Totoo, yung mga wala pang alam masyado ang madalas nasscam ng mga masasamang tao na to.
Sobrang bilis nila magtiwala, hindi sana ganun kasi malaking pera yung bibitawan e.
Ganito talaga mangyayari pag tamad ka magcheck or magdouble check ng mga project. Nasa huli talaga ang pagsisisi sobrang laking pera rin yung nawala.
Madami pa rin talaga nai-scam, mapacelebrities, mapasocial media influencer. Ngayon naman kung nabasa niyo mga kabayan merong panibagong scam yung isang sikat na social media pero hindi naman related sa crypto pero ang sinasabi ay casino junket.
Yung kay Yexel Sebastion at Mikee Agustin. Ang daming nabiktima din ng mga ito, P200M ang nakulimbat nila at tapos naka alis na paputang Nagoya, Japan. Itong mga manggogoyong ito, wala ng sinasanto kahit kilala sila, o kahit ang biktima ay artista. Wala na dapat talagang pagkatiwalaan sa mga investment schemes na yan dahil karamihan ay puro scam at kung may legit man, sa bangko nalang at stock market at siyempre sa crypto market at doon ka na sa Bitcoin na ikaw na din mismo maghohold ng investment mo.
Itong kay Yexel Sebastian malaki talaga ang na scam syndicated estafa ito at pwede itong madeport kung mapawalang bisa ang kanilang mga visa kahit marami silang pera kung yung government na mismo ang tutulong sa mga biktima para ma prosecute ang grupo ng Yexel, dapat magpursige ang government para ma discourage yung mga tao na may investment company daw na mang scam sa profile ni Yexel pinagtatanggol pa nya sarili nya na isa din daw syang biktima pero alam naman natin ang totoo na sya mismo ang tumangap ng pera galing sa mga investors.
Kaya dahil sya ang tumanggap sya ang ituturong nang scam sa mga investors, at kasama sya sa mga kakasuhan.
Sa issue ni Yexel, wala na syang magagawa dyan kahit pa ipagpilitan nyang investors lang din sya pagdating kasi sa ganyang investment kuno kung sino yung nag recruit at tumanggap ng pera sya talaga yung mapagbabalingan, hindi ka naman kasi sasali kung hindi iinvite kaya kahit sabihin pa nya na biktima lang din sya laalbas at lalabas pa rin na sya ung humikayat dun sa mga natangayan ng pera.
Yan talaga mahirap pag yung mata mo nandun sa kumikinang na kitang posible mong tangkilikin, nalilimutan mo na yung risk at iisipin mo na lang na sayang yung pagkakataon. Tapos pag na scam na tsaka mag iiyak at alam na kung anong kasunod db. parehong cycle lang yung timing lang talaga ang inaabangan nung mga scammer na yan.
Palalamigin saglit tapos uulit lang din, kasi malamang sa malamang marami pa ring kakagat sa ganitong istilo ng pang eenganyo ng madaling paraan ng pagkita ng pera.
- Kahit na anong paghuhugas kamay ang gawin nya ay talagang obviously na may ginawa siyang mali, at alam nya sa sarili nya na isa siyang scammer. Kung talagang malinis siya at walang ginawang masama dapat hinarap nya ang kanyang problema na yan dito sa pinas. Pero baki lumabas siya ng pinas at pumunta ng Japan.
Ang nakakatawa pa dun, nung pumunta siya ng Japan bigla nyang dinepensahan ang sarili nya kung kelan malayo na siya sa pinas.
Pano nabigyan siya ng realization ni shungator na Idle na dapat na siyang tumakbo dahil sasampahan na ng kaso, kaya ayun inunahan na nya si Idle, inuna kasi ni idle yung pag gawa ng content kasi trending kaya lumalabas wala din talagang naitulong itong si shungator na knows of everything. Pero si idle natulungan ng nirereklamo at ng nagrereklamo sa programa nya na kumita.
Mali din kasi ginawa ng mga nagrereklamo, lumapit sa hindi dapat lapitan. Ang nilapitan yung taong puro pabida lang ang alam at hindi nilapitan yung tamang ahensya na makakatulong sa kanila.