Parang ang nabasa ko, maganda sinasabi ni Curry kay Poole tapos lumabas lang din sa media na parang biglang nagbago nga si Poole bago pa man mangyari yung incident nila ni Green. Walang official na lumabas sa media, puro haka haka karamihan.
Yun ang magiging matinding kalbaryo ni Green if ituloy ng pamilya ni Poole yung sinasabing kaso, hindi kasi maikakaila sa video ung
nangayari at malamang sa malamang maiipit si Green sa issue na to.
Samantalang sa side ng buong team ng GSW pinipilit nilang maiwasan yung kaso kaya lang dahil sa ingay ng social media hindi rin
nila mapatay yung sunog na ginawa nung dalawang players nila.
Parang magkakaipitan talaga tong pangyayari kasi nga yung haka haka eh patungkol sa contrata baka mag giveway si Green pag
nagkataon.
Yun nga lang, hindi natin alam kung hanggang saan mag iingay ang pamilya ni Poole at kahit anong pakiusap niya kung determined magsampa ng kaso yung pamilya niya, wala na siyang magagawa.