Parang ung nangyari sa Lakers medyo tumagilid sa dulo kasi nawala na yung rotation ng bola puro na sila atake ng atake at nakikipagsabayan sa Nuggets kaya sa dulo banderang kapos ang nangyari a kanila.
By the way, nanood kayo ng Sixers vs Knicks kanina? Ganda ng laro di ba? mukhang may chance na makakita na tayo ng game 7 dito.
Nabuhayan ang Sixers hehehe, nagalit nga si Embiid kasi sa homecourt nila eh dominante ng mga fans ang crowd, biruin mo sariling homecourt nila eh ang chant kay Brunson eh MVP tapos ang daming New York Knicks fans.
Akala ng Knicks panalo na sila ngayon pero dinale sila ni Maxey kaya tahimik ang fans.
Malamang nga may game 7 to at baka makalusot ang Sixers.
Sana galingan ni Embiid sa game 6 para merong game 7. Mahirap rin kasing pigilan si Brunson, at nanalo na rin ang Knicks sa homecourt ng Sixers kaya 50/50 pa rin kahit home court ng Sixers. One step at a time lang, wag nila dapat i pressure ang sarili, basta laban lang para maganda ang series. Dikitan lang ang laban, ito na ata pinaka magandang series maliban sa Dallas at Clippers.
Sa game 6 Sixers pa rin ako, lamang kasi ang mga home court win sa first round, malaki talaga ang epekto ng crowd, sana mas galingan pa ng mga supporters ng Sixers sa game 6 kasi do or die pa rin ito.
Isama mo na rin ung tawagan ng referees hehehe, pero sana nga galingan hindi lang ni Embiid kundi lahat sila para naman maprotektahan nila yung homecourt crowd at maitabla nila yung series, tama yung sinabi mo one step at the time para hindi masyadong pressure, dapat talaga magkaroon sila ng magandan plano para kahit papano eh madepensahan nila si Brunson, antindi kasi ng production parang hindi kapanipaniwala pero sa sobrang simple nya maglaro talagang ang hirap mapigilan, dapat planuhin ng Sixers hindi lang yung opensa nila dapat isama yung depensa at kailangang din maging determinado ng bawat isang players nila hindi pwedeng embiid at maxey kailangan lahatan na kasi kakarnehin talaga sila ng NYK pag nagkamali sila ng sistemang gagamitin ngayong darating na game 6.