Mukhang makuha pa ng 76ers ang rank #6. Laro nila bukas Detroit Pistons lang. Tsaka last 3 games ng Philly puro homecourt na kaya possible sweep ito. Pag mangyari yan ay labanan na naman ng mga teams makuha 2nd spot.
Medyo delikado pa rin ito sa Bucks kasi sila ang number 2 ngayon. Kung purpose talaga nilang mag patalo, baka ganon na rin gawin ng Orlando Magic, NYK, at Cleveland Cavaliers. Mukhang bago tong strategy nila, hehe.. maka iwas lang sa mga magagaliing na teams.
Swerte ang Bucks kung babagsak lnag sila sa number 4 kasi home court advantage pa rin, saka maaring Orland, NYK, Cleveland or Pacers makakalaban nila. Basta wag lang sa Miami Heat at Sixers kasi mukhang dehado pa yata sila diyan.
Celtics ang susunod na kalaban ng Bucks, kaya iwas iwas muna tayo at nagtatalo sila unless na willing kayong mag take ng risk.
Nanalo pa ang Bucks, anong nangyari? hehe... bakit natatalo sa weak teams pero tinalo ang number 1 team ngayon?
Number 2 pa rin sila now, pero si Giannis hindi na nakatapos ng laro kasi bigla nalang na injured, non-contact injury, pag ganyan daw mukhang seryoso. naku coming pa naman ang playoffs, sana okay lang siya.
Sa West parin talaga maganda, pukpukan sa dulo, Lakers vs Warriors, homecourt advantage pa ang Lakers.
Llamado ang Lakers, ganda pa ng handicap sa kanila..
Naku, iba na talaga ang Warriors, biglang gumaling, pero pwede rin naman sabihin ng Lakers na kulang sila kasi wala si AD, pero bilib na talaga ako sa warriors now, at si Klay Thompson, mukhang consistent na maganda ang laro niya.