Naranasan nyo na ba na masisi dahil sa Cryptocurrency, dahil sa dalawang scenario una ay dahil sa pag encourage mo na maginvest at nung mag invest ay bumagsak ang price kahit na iniform mo sila tungkol sa volatility ng market.
Danas ko to few years back. Dahil ako ang nagpakilala sa crypto. Although na share ko lang naman kung ano yung extra income ko at hindi ako directly nag encourage mag invest sya dahil alam ko naman na risky at high volatile nga. Humingi din sya ng advice kung anong coins ba ang magandang bilhin, sinabi kong Bitcoin at established alts.
That time eh usong uso yung mga ICO at yun ang pinili nyang bilhin dahil nalaman nya rin na nabili din ako ng ganun. Unfortunately, hindi maganda ang resulta at malaking pera ang kanyang nailabas. Hindi ko masasabing sinisi nya ako, pero kasi sumama loob nya so parang ganun na rin. Kaya iniiwasan ko na talaga mag initiate ipakilala ang crypto unless yung tao ay talagang interesado.
Same here, mas mabuti lang tipid lang ang sagot mo para sila mismo mag educate sa sarili nila. Mostly kasi is gusto nila na parang spoon feed lang na invest nalang sila at ikaw na ang bahala magsabi sa kanila, pero yun nga, kung hindi naman maganda ang result ikaw ang masisisi... Kaya ako, pag may nagtanong, sabihin ko lang na research mo muna ang basics ng crypto, tapos pag hindi na bumalik, meaning hindi interested yun, gusto lang sumabay sa FOMO dahil nakikita na sika na naman ang crypto.
Ika nga, invest at your own risk, and DYOR at the same time na rin.
Nakakarelate ako sa ganyan, naalala ko before may kakilala ako na tinanung nya ako kung anong magandang bilhin na crypto para itrade at gusto nya daw matuto magtrade, sabi ko naman sa kanya ay Bitcoin at mga top altcoins sa market. Tapos ang sabi nya sa akin magdeposit daw siya tapos bibili siya ng bitcoin.
Tapos natawa lang ako sa sinabi nya na sabihan ko daw siya kung magbebenta naba siya o hindi pa, sabi ko sa kanya aralin mo muna yung trading, then sagot nya sa akin andito naman daw ako eh pwede ko naman siyang sabihan kung magbenta naba siya at kung kelan bibili, sabi ko sa kanya kung ganyan rin lang naman ang rason mo, huwag ka ng magtrade dahil katamaran yang pinaiiral mo sabi ko sa kanya, gusto mo akong lutuin sa sarili kung mantika... sabi ko sa kanya derechahan hindi ako tang* na tulad ng iniisip mo, ito yung sinabi ko talaga sa kanya, nabadtrip ako eh, hehehe... sorry sa term na nabanggit ko.