Yung mga pumunta na nagrereklamo sa Rtia kahit isa sa kanila wala pang nagfile ng kaso kina yexel, after 24 hrs na pagpunta nila kay Tulfo, nakalipad na si Yexel papuntang Japan. In short, Si Raffy tulfo naging hudyat ni Yexel na lumipad na ng Japan dahil naamoy na nya after ng interview sa kanya sa wanted sa radyo ay sasampahan na siya talaga ng kaso.
Mas mabuting umabot na rin ito kay Tulfo kasi dahil sa senador magagawan nya ito ng mga paraan at ma expose yung mga casino junket na yan sa pamamagitan gn senate hearing, yung pagpunta ni Yexel sa Japan ya pwedeng balewala rin kasi pwede sila matangalan ng visa at liliit na ang mundo nila at pwede na mailit lahat ng mga pag aari nila kung matalo sila sa kaso, bilib din ako akay Yexel ang laki ng pera pero ayaw mag hire ng lawyer pars mag represent sa kanya dito dinadaan lahat sa post sa Facebook.
Well talagang ganyan, maging lesson na ito sana sa lahat ng nagiisip ng mabilisang kita na patubo sa kanilang mga pera.
Dahil nakarating na ito sa senado malamang maging fugitive ang grupo ni Yexel mapapabilisan na ang kaso kasi tututukan ito ni Tulfo hindi naman sa bilib ako kay Tulfo pero may kapangyarihan na sya magpatawag sa senado at kwestiyunin ang ibat ibang ahensya ng gobyerno, di katulad noon panawagan lang sa TV ang kaya nya.
I doubt na tututukan ni Raffy tulfo yan, dinadala lang naman nya sa senado yung mga sensational na nangyayari sa social media kapag alam nya n pwede siyang makapagpabida o maipakita nya na magaling siya kahit hindi naman, simula ng naupo siya na senador sa senado pansinin at obserbahan mo puro lang siya file ng resolution pero walang pagpupursigi.
Pansinin mo rin sa bawat hearing na meron siya at kakausapin yung mga resource person, sa halip na pagkuhaan nya ng facts ang mga ito, ang ginagaw nya ay inaakusahan nya ang mga ito, pinapahiya, binabastos, at pinapakita na nasa kanya na yung facts na hinahanap nya. Hangang ngayon ganun parin istilo nya for more than 1 year.
So sana ibang senador nalang ang tumutok dyan gaya nina senator Imee Marcos, Bato huwag lang si Tulfo para naman kahit pano maibsan ang hinanaing ng mga kawawang ga biktima na ofw.