Pero kung nangangailan ng guard at center and Jazz eh baka kagatin nila tong trade na to. At maganda rin naman ang Bulls dahil mabigat din na team to sa East. Medyo kinapos lang sa dulo ng regular season at nagkanda injured injured sila at nasira ang momentum. Kaya exit sila last 1st round ng playoff last season. Mas pabor kung 6th man ulit sila sa Bulls, either is Lavine at DeRozan ang papalitan nya.
Pwede ung rotation na yun, kasi kung either Drozan at Lavine ang papalitan nya malamang makakapag pahinga ng maayos at pagdating ng end quarter wh well rest talaga sila at yung huling takbuhan ang pinaimportante, gaya din naman ng sinabi mo bigatin din naman ang Bulls kumbaga may laban din sila sa East pagnagputukan ang mga laro nila.
Sana lang makaiwas na sila sa mga mabibigat na injuries at maging maayos yung chemistry nila sa isat isa.
Malalaman na lang natin kung ano ang update pag nag announce na ang parehing koponan patungkol dito.
Pwede para naman may kapalitan ang main stars kahit saglit at di na masyadong gamit na gamit sa buong laro dahil para narin makaiwas sa mga injuries. Yan lang talaga ang kailangan nilang iwasan para makalaro man lang sila ng mas matagal-tagal at makaraiting din sa playoffs dahil may palag naman talaga ang Chicago Bulls kung tutuusin. Ma-offensive man at defense ay meron silang players na pang malakasan na kayang makipag sabayan sa mga stars ng ibang team.