Yung iba tinanggap na Nuggets saka Heat na maghaharap sa finals. Kala mo scripted sa sobrang ganda ng standing ng parehas na team na yan, deserve nila magharap sa finals at gumawa ng history naman para sa Nuggets.
Grabe tinapos na nga ng Nuggets ansagwa lang para dun sa mga umasang sugalero na makakasilat pa ang Lakers para mapahaba sana yung tayaan pero wala talagang tinodo na ng Nuggets para mapaaga yung pagpapahinga nila. Sguradong andaming iyak sa mga tumudo na para sana makabawi dun sa mga unang silat nila.
Ngayon ang aabangan naman eh yung laban ng Boston at Miami tignan natin kung gagawa pa ng paraan ang Boston na mapahaba or madagdagan man lang yung laro sa series nila.
Mayaman siguro o di kaya YOLO lang. Afford naman siguro ng tao na yun matalo ng ganong halaga at mayaman siya. Sa mamayang laban, tatapusin na din yan ng Heat. Masiyado ng mababa morale ng Celtics dahil sa 0-3 nila.
Aba, hindi pa natapos ang series ng Heat at Celtics mga kabayan, nanalo yong Boston kung saan sila yong dehado sa mga sportsbook, saklap naman oh pero magandang balita to sa Celtic's fans kasi kahit papaano ay nabubuhayan sila ng loob tsaka yong next game ay nasa homecourt nila which means na malaki ang chance na maging 2-3 at kung nagkataon ay mapupunta sa kanila yong momentum.
Itong Celtics yong may chance na gagawa ng kasaysayan na bumalik at nanalo sa isang series galing sa 0-3 deficit sapagkat may kakayanan naman sila at wala pang injured sa kanilang mga star players kaya interesting tong series na to pag umabot ng game6 dahil pressured na yong Heat na manalo.
Nung nakaraang taon nadale nila ung Bucks sa mismong home court kung tama ung pagkakaalala ko, pero ngayon iba yung sitwasyon nila kasi 3-0 ung advantage ng Miami kahit nakaisa na sila ngayon at uuwi na sila sa Boston garden malamang ung chance na manalo eh malaki laki pero sigurado ako sa mga manunugal eh yung sweet odd ng Miami na more than x3 ata ngayon eh dadalihin na ng mga mananayang kababayan natin.
Parang masarap sarap yan pero hindi talaga natin maprepredict yung kakalabasan patapangan na ng apog ngayon lalo na sa mga sasakay sa Heat..