Oo malaki kinita nya sa crypto kaya sya nag voluntary mag bayad ng tax. lubusin ko na rin mag tanong sa mga mas mahuhusay dito kaysa gumawa ng bagong thread, kasi medyo nag aalala din ako kapag usaping tax. nakabili kasi ako ng lupa at ngayon pinatatayuan na rin hindi kaya ako makasuhan ng BIR pag malaman na galing sa Crypto ang pera ko. wala ako trabaho tanging crypto lang ako trading, bounty, airdrop promotion at kung ano ano pa. kung magpapfile naman ako aabutin kaya ng ilang porsyento ang babayaran ko. baka kasi makasuhan ako.
Hindi pa pala na sagot itong tanong mo, so siguro wala pa naman nakaranas dito ng inaalala mo. Wala pa rin naman akong nabasa o narinig na hinabol ng BIR dahil lang sa galing sa crypto na naging pera at ginastos mo sa pagbili ng lupa at pagpatayo ng bahay. So kamusta na pala ang bahay mo ngayon?
Kung ako nasa sitwason mo, hindi ko na babanggitin ang crypto, sasabihin ko na lang na galing online freelancing jobs, pwede mo rin sabihin na pinag iponan mo kung ikaw ay unemployed. Pwede mo rin naman idahilan na may ambag ang pamilya mo. Ang babayaran mo lang sa kanila ay yung mga permits gaya ng building permit or etc.