar, Thailand, Sri Lanka, Nigeria, United State, Canada, Europe, at marami pang iba. Ang isa sa interesanteng case ng reincarnation ay iyong case ni Chanai Choomalaiwong ng Thailand. Halos lahat po ng binigay at nakitang deskripsyon sa kanya ay tumutugma sa kung ano ang nangyari po kay Bua Kai, na ayon kay Choomalaiwong ay siya noong nakaraang buhay. Isalaysay ko po dito ang tungkol sa kaso niya, base narin po sa nakasaad sa libro ni Ian Stevenson na Where reincarnation and biology intersect.


Quote
Si Chanai Choomalaiwong ay ipinanganak po sa central Thailand noong 1967. Ang mga magulang niya ay hiwalay, at una po siyang pinalaki ng kanyang ina at pagkatapos ng kanya namang lola, na nagmamay-ari ng isang duck farm. Sa edad na dalawa, tumira siya kasama ang kanyang lola sa lugar na kung tawagin ay Nong La Korn. Noong ipinanganak si Chanai, nakitaan po siya ng dalawang birthmarks; ang isa ay nasa likod ng kanyang ulo at ang isa naman nasa harap sa itaas ng kanyang kaliwang mata. Sa panahon na iyon ay wala pang pagkakaunawa ang kanyang pamilya sa pinagmula ng nasabing mga marka.

Sa edad na tatlo, napansin na po ng kanyang lola na kapag naglalaro ito kasama ang ibang bata ay palagi itong nagpre-pretend o nagpapagap na isang guro at sinasabi niya na sa kanyang nakaraang buhay ay dati siyang nagtrabaho sa ganitong propesyon. Pagkatapos ay isinasalaysay daw nito ang mga istorya ng kanyang buhay sa nakaraan. Sinabi daw po ni Chanai na ang pangalan niya noon ay Bua Kai at nabaril daw siya habang siya ay papunta sa eskwelahang kanyang pinagtratrabahuhan. Isinalaysay niya din na mayroon siyang mga magulang, asawa at mga anak. Kalaunan pinakiusapan daw ni Chanai ang kanyang lola na na dalin siya sa magulang ni Bua Kai. At para makapunta daw sa naturang lugar ay ituturo daw nito kung saan siya nakatira at ito daw po ay sa Khao Phra. Pagsapit ni Chanai sa  edad na apat taon, pinagpasyahan ng kanyang lola na dalin na siya sa Khao Phra. Sumakay sila ng bus at tsaka tumuloy sa Khao Sain, na malapit sa lugar ng Khao Phra. Doon, si Chanai na ang nagbigay ng direksyon patungo sa dati daw po niyang tinitirahan. Pagpasok nila sa lugar at bahay na dating tinitirahan ni Bua Kai ay nakilala daw agad ni Chanai ang mag-asawa na tumanggap sa kanila at tinawag niya ito na kanyang mga magulang. Ang mag-asawa ay ang mga magulang ng gurong na si Bua Kai Lawnak, na pinatay noong 1962. Noon din po pinagkumpara nila ang birthmarks ni Chanai at ang tama ng bala sa pumanaw na si Bua Kai. Magkatugmang-magkatugma daw ito. Dahil sa pangyayari, inimbitahan muli nang pamilya ni Bua Kai na bumalik si Chanai at kanyang lola sa kanila. Nang muli silang makabalik, nakita ni Chanai ang iba pang kamag-anak ni Bua Kai at agad niya silang nakilala. Maliban pa dito, lahat nang mga bagay na pag-aari ni Bua Kai ay naalala at binanggit pa ni Chanai na sa kanya.

Nung tumuntong na sa pagitan ng edad lima at anim na taon si Chanai, muli silang bumisita sa pamilya ni Bua Kai. Ang isang nakakamangha dito, ang kambal na babae na anak ni Bua Kai, sina Tim at Toi, ay may nakitang kaibigan ni Bua Kai na hindi pa nakikita ni Chanai. Nang tanungin daw nila ito kung kakilala niya kung sino ang taong ito ay ang naging tugon ni Chanai ay, "Yes, his name is Sam Am." Dagdag pa nito, magkaibigan daw po silang dalawa noon, na base sa mga kamag-anak ni Bua Kai ay totoo.

Tungkol naman sa buhay ni Bua Kai. Isa daw po itong guro at may dagdag hanapbuhay daw ito bilang isang mambubutang. Ilang ulit narin daw po na pinagtangkaan ang buhay nito kaya't napilitan siya na lumipat ng ibang eskwelahan pinagtratrabahuhan, malapit sa syudad ng Tapanhim, dalawampu't limang kilometro pahilaga sa Khao Sai. Umaga ng Enero 23, 1962, habang nakabisekletang papunta si Bua Kai sa eskwelahan ay binaril daw ito sa likod ng ulo at agad namatay. Pinatotohanan po ng doktor na sumuri sa kanya, kanyang asawa, si Suan, at kapatid na lalaki, si Sai, na sa likod nga ng ulo binaril si Bua Kai at tumagos ang bala sa ulo niya sa itaas ng kanyang kaliwang mata. Ang lokasyon ng tama ng bala kay Bua Kai ay tumutugma po sa lokasyon ng birthmark ni Chanai.




Ngayon hindi po magkakilala ang dalawang panig. Ang lola ni Chanai at ang pamilya ni Bua Kai ay wala pong relasyon at wala ring ugnayan bago ang kapanganakan ni Chanai at bago ang pagkikita nila. Sa madaling salita po, walang bagay na masasabing pwedeng makaimpluwensya sa kwento ni Chanai o magbunsod sa bata para mag-imbento ng kwento.


Ang nabasa nyo po sa itaas ay isa lang po sa maraming halimbawa ng kaso na naitala sa nasabing libro ni Dr. Stevenson. Hindi ko na po idedetalye lahat. Iyong iba pa pong istorya na nakalagay doon, halimbawa, iyong kaso nila Sujith, Ma Htwe Win, Semih Tutusmus, Ma Khin Mar, Maung Nyunt Win, Jacinta Agbo, Susunu Ogura, at iba pa, ay kaparehas din po halos ng kay Chanai kung saan may koneksyon din sa birthmarks. Ipinapayo ko po na hanapin at basahin nyo din po yung artikulo ni Ian Stevenson para sa Journal of Nervous and Mental Disease (171, pp. 742-748) at ang libro niya na European Cases of the Reincarnation Type. Sa dalawa pong iyan, nakasaad ang pagpunta ni Stevenson sa mga lugar kung saan hindi laganap ang paniniwala sa reincarnation ngunit may mga naitalang kaso ng mga bata at matatanda na nagke-claim na dati na silang nabuhay. Ang ilang maganda halimbawa po niyan ay iyong kaso nila Jenny McLeod, Gillian at Jennifer Pollock, at Einar Jonsson.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Pages:
Jump to: