Good luck kabayan, basta unstoppable pa rin si Butler, malaking chance na manalo ang Heat. Saka dapat maganda rin ang defense ng Heat, otherwise, yung 3 points ng mga Celtics ay madaling papasok, alam naman natin ng 3 point shooters ang team na ito.
Basta tulong tulong ulit ang miami malaki ang chance nilang manalo, pero sa series na to talagang ang hirap magpredict, akalain mo ba naman na biglang magbabago yung momentum at ngayon nasa homecourt na ulit ng miami at posibleng masungkit pa nila ang East finals kung magiging pareho ang magiging laro nila nung game 6.
Pero expect na may adjustment din sa Celtics at alam naman natin na nadale nila ang Nets at ang last year champ baka explosive
nanaman yung dalawang main scorers nila.
Kinapos ang Heat, sabi ko wag lang talagang magpapatambak sa first quarter eh. Kaya lang ang sama na naman ng umpisa nila kaya ayun hirap na hirap sa pag habol at kung kelan maganda na ang habol nila aarangkada ang Celtics. Ang ganda ng ginawa ng tatlo, Tatum, Brown at si Marcus Smart.
2 points na lang ang lamang, seconds to go, tumira si Jimmy ng tres, hehehe. Respect, pero kung pumasok yun.....
Maganda ganda ang NBA finals, offense ng GSW at defense ng Celtics.
Wala kasi si Tucker kaya nahirapan ung Heat pero muntikan na talaga, pero ganun talaga eh alat yung huling birada ni Butler
sinugal nya na kung pumasok yun malamang sila ang makakapasok sa finals kaya lang mas malakas kapit ng Boston kaya nakalusot sila kung naswetihan ni Butler yun malamang isa yun sa nakakahiyang finals, biruin mo 13 points yung lamang bila tapos hinabol ng ganun lang at muntik pa silang talunin.
Sa parating na finals, maganda nga itong matchup na to, parehong 2 way players ang mga stars nila at pareho din halos yung atake ng mga coach na both outside and inside attacks pag gumana mahihirapan yung kalaban.