Pages:
Author

Topic: Mga Artista Na Scam Ng Crypto Investment - page 4. (Read 841 times)

full member
Activity: 2324
Merit: 175
October 10, 2023, 05:47:58 PM
#39
Totoo, yung mga wala pang alam masyado ang madalas nasscam ng mga masasamang tao na to.
Sobrang bilis nila magtiwala, hindi sana ganun kasi malaking pera yung bibitawan e.
Ganito talaga mangyayari pag tamad ka magcheck or magdouble check ng mga project. Nasa huli talaga ang pagsisisi sobrang laking pera rin yung nawala.
Madami pa rin talaga nai-scam, mapacelebrities, mapasocial media influencer. Ngayon naman kung nabasa niyo mga kabayan merong panibagong scam yung isang sikat na social media pero hindi naman related sa crypto pero ang sinasabi ay casino junket.
Yung kay Yexel Sebastion at Mikee Agustin. Ang daming nabiktima din ng mga ito, P200M ang nakulimbat nila at tapos naka alis na paputang Nagoya, Japan. Itong mga manggogoyong ito, wala ng sinasanto kahit kilala sila, o kahit ang biktima ay artista. Wala na dapat talagang pagkatiwalaan sa mga investment schemes na yan dahil karamihan ay puro scam at kung may legit man, sa bangko nalang at stock market at siyempre sa crypto market at doon ka na sa Bitcoin na ikaw na din mismo maghohold ng investment mo.

Itong kay Yexel Sebastian malaki talaga ang na scam syndicated estafa ito at pwede itong madeport kung mapawalang bisa ang kanilang mga visa kahit marami silang pera kung yung government na mismo ang tutulong sa mga biktima para ma prosecute ang grupo ng Yexel, dapat magpursige ang government para ma discourage yung mga tao na may investment company daw na mang scam sa profile ni Yexel pinagtatanggol pa nya sarili nya na isa din daw syang biktima pero alam naman natin ang totoo na sya mismo ang tumangap ng pera galing sa mga investors.
Kaya dahil sya ang tumanggap sya ang ituturong nang scam sa mga investors, at kasama sya sa mga kakasuhan.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
“FRX: Ferocious Alpha”
October 09, 2023, 10:58:04 PM
#38
Saw this nakaraan and grabe pa rin talaga yung lack of knowledge ng iba when it comes to investments.
Alam mo Bro , parang di ako maniniwala na ang dahilan nito ay LACK OF KNOWLEDGE tulad ng sinasabi mo dahil considering na mga college graduate or level tong dalawa(at yong iba pang victims)
and tingin ko dito ay sadyang madali lang sila silawin ng mabilisan at malakihang kita.
Quote
Sabagay, naeenganyo talaga sila kasi ang naghahatak sa kanila ay close friends o kamag anak mismo nila na nakaexperience kumita sa umpisa. Syempre diba, pagkilala mo talaga ang tao, tiwala ka. Kaso nga lang ang problema, yung pinagkatiwalaan nila, nahatak lang din pumasok sa investment scheme which in the end pare parehas silang nabibiktima.
isa pa yan , ang unang mga nauto ng mga to eh kamag anak at kaibigan na talaga naman Na Sampolan na ng Kita Kumbaga mga unang tao na Pinakitaan ng legitimacy kaya talagang mag hahatak pa mga yon.
Quote
Personally, nakaexperience na ko ng ganyan. Kamag anak ko, nainvite sa investment scheme tas kumikita sya nung umpisa kaya inalok nya rin ako.
Tita ko mismo eh nakaranas din ng ganito kasi naman kumikita sya ng ilang buwan , kaya kami a mga kamag anak namin sa abroad ay pilit nyang inaalok.
pero nbuti nalang na warningan ko Mama ko at mga kapatid ko kasi kung nagkataon after several months? tumakas na yong pinag investan nila kaya tita ko eh isa sa mga talunan.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
October 09, 2023, 03:51:59 PM
#37
Totoo, yung mga wala pang alam masyado ang madalas nasscam ng mga masasamang tao na to.
Sobrang bilis nila magtiwala, hindi sana ganun kasi malaking pera yung bibitawan e.
Ganito talaga mangyayari pag tamad ka magcheck or magdouble check ng mga project. Nasa huli talaga ang pagsisisi sobrang laking pera rin yung nawala.
Madami pa rin talaga nai-scam, mapacelebrities, mapasocial media influencer. Ngayon naman kung nabasa niyo mga kabayan merong panibagong scam yung isang sikat na social media pero hindi naman related sa crypto pero ang sinasabi ay casino junket.
Yung kay Yexel Sebastion at Mikee Agustin. Ang daming nabiktima din ng mga ito, P200M ang nakulimbat nila at tapos naka alis na paputang Nagoya, Japan. Itong mga manggogoyong ito, wala ng sinasanto kahit kilala sila, o kahit ang biktima ay artista. Wala na dapat talagang pagkatiwalaan sa mga investment schemes na yan dahil karamihan ay puro scam at kung may legit man, sa bangko nalang at stock market at siyempre sa crypto market at doon ka na sa Bitcoin na ikaw na din mismo maghohold ng investment mo.
full member
Activity: 1442
Merit: 153
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
October 09, 2023, 12:27:52 PM
#36
Kala natin mga pangkaraniwang tao lang ang naiiscam ng mga Ponzi scheme gamit ang Cryptocurrency, ito kababalita lang 2 artista ng Gma Sparkle na mag kasintahan ang na iscam ng Cryptocurrency Ponzi scheme bukod sa kanila mayroong iba pa silang kasama  na iscam na umabot sa 8 milyon piso.
Wala talaga pinipili ang naiiscam lalo na sa mga walang alam regarding sa investment. Any kind of business na mag offer ng ganyang kalaking percentage ay too good to be true parang 60% profit a year ang matatanggap mo diyan lalo na pag sinabing puro profit ang makukuha mo, hindi ganyan ang investments. Masaklap kase ang laki pala nakuha sa kanila

