Pages:
Author

Topic: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin - page 4. (Read 548 times)

sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Usually kasi sa mga naririnig ko lalo na yung mga nagrerecommend mag invest into altcoins sinasabi nilang "the more na marami ang coins na nabili mo, mas mabilis kang magkakapera nyan lalo na kung aabot ng piso kada isang coin", which is may punto nga naman at marami talaga ang hindi magdadalawang isip na bumili ng sandamakmak na coin.

In regards naman sa investing ay hindi ako yung tipi na manghihikayat ng iba para lamang makapag invest kasi kadalasan mga lumalapit sakin nagtatanong kung paano ba ito, ganyan, ganun, sinasabihan ko na once na mag iinvest kayo iexpect nyo nalang na patapon na pera nyo dahil para lang kayong nagsusugal, wag nyong i expect na mananalo kayo. Pinakamainam na paraan ay wag nyong gamiting pang invest ang perang sahod nyo mula sa stable source of income nyo, mas maiging humanap ng side hustles at yun yung gamitin nyong pang invest.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitcoin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.


Typical kasi na ugali ng mga pinoy ay kumita agad ng mabilisan or quick rich scheme kahit na wala silang alam sa ginagawa nila. Tinitigan lang nila lagi syung