Just wondering, ang cryptocurrencies ba ay may tax? Ayon sa Taxation Law ng Pinas, kapag kasi ang isang freelancer ay lumagpas ang kinita sa PHP250,000 sa loob ng isang taon ay may kaukulan na itong tax.
This case might be sensitive pero matanong ko lang, wala pa bang kumatok sa mga bahay sa inyo ayon sa usaping ito? I mean tax evasion.
Share your thoughts and experiences, hirap kasi na parang ilegal tong ginagawa natin dahil wala naman talagang batas ukol dito
Sa palagay ko pa masyado pa pong bago ang cryptpcurrencies para gawan ng tax ng pinas. Gaya nga ng sabi niyo wala pa tayong kaukulang batas ukol dito kaya kung walang batas walang batas na nilalabag nito. Siguro may mga activities that are deemed illegal pero the asset itself hindi natin pwede sabihin ilegal. Sa kasamaang palad lang meron lang mga kababayan na ginagamit ang cryptocurrency para mag loko ng ibang tao kaya nagiging ilegal ito.
Maganda ang tanong niyo kasi sa mga tao na kumikita talaga sa investment nila and freelance work nila sa crypto baka ma flag. Ang pwede lang mag execute ng ganitong monitoring ay ang mga payment processor tulad ng coins.ph doon kasi ang intersection ng peso and crypto natin. Personally naka receive na ako ng email coming from coins.ph pati na din ang BF ko bakit daw ang daming transaction namin sa coins.ph dahil nag buy and sell kami ng mga crypto. Hindi na ako magtataka in the future kung ang mga crypto payment processor tulad ni coins.ph ang gamitin ng gobyerno para ma monitor ang activities ng mga gumagamit ng crypto.
Sa ibang bansa tulad ng Japan, Korea, Singapore and Switzerland lahat pinagaaralan pa nila yan kasi ayaw naman nila mawalan ng gana sa innovation ang mga cryptocurrency proponents dahil sa taxation. Marami sa mga bansa kong nasabi na alam malaki ang potential crypto and madami sa kanila ang hindi nag implement ng taxes madam pa nga sa mga crypto related projects gets subsidy.
Sa aking palagay crypto is a new form of gig economy na dapat hindi pakialaman ng goverment with taxation. Kung nagbibigay sila ng incentive sa mga big companies para mag tayo ng operations dito sa ating bansa dapat may tax breaks din yung mga pinoy cryptocurrency enthusiast na sa sariling sikap naktagpo ng pagkakakitaan online without the help of the government.