Pages:
Author

Topic: Naranasan Nyo Na Ba Na Masisi Dahil Sa Cryptocurrency - page 4. (Read 657 times)

sr. member
Activity: 966
Merit: 276
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Naranasan nyo na ba na masisi dahil sa Cryptocurrency, dahil sa dalawang scenario una ay dahil sa pag encourage mo na maginvest at nung mag invest ay bumagsak ang price kahit na iniform mo sila tungkol sa volatility ng market.

Pangalawa ay hindi mo nai kwento sa kaibigan mo ang tungkol sa Bitcoin at nung tumaas ang price ay tsaka mo lang na ikwento ang kita mo sa Cryptocurrency, gayung matagal na pala sya naghahanap ng mag aadvice sa kanya tungkol sa Cryptocurrency, nasisi ka nya dahil nag secret ka sa kanya ng tungkol sa Cryptocurrency.

Yes, the latter part nung nalaman nila na nag ccrypto ako lalo na dito sa forum, sumama yung loob ng iba kong kaibigan dahil bakit hindi manlang daw naikwento, edi sana matagal na daw silang nag invest or pinag aralan nila ito.. pero ang hirap kasi mag explain sa kanila lalo na kung wala silang kahit konting idea at isa pa, hindi ko naman ugaling nagsheshare ng mga bagay about sa ginagawa ko lalo na't itinuturing ko itong confidential dahil may involve na pera. Hindi ko din basta basta dinidsclose lahat kahit dito sa forum kasi ayoko din ng maraming expectations galing sa mga nakaka alam.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Minsan na akong nasisi dahil bumagsak ang presyo ng bitcoin. Pero hindi ako nag-hikayat mag invest, kundi ipinakita ko lang sa kanila kung ano ang nangyayari sa bitcoin. Siguro dahil dito, nahikayat din silang mag-invest, pero ang siste eh hindi nila inaral bago sila pumasok. Unang-una e sinabi ko nang hindi sila dapat basta-basta pumasok, pero tumuloy pa rin sila.

Meron din namang ibang nagpapasalamat kasi nagshe-share ako ng tungkol sa bitcoin. Kagaya na lamang sa kapatid ko na malaki na rin ang naipundar dahil nakikita niyang tumitingin ako sa mga charts noon. Nagtanong siya at inaral niya, at ngayon e mas malaki na ang hinahawakan niyang coins kaysa sa akin.
hero member
Activity: 2814
Merit: 571
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

Jump to: