Mahirap talaga mag kombinse ng mga tao lalo na pag wala silang alam sa mga bagay nato. Kaya di nalang talaga ako nanghihikayat ng mga tao since ayaw ko din mapasama lalo na talamak ang crypto scams at baka mabansagan pako na scammer at sinusubukan ko silang e scam. Kaya sila na ang bahalang matuto kung interesado sila at kung magtanong man sila ukol sa crypto ay sasagutin ko nalang mga katanungan nila.
Ayaw ko mag first move dahil di natin hawak ang isipan ng mga tao at normal na sa kanila at baka mapaaway pa tayo.
Saklap din kasi nung ganun paratang, ung sa side mo gusto mo makatulong or gusto mo silang matuto din kasi nga medyo meron
kang kinikita galing sa crypto.
Tapos pag nagshare ka at medyo nagkamali ng timing yung tinuturuan mo eh ikaw pa yung masisi, kaya ako lagi ko na lang sinasabi
kung talagang interesado sila madaming way para matutunan ung crypto.
Kung may time sila aralin para talagang mas malalim yung alam nila at maiwas din sila sa mga scammers,.
Kaya dapat piliin lang talaga yung interesado at yun bang aakuhin nila ang maling nagawa nila kung may hindi sila nasunod sa mga naituro mo para walang sisihan na maganap dahil yun talaga ang simula ng away.
Mahirap talaga mag kombinse ng mga tao lalo na pag wala silang alam sa mga bagay nato. Kaya di nalang talaga ako nanghihikayat ng mga tao since ayaw ko din mapasama lalo na talamak ang crypto scams at baka mabansagan pako na scammer at sinusubukan ko silang e scam. Kaya sila na ang bahalang matuto kung interesado sila at kung magtanong man sila ukol sa crypto ay sasagutin ko nalang mga katanungan nila.
Ayaw ko mag first move dahil di natin hawak ang isipan ng mga tao at normal na sa kanila at baka mapaaway pa tayo.
Ok din naman ang ganyan pero kapag meron naman gusto matuto at pinipilit ka. Malalaman mo naman yung mga willing matuto at nasa sayo na din yun kung tuturuan mo sila o di kaya kung iiwan mo nalang at sila na ang bahala. Bigyan mo nalang ng mga resources para magbasa basa.
Ang mahirap lang sa iba, ayaw mag basa kaya mas gusto nila merong magtuturo sa kanila dahil ang rason nila, mas madali daw matuto kapag may nagtuturo.
Kaya dapat sila talaga mag first move kung gusto nipa matuto dahil kung sila ang atat tas satin maghihintay kung ano gagawin nila ay tiyak di tatagal mga taong ganyan since panandaliang kitaan habol nila at ayaw nila magpagod para matuto pa ng mas malalim ukol dito sa crypto.
Ako rin, nung nagsisimula pa lang ako sa Bitcoin ay masyado akong excited para ipakilala ito sa mga kaibigan ko at mga kasama ko sa industriya na ginagalawan ko. Halos lahat sila nagtaas ng kilay at inisip na scam ang Bitcoin. Ang dating pa nga parang iniisip nila na pagkakakitaan ko lang sila dahil nga nung nagtanong sila paano makakaacquire, ay sinabi ko na need nilang bumili.
Ranas ko rin to yun bang gusto mo mag share sa kanila na bagay na kung saan kikita sila pero pagtatawanan ka lang nila at sasabihan na scam naman yan kaya di sila sasali kaya parang nakakahiya rin lalo pa pag ganyan response nila tas may patawa tawa pang kasama kaya nakakadala rin at mas mabuti silent nalang at bayaan na makita nila na kumikita ka talaga ng pera sa crypto.