Kahit sino naman talaga papabor sa Warriors dahil mas may experience sila sa playoffs at Finals kumpara sa present Celtics players na ngayon palang nakaapak sa Finals at hindi pa nasubok nang panahon. Sa tingin ko naging kampanti lang talaga ang Warriors lalo na sa 4th quarter kasi sa unang tatlong quarter ay sila ang nauuna kaya sa 4th quarter ay di na sila masyadong hot pero nakita ng Celtics ang pagkakataon kaya kinuha nila.
Hindi pumayag si Tatum na mawalan sya ng silbi kaya at sa mga assists niya binuhos ang kanyang oras. Swak na adjustment yun lalo nat merong Derrick White galing sa bench na laging pumukol ng tres. Malalaman natin mamaya kung ano ang magiging adjustment ng Warriors, malamang mayroon silang natutunan sa Game 1.
Ngayon kabaliktaran naman si Tatum, anlaki ng offensive contributions nya pero talo sila, sinigurado ng Warriors
na hindi na makakahabol yung Boston sa 4th quarter, kahit pinagpahinga na si Steph sa buong last Quarter hindi naman nagpabaya
sila Looney, Poole, Green, Wiggins at Thompson at ung mga supporting cast na pinaglaro ni Coach Kerr, magandang laban to pag-uwi
sa Boston Garden nakita natin na hindi ganun katakot yung young Roster ready silang pumalag at idepensa and homecourt nila.