Swerte ng Lakers sa playoffs, ang ganda na ng nilalaro nila Reaves at Hachimura, na-injure pa si Ja Morant. Hindi ko alam ang extent ng injury niya kung makakabalik ba siya next game o hindi pero dikitan lang ang laban ng Grizzlies at Lakers kapag nasa game siya. Malaking kawalan siya at kitang kita naman nang mawala si Ja sa game biglang lumayo ang lamang ng Lakers sa Grizzlies. Malaking kawalan din ng injured si Steve Adams dahil walang big na pangtapat ng Grizzlies kay AD.
Gusto ko lang i-highlight tong si Austin Reaves kabayan, grabe ang naging improvement ng batang to, last season pa nang napansin ko sya dahil sa kabila ng mga batikos sa team, nanatili syang kalmado at naglaro nang naglaro habang pinipilit na makisabay sa ibang kupunan upang makapagbigay din ng contribution para sa ikapapanalo ng team. Minalas man ang Lakers last season, nabigay daan ito upang magsumikap pa ang batang to, tingnan nyo naman ngayon kabayan. Controversial underrated player at magaling na din mag assist tapos mas tumaas pa ang percentage ng kanyang shooting.
Balik naman tayo kay Ja Morant, questionable parin ang lagay nya sa next game mga kabayan pero negative naman ang x-ray results nya kaya meron paring chance na babalik sya sa Game 2. Sabi ni coach Jenkins ay dala-dala na ni Morant ang kanyang hand injury bago paman magtapos ang season kaya titingnan na muna nila si Morant kung kaya ng maglaro ulit. Actually sa Lakers din, nagkaroon ng mini-heartache ang mga Lakers fans dahil di maigalaw ni Davis ang kanyang balikat kanina habang naglalaro.
Nagulat ako sa Heat, 14 lamang nila sa Bucks. Di ako nanonood, score lang ang nakita ko kaya nagulat ako. Expected ko malaking lamang ng Bucks dito pero mukhang upset ang game na to.
6 minutes lang ang nailaro ni Giannis sa game na yan kabayan, dahil mataas din at masakit yung pagka bagsak nya sa 1st quarter kanina vs Miami Heat. Kaya naman ay nagkaroon ng malaking advantage ang visiting team at dahilan sa kanilang malaking pagka panalo. 1st game palang to kabayan pero madami ng masamang pangitain hehe.
Talo din ang Phoenix Suns laban sa Clippers kabayan. Parang ang Nuggets lang ata ang home team na mananalo sa araw na to, laki narin kasi ng agwat. Mantakin mo ha 95-63 at 7 minutes on the clock na sa 4th quarter ang laro.