So far wala pa naman sumisi saken sa mga naencourage ko na pumasok sa cryptocurrency, siguro dahil hindi ko naman talaga sila iniencourage like na sinasabihan ko talaga sila na maginvest, ang ginagawa ko lang ay kinukwentuhan ko lang sila ng experience ko and binibigyan ko sila ng hint sa cryptocurrency and if gusto nilang subukan lagi kung sinasabe sa kanila na kailangan sila mismo ang gagawa and sila mismo ang magreresearch neto kung gusto talaga nilang magsimula, to the point na dinidiscourage ko talaga sila na maginvest dito dahil always kung sinasabe sobrang risky ng cryptocurrency market, and if hindi ka maingat or hindi ka ready dito malaking pera talaga ang pupwedeng matalo sayo in the end.
May mga naincourage ako na maginvest sa mga kapatid ko and it wasnt really end well sa nilabas nilang pera, so far and ginagawa ko naman sila mismo ang pinagawa ko ng wallet, sabi ko gawa sila ng sarili nilang Binance acount para makapagtrade sila, pero noong tumagal na at bumagsak ang crypto nagbenta sila lalo na nong medjo wala silang budget kaya talo talaga lalo na kung wala kang masyadong alam at research magbebenta ka talaga sa maling presyo. I guess hindi lang talaga sila knowledgable dahil kahit pinagawa ko sila ng sarili nilang wallet yung mga galaw like bebenta na ba o bibili ba tinatanong rin naman nila saken so useless din yun.
Naranasan nyo na ba na masisi dahil sa Cryptocurrency, dahil sa dalawang scenario una ay dahil sa pag encourage mo na maginvest at nung mag invest ay bumagsak ang price kahit na iniform mo sila tungkol sa volatility ng market.
Pangalawa ay hindi mo nai kwento sa kaibigan mo ang tungkol sa Bitcoin at nung tumaas ang price ay tsaka mo lang na ikwento ang kita mo sa Cryptocurrency, gayung matagal na pala sya naghahanap ng mag aadvice sa kanya tungkol sa Cryptocurrency, nasisi ka nya dahil nag secret ka sa kanya ng tungkol sa Cryptocurrency.
Yes, the latter part nung nalaman nila na nag ccrypto ako lalo na dito sa forum, sumama yung loob ng iba kong kaibigan dahil bakit hindi manlang daw naikwento, edi sana matagal na daw silang nag invest or pinag aralan nila ito.. pero ang hirap kasi mag explain sa kanila lalo na kung wala silang kahit konting idea at isa pa, hindi ko naman ugaling nagsheshare ng mga bagay about sa ginagawa ko lalo na't itinuturing ko itong confidential dahil may involve na pera. Hindi ko din basta basta dinidsclose lahat kahit dito sa forum kasi ayoko din ng maraming expectations galing sa mga nakaka alam.
Tama lang ginawa mo kabayan dahil may involved na pera yan hindi ka pwedeng basta basta na magshare na lang ng information dahil kahit tayo din naman nag-aaral pa at patuloy din na naggagain ng knowledge about dito, and kahit may alam na tayo nagkakamali pa rin tayo. So hindi mo din talaga pwedeng basta basta ishare na lang yung nalalaman mo lalo na, na alam naten na ang cryptocurrency ay risk na investment so at pwede silang matalo o mawalan ng pera dito, always ang magandang advice naman talaga is sila mismo ang magreresearcch which is good dahil yun naman ang iniisip ng kaibigan mo na siya mismo ang magreresearch at aaralin niya pero pera pa rin yun sensitive topic pa rin yan at choice mo pa rin talaga if gusto mo ishare or hindi.