Parang by batch ata yung pag-release ni medusa ng data from Philheath at inuna yung mga employee data bago yung sa mismong members. I doubt naman na hindi legit yung mga na-upload ni medusa.
Ang mahirap lang kasi dyan ay nagbabala na mismo si Philheath na madadawit yung mga taong magsusubok magdownload ng mga files at possible pang may malware na kasama yung data na inupload ni medusa. Much better na umiwas na lang muna kesa madamay pa dahil curious tayo.
Paanong madadawit? Akala ko naman yung mga nagdownload pa ang hahabulin nila. Possible na may malware pero tingin ko hindi na sila maglalagay nun. Pero mas mabuti nang safe, kahit nga ako gusto kong tignan files para sana malaman if may naleak sa family ko at malaman ano ang mga ito. Baka ipatingin ko nalang sa kakilala kong nag download.
Anyways, sana mangyari yung mga nakikita kong comments at suggestions sa social media about mass filing ng lawsuit dahil sa nangyaring ito para malagot ang dapat malagot at magawan ng aksyon upang maiwasan to sa susunod.
Sana para may mangyaring pagbabago, alisin mga naging pabaya at managot ang pinaka nakikinabang sa pondo ng Philhealth.
Based sa napanuod kong balita, parang binababalaan daw yung mga may balak magdownload nung files na in-upload ng Medusa at posibleng madawit at may kaukulang parusa dahil sa pag-access sa sensitibong files. Hindi ko na mahanap yung mismong video nung balita dahil sa tiktok ko lang yun napanood.
Yun na nga siguradong malaking pagkukulang yung nangyari sa mismong ahensya ng Philheath dahil dapat may cybersecurity para maprotektahan yung mga data ng taong bayan. Sana lang talaga may magstep up para simulan yung lawsuit para mas maimbestigahan at maayos yung nangyari.
Parang illogical naman kung pagkakatiwalaan mong i-download yung files kahit na alam mong galing sa hacker, parang ikaw mismo matatakot
na baka may kasamang tanim yun sa loob ng files para maacess yung un system mo.
Pero sabihin na nating may ganyang ngang restriction para dun sa magdodownload sa palagay ko wala ding silbi un kasi yung ginawa ng medusa alarming na yun, walang cybersecurity yung ahensya kaya nakapag penetrate yung hackers.
Dapat lang na panagutin yung nasa likod ng kapabayaan na nangyari, sa simula pa lang dapat alam na nila yung maririsk at dapat meron silang
prevention hindi katulad ngayon na hahanap pa sila ng ppwedeng maging solusyon.