Totoo, yung mga wala pang alam masyado ang madalas nasscam ng mga masasamang tao na to.
Sobrang bilis nila magtiwala, hindi sana ganun kasi malaking pera yung bibitawan e.
Ganito talaga mangyayari pag tamad ka magcheck or magdouble check ng mga project. Nasa huli talaga ang pagsisisi sobrang laking pera rin yung nawala.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
October 08, 2023, 08:17:16 PM
#35
Kala natin mga pangkaraniwang tao lang ang naiiscam ng mga Ponzi scheme gamit ang Cryptocurrency, ito kababalita lang 2 artista ng Gma Sparkle na mag kasintahan ang na iscam ng Cryptocurrency Ponzi scheme bukod sa kanila mayroong iba pa silang kasama  na iscam na umabot sa 8 milyon piso.
Wala talaga pinipili ang naiiscam lalo na sa mga walang alam regarding sa investment. Any kind of business na mag offer ng ganyang kalaking percentage ay too good to be true parang 60% profit a year ang matatanggap mo diyan lalo na pag sinabing puro profit ang makukuha mo, hindi ganyan ang investments. Masaklap kase ang laki pala nakuha sa kanila
Sadyang magagaling talaga mamili ang mga scammer. Pero nagtataka ako wala man lang nag advice sa kanila o hindi man lang sila humingi ng konsultasyon sa ibang tao na maraming alam sa investment bago sila maglabas ng pera. Sobrang laki ng return in a year tapos sa interview na nila mismo nanggaling na too good to be true yung interest, doon pa lang dapat may kutob na sila at hindi na tinuloy maglabas ng sobrang laking pera.

ROI na mas mataas sa 20-25% dapat magtaka na at gumawa na ng madaming imbestigasyon kung legit ba o hindi ang investment. Ponzi ang style ng ipinangako sa kanila, kalat na kalat na ang ganitong style dahil sa social media pero may nabibiktima pa din talaga hanggang ngayon.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
October 08, 2023, 07:51:50 PM
#34
Kala natin mga pangkaraniwang tao lang ang naiiscam ng mga Ponzi scheme gamit ang Cryptocurrency, ito kababalita lang 2 artista ng Gma Sparkle na mag kasintahan ang na iscam ng Cryptocurrency Ponzi scheme bukod sa kanila mayroong iba pa silang kasama  na iscam na umabot sa 8 milyon piso..

Dating modus operandi aalukin ka na mag invest para sa 5% monthly interest nung una ay narereceive nila ang profit dahil dito sila ay kumagat sa double profit na tubo hangang sa tuluyan na silang pinagtaguan ng mga scammers
Hindi na bago yung style pero marami parin talaga ang nasilaw at kahit artista natukso rin. Sino ba naman ang hindi masisilaw sa 5% monthly interest lalo na at natupad naman ito? Yun nga lang ganun talaga ang modus, sa una lang ok, pag naglagay kana ng malaki saka ka ma i scam, typical na ponzi. Satin na matagal na dito sa crypto, alam na alam na natin ang mga ganitong modus.

Nakakalungkot lang dahil crypto na naman ang ginamit na tool para makapang scam lalo na artista pa, sikat at nabalita sa national tv. Pangit na image na naman ang papasok sa isipan ng mga taong walang idea tungkol sa crypto. Ang mga negative news na ganito ang nagdi discourage sa mga tao na pumasok sa crypto, kasi akala nga nila scam. Well, hindi na rin naman bago dahil kahit dati pa marami na rin ang nabalita na similar sa news na ito. Nasa tao na lang talaga kung maniniwala o mag re-research para malaman ang totoo.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 08, 2023, 01:01:56 PM
#33

Siguro ay wala din mga nag advice sa artistang yan o sadyang nadaan talaga sila sa mabubulaklak na salita. Pwede din na wala silang idea sa pamamaraan na ginamit na pang scam sakanila kaya natangayan sila ng malaking pera. Paniguradong charge to experience na yan sa kanila at hindi na sila mag lalabas ng pera basta basta sa mga susunod na investment lalo kung involve ang crypto.

Nabanggit dun sa interview na talagang magaling yung nakabiktima sa kanila kasi yung mga naunang investment nila eh kumita naman daw sila kaya hindi nila akalain na mauuwi sa ganitong sitwasyon, nandun sila sa paniniwala na nagbabayad naman at talagang lumalago yung pera nila, ang masakit lang kasi dun sa crypto investment na pinangako sa kanila eh yung ROI at yung bilis ng kitaan, dun talaga sila nadale pinakagat sila dun sa naunang investment na pinasukan nila kumbaga binusog sila para hindi sila maghinala na tatakbuhan sila after.

Hirap talaga magtiwala sa panahon ngayon kasi pag natukso na sa pera yung tao kaya ng balewalain yung tiwala at isugal ung pangalan,.
Madaming scam ang ganito nag sisimula, kumbaga papakagatin ka muna nila. Once na confident kana at may tiwala sakanila na hindi ka nila lolokohin, dun na sila biglang mawawala. Pero malakas talaga ang loob sa nang scam sakanila since public figure ang mga ito nandun yung risk na maeexpose talaga sila at pagtutuunan ng pansin ng mga authoridad ang kaso nila.

Yun ang malaking pagkakamali na ginawa nila kasi nga public figures tong mga to' sigurado na yung treatment ang nasa awtoridad eh medyo focus tapos na media pa kaya yung mga pangalan na sangkot siguradong sira agad at hahanapin agad, pagdating naman sa way ng pangloloko, ang gara talaga ng paraan ng mga scammers biruin mo namuhunan kunwari para pakitain ka sa negosyong inalok sayo tapos paglunod na lunod ka na sa pagtitiwala dun ka nila babanatan patalikod at sasamsamin yung mga pinaghirapan mo.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
October 07, 2023, 06:57:44 PM
#32
Kala natin mga pangkaraniwang tao lang ang naiiscam ng mga Ponzi scheme gamit ang Cryptocurrency, ito kababalita lang 2 artista ng Gma Sparkle na mag kasintahan ang na iscam ng Cryptocurrency Ponzi scheme bukod sa kanila mayroong iba pa silang kasama  na iscam na umabot sa 8 milyon piso.
Wala talaga pinipili ang naiiscam lalo na sa mga walang alam regarding sa investment. Any kind of business na mag offer ng ganyang kalaking percentage ay too good to be true parang 60% profit a year ang matatanggap mo diyan lalo na pag sinabing puro profit ang makukuha mo, hindi ganyan ang investments. Masaklap kase ang laki pala nakuha sa kanila
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
October 07, 2023, 04:35:23 PM
#31
Napanood ko din ito sa news and nagulat din ako na mga sikat na artista ang nadale ng ganitong ponze scheme, sobrang nakakagulat dahil sobrang laki ng nakuhang pera sa kanila kung titignan 8million. I mean kung titignan naman ang investment na mayroon nalang 5% na tubo na monthly interest, I mean okey naman siya pero mukang malaki na rin naman ito kung monthly ang titignan, so possible talaga na scam ang investment na ito. Sa mga Unang buwan kung kumikita sila is normal lang naman yun since sobrang laki ng capital nila maaaring yung ininvest lang din nila ang ginagamit na pambayad sa kanila, possible din naman na sinusubukan talaga nila na magtrade pero natalo lang talaga kaya nauwi sa ganito.

Vulnerable talaga kung cryptocurrency and hindi ikaw ang magaaral at magiinvest sa sarili mo, marami na rincases na ganito na aalokin na na maginvest sa cryptourrency din sila ang magmamanage para sayo siguro mga daily trader sila something like that, which is sobrang risky naman din talaga kahit saan mo tignan dahil hindi ka naman guarantee na kikita sa market everytime, depende nalang kung napepredict mo ang market which is imposible. Kaya kung may balak talaga tayong maginvest sa cryptocurrency dahil tayo mismo ang maginvest, kilangan mo talaga siyang aralin. Masokey na rin siguro na umiwas ka nalang kung magiinvest ka sa tao na nagcrycrytocurrency dahil lang nakikita mo na mukang malaki ang kinikita niya dito.

legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
October 07, 2023, 03:44:14 PM
#30

Siguro ay wala din mga nag advice sa artistang yan o sadyang nadaan talaga sila sa mabubulaklak na salita. Pwede din na wala silang idea sa pamamaraan na ginamit na pang scam sakanila kaya natangayan sila ng malaking pera. Paniguradong charge to experience na yan sa kanila at hindi na sila mag lalabas ng pera basta basta sa mga susunod na investment lalo kung involve ang crypto.

Nabanggit dun sa interview na talagang magaling yung nakabiktima sa kanila kasi yung mga naunang investment nila eh kumita naman daw sila kaya hindi nila akalain na mauuwi sa ganitong sitwasyon, nandun sila sa paniniwala na nagbabayad naman at talagang lumalago yung pera nila, ang masakit lang kasi dun sa crypto investment na pinangako sa kanila eh yung ROI at yung bilis ng kitaan, dun talaga sila nadale pinakagat sila dun sa naunang investment na pinasukan nila kumbaga binusog sila para hindi sila maghinala na tatakbuhan sila after.

Hirap talaga magtiwala sa panahon ngayon kasi pag natukso na sa pera yung tao kaya ng balewalain yung tiwala at isugal ung pangalan,.
Madaming scam ang ganito nag sisimula, kumbaga papakagatin ka muna nila. Once na confident kana at may tiwala sakanila na hindi ka nila lolokohin, dun na sila biglang mawawala. Pero malakas talaga ang loob sa nang scam sakanila since public figure ang mga ito nandun yung risk na maeexpose talaga sila at pagtutuunan ng pansin ng mga authoridad ang kaso nila.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 07, 2023, 12:16:33 PM
#29

Siguro ay wala din mga nag advice sa artistang yan o sadyang nadaan talaga sila sa mabubulaklak na salita. Pwede din na wala silang idea sa pamamaraan na ginamit na pang scam sakanila kaya natangayan sila ng malaking pera. Paniguradong charge to experience na yan sa kanila at hindi na sila mag lalabas ng pera basta basta sa mga susunod na investment lalo kung involve ang crypto.

Nabanggit dun sa interview na talagang magaling yung nakabiktima sa kanila kasi yung mga naunang investment nila eh kumita naman daw sila kaya hindi nila akalain na mauuwi sa ganitong sitwasyon, nandun sila sa paniniwala na nagbabayad naman at talagang lumalago yung pera nila, ang masakit lang kasi dun sa crypto investment na pinangako sa kanila eh yung ROI at yung bilis ng kitaan, dun talaga sila nadale pinakagat sila dun sa naunang investment na pinasukan nila kumbaga binusog sila para hindi sila maghinala na tatakbuhan sila after.

Hirap talaga magtiwala sa panahon ngayon kasi pag natukso na sa pera yung tao kaya ng balewalain yung tiwala at isugal ung pangalan,.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
October 07, 2023, 10:14:29 AM
#28

        -  Parang kagaya lang ng style ni SBF lang noh? dinaan sa mga pulitiko sa gobyerno yung mga tinutulungan nya para pagdating ng aberya o madiskaril ay merong mga taong sasagip o baback-up sa gusot na gagawin. Parang ganyan din sa scammer na bumiktima sa couples na yan.
Wala rin kasi tayong magagawa dahil ganyan ang sistema sa bansa natin kahit gaan pa kalaki ang kaso ay kung pwede kang magpiyansa ay makakalaya kapa rin talaga.

Sana yang couple's na yan matuto na sila, huwag din kasi nila pairalin yung pagiging sakim din nila, magiging maingat na sila for sure sa susunod. At malamang sa alamang, hindi narin yan basta-basta maniniwala at magbibigay ng tiwala sa laki ba naman ng nawala sa kanila na halaga.
Siguro ay wala din mga nag advice sa artistang yan o sadyang nadaan talaga sila sa mabubulaklak na salita. Pwede din na wala silang idea sa pamamaraan na ginamit na pang scam sakanila kaya natangayan sila ng malaking pera. Paniguradong charge to experience na yan sa kanila at hindi na sila mag lalabas ng pera basta basta sa mga susunod na investment lalo kung involve ang crypto.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 374
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 07, 2023, 10:05:32 AM
#27
matutulad lang din naman to kay Zian Gaza na after ng mga alegasyon eh nakalaya lang at mas sumikat pa now pero andaming na scam nyan nong mga nakaraan.

Yung mga nagrereklamo kasi nababayaran nya at mayroon syang mga abogado na umaasikaso ng mga gusot nya, ganun talaga kapag mangiiscam ka may peparation ka magbayad ka sa mga magrereklamo usually yung mga may malaking halaga na ibinuhos sa project mo at meron kang mga abogado na mag aadvice sa yo para makaiwas ka ma asunto kaya maraming scammer malakas ang loob kasi may pera at abogado.

Pag meron kang pera, koneksyon at abogado palagi kang lusot at yung mga maliliit na investors yun ang nababalikan kasi naasunto ng cyber libel pag nag post ng laban sa kanila.

Yung mga tulad ni Zian Gaza na malaya sa krimen kahit na may mga pagkakamali sila dati, alam na nila yung pasikot sikot sa batas at meron silang koneksiyon sa mga professional at higit sa lahat afford nilang magbayad ng kahit na anong halaga. Kung ordinaryong tao yung gagawa ng gaya ng kay Zian Gaza, ordinaryo na walang ideya kung paano lulusutan yung batas o walang tao na susuporta sa kanila, madali silang mapaparusahan o makukulong.

Kaya rin tingin ko importante yung integridad ng mga professional kasi kunsensya nalang talaga kung anong klase ng tao yung bibigyan mo ng serbisyo.

Yung mga artista gaya lang rin naman sila ng mga normal na sumusubok sa crypto world. Kailangan din nilang magresearch.

sr. member
Activity: 938
Merit: 303
October 07, 2023, 08:43:28 AM
#26
matutulad lang din naman to kay Zian Gaza na after ng mga alegasyon eh nakalaya lang at mas sumikat pa now pero andaming na scam nyan nong mga nakaraan.

Yung mga nagrereklamo kasi nababayaran nya at mayroon syang mga abogado na umaasikaso ng mga gusot nya, ganun talaga kapag mangiiscam ka may peparation ka magbayad ka sa mga magrereklamo usually yung mga may malaking halaga na ibinuhos sa project mo at meron kang mga abogado na mag aadvice sa yo para makaiwas ka ma asunto kaya maraming scammer malakas ang loob kasi may pera at abogado.

Pag meron kang pera, koneksyon at abogado palagi kang lusot at yung mga maliliit na investors yun ang nababalikan kasi naasunto ng cyber libel pag nag post ng laban sa kanila.

        -  Parang kagaya lang ng style ni SBF lang noh? dinaan sa mga pulitiko sa gobyerno yung mga tinutulungan nya para pagdating ng aberya o madiskaril ay merong mga taong sasagip o baback-up sa gusot na gagawin. Parang ganyan din sa scammer na bumiktima sa couples na yan.
Wala rin kasi tayong magagawa dahil ganyan ang sistema sa bansa natin kahit gaan pa kalaki ang kaso ay kung pwede kang magpiyansa ay makakalaya kapa rin talaga.

Sana yang couple's na yan matuto na sila, huwag din kasi nila pairalin yung pagiging sakim din nila, magiging maingat na sila for sure sa susunod. At malamang sa alamang, hindi narin yan basta-basta maniniwala at magbibigay ng tiwala sa laki ba naman ng nawala sa kanila na halaga.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
October 07, 2023, 03:45:06 AM
#25
matutulad lang din naman to kay Zian Gaza na after ng mga alegasyon eh nakalaya lang at mas sumikat pa now pero andaming na scam nyan nong mga nakaraan.

Yung mga nagrereklamo kasi nababayaran nya at mayroon syang mga abogado na umaasikaso ng mga gusot nya, ganun talaga kapag mangiiscam ka may peparation ka magbayad ka sa mga magrereklamo usually yung mga may malaking halaga na ibinuhos sa project mo at meron kang mga abogado na mag aadvice sa yo para makaiwas ka ma asunto kaya maraming scammer malakas ang loob kasi may pera at abogado.

Pag meron kang pera, koneksyon at abogado palagi kang lusot at yung mga maliliit na investors yun ang nababalikan kasi naasunto ng cyber libel pag nag post ng laban sa kanila.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
October 07, 2023, 02:28:38 AM
#24



wow couple from Channel seven pala ang biktima , nakakalungkot na sa tagal ng may ganitong nangyayari lalo na sa mga artista(noon pyramiding) now eto naman crypto investment , naging popular lang ang crypto pero matagal na tong nangyayari.
sad to see na nabiktima ang idol kong si Mikee quintos.
Quote

mukhang matutulad lang din naman to kay Zian Gaza na after ng mga alegasyon eh nakalaya lang at mas sumikat pa now pero andaming na scam nyan nong mga nakaraan.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Top Crypto Casino
October 05, 2023, 10:35:02 AM
#23
Kapag may mga napapanood akong ganitong kaso, naaalala ko at bumabalik sa akin ang nangyari sa amin noon, kung paano kami na-scam. Parang ganito rin, dahil sa koneksyon ng mag-anak na humihikayat sa iyo na mag-invest sa isang modus, nadadamay pa sa mga magiging biktima. Hindi sila aware sa mga ganitong Ponzi scheme, ang alam lang nila ay ang kikitain na pera.

Dapat ang SEC ay nagve-verify ng mga address ng mga kompanya o korporasyon na nag-apply sa kanila upang tiyakin kung talagang mayroon itong kredibilidad at legalidad. Gayunpaman, sa ganitong sitwasyon, wala palang ganong address na nasambit.

~snip~
Hindi ko alam kung bakit andaming gantong sitwasyon, like kung sino pa talaga yung mga hindi educated sa gantong bagay, sila pa yung magsasabi sayo na mag-invest sa mga Ponzi scheme especially sa mga relatives mo dahil daw yung kaibigan or kakilala nila ay kumita sa ganyan.

In my experience, yung mismong magulang ko nagsabi sakin na mag-invest sa crypto Ponzi dahil "malaki na daw kinita" ng kaibigan nya. Tapos nung chineck ko yung referral link, sobrang daming red flag at nung sinearch ko sa google, may mga bad reviews at scam flag na rin. Sinubukan ko rin sabihin na high possibility na scam yun, tapos in-insist pa na legit daw yun tapos kumita na daw kaibigan nya dun at may screenshot pa. Later on, yun nga scam na nga  Roll Eyes
full member
Activity: 406
Merit: 109
October 05, 2023, 08:39:17 AM
#22
Saw this nakaraan and grabe pa rin talaga yung lack of knowledge ng iba when it comes to investments. Sabagay, naeenganyo talaga sila kasi ang naghahatak sa kanila ay close friends o kamag anak mismo nila na nakaexperience kumita sa umpisa. Syempre diba, pagkilala mo talaga ang tao, tiwala ka. Kaso nga lang ang problema, yung pinagkatiwalaan nila, nahatak lang din pumasok sa investment scheme which in the end pare parehas silang nabibiktima.

Personally, nakaexperience na ko ng ganyan. Kamag anak ko, nainvite sa investment scheme tas kumikita sya nung umpisa kaya inalok nya rin ako. Syempre may referral eh. Pero una palang duda na ako kaya humindi ako. Pero ayoko rin naman pagsabihan sila kasi mas nakakatanda sila at baka iba nila i-take yung sasabihin ko since wala rin naman akong proof na scam sya aside sa nagdududa lang ako. So hinayaan ko lang sila. Pero after ilang days, ayun exit scam... kaya lesson learned talaga na kahit gano mo pa pinagkakatiwalaan yung nag invite sayo, wag pakampante.
full member
Activity: 1442
Merit: 153
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
October 04, 2023, 11:29:27 AM
#21



Hindi naman namimili ang mga scammers , lalo na at ang biktima ay makasarili at may pagka sakim din na naniniwalang mabilis kikita ang pera nila,
bakit hindi mag negosyo ng matino kesa easy money?

Totoo, masyado silang naging sakim sa pera. Naniwala agad na tutubo ito sa maikling panahon. Pero yun nga hindi na rin ito bago kasi common na yung ganitong case at ginamit pa nilang way yung crypto para makapagscam pero sabagay yung madalas mabiktima ng ganito yung mga wala pang alam sa crypto or kulang pa sila sa kaalamanan about crypto. Gusto kasi agad ng easy money
hero member
Activity: 3178
Merit: 661
Live with peace and enjoy life!
October 04, 2023, 10:07:20 AM
#20
Nakita ko rin ang balitang ito sa TV. Mukhang naluko talaga sila dahil nga wala silang alam. Naniwala na lang sila sa mga buwanang returns ng investment na ni recommend ng malapit na kaibigan ng kanilang pamilya. Ayon, agad na nagtitiwala. Sa umpisa, may natatanggap pa silang kita, pero habang tumatagal, wala nang ibinibigay. Ganito naman talaga ang estilo ng scam, para mas maengganyo, bibigyan ka muna nila ng kita. Ang tawag dito ay PONZI scheme. Kawawa naman sila, pero sana ay matuto sila.
Pages:
Jump to: