Speaking of San Antonio Spurs sigurado ako maraming NBA enthusiast ang di aware sa current roster nila haha. Walang superstar, walang all-star, at kahit sa pagiging consistent role players kwestyonable pa. Sa pagtatantiya ko siguro mga 3 or 4 lang ang veterans at lahat mostly mga young cores na.
Ito ang team na talagang magugulat ang lahat kapag nakapasok sa Playoffs at alam naman natin kung gaano kahirap ang competition sa Western Conference. Tibay din ni Coach Gregg Popovich wala pang balak magpahinga. Tingnan natin kung mahulma niya tong mga bata bilang next franchise players ng San Antonio Spurs.
Napasilip ako bigla sa standing ng Spurs at akalain mo yun ang ganda ng start nila 2-1 na kahit wala silang superstar sa current lineup nila unlike sa Lakers at Sixers na talagang kung star lang at star ang pag uusapan eh talagang masasabi mo na asa advantage side yung dalawang heavyweight franchise.
Speaking of coach Pop baka nag eenjoy pa sya sa pag cocoach at kung ako naman ang owner ng Spurs wala akong balak palitan ang best fit coach para sa franchise ko.
Tignan na lang natin kung gagawa ng magandang kwento ang Spurs sa season na to hindi natin masasabi kung hanggang saan ang aabutin nila dahil nga sa hirap ng competition sa West side.