Parang by batch ata yung pag-release ni medusa ng data from Philheath at inuna yung mga employee data bago yung sa mismong members. I doubt naman na hindi legit yung mga na-upload ni medusa.
Ang mahirap lang kasi dyan ay nagbabala na mismo si Philheath na madadawit yung mga taong magsusubok magdownload ng mga files at possible pang may malware na kasama yung data na inupload ni medusa. Much better na umiwas na lang muna kesa madamay pa dahil curious tayo.
Paanong madadawit? Akala ko naman yung mga nagdownload pa ang hahabulin nila. Possible na may malware pero tingin ko hindi na sila maglalagay nun. Pero mas mabuti nang safe, kahit nga ako gusto kong tignan files para sana malaman if may naleak sa family ko at malaman ano ang mga ito. Baka ipatingin ko nalang sa kakilala kong nag download.
Anyways, sana mangyari yung mga nakikita kong comments at suggestions sa social media about mass filing ng lawsuit dahil sa nangyaring ito para malagot ang dapat malagot at magawan ng aksyon upang maiwasan to sa susunod.
Sana para may mangyaring pagbabago, alisin mga naging pabaya at managot ang pinaka nakikinabang sa pondo ng Philhealth.
Hindi ako naniniwala na information lang ng mga employees ang na hack base sa laki ng size wala namang mga videos ito documents at images lang naman ang mga ito yung isa files lang ng members hindi aabot sa 500 mb kaya sa tingin ko aabot ito ng libo libo kung wala sila mailalabas na mga names ng mga na hacked lahat ng mga members ay mag speculate na baka yung name nila ay nandoon sa na hacked na files.
Kaya yung milyong milyon na members ay kakabahan na rin na sila naman ang target ng hacking, balita ko magkaroon daw ng senate hearing so sana nga meron para malaman ang buong katotohanan dito.
Oo tama, hindi lang siguro employees if ever siguro baka maglabas din sila ng panibagong batch kung ito nga ay sa mga employees lang. Kahit anong action basta may mapanagot para mabago nila itong ganitong sistema, sigurado sa ganitong mangyayari mag iigting na ang siguridad or tataasan na nila ang budget ng cyber security ng pilipinas, kahit huli na ang lahat at nagleak na. Sana maging aral na ito sa gobyerno.