Akala ata ng mga taga Philhealth eh makakaya nilang mabraso ang group ng hackers na ito hindi nila alam na seryoso talaga sila pagsinabi nila, ngaun anu na ang mangyayare sa data natin ngayong naipublish na ito sa internet, nakakawalang gana itong philhealth na parang walang pakialam sa data or information natin, magingat tayo dahil sigurado gagamitin or maari magpadala ng philising or magamit ang information natin sa ibang criminalidad
paalala: wag subukang magpunta sa site at idownload ito dahil baka mamaya may kasama din itong malware just for everyone safety, wagbasta basta magopen ng email or sa message sa phone with links double triple ingat mga kabitcointalk
maraming beses na napasok sa controbersya ang Philhealth , Noon yong napakalaking sweldo ng mga empleyado(bosses specifically) nung panahon ni Gloria Arroyo , then yong pagbili ng mga napaka mamahal na mga Artworks/paintings and pag gamit ng Pondo sa pag invest sa kung ano anong investment , pero now na hacking at detalye na ng mga members and nakasalalay eh wala silang ginawang magandang aksyon?
so ngayon alam na ng buong mundo addresses natin? di na ako magtataka na isang araw eh may mga mails or iba pang scamming attempt and kakatok sa bahay ko.
pero siguro naman may ginawa sila sadyang hindi lang talaga dapat binabayaran ng ransom ang mga ganitong hacker dahil nasasanay sila at ginagawa ng hanap buhay.
maging handa nalang tayo sa mga susunod na mangyayari at sana maging matalino sa mga scamming or hacking attempt in the future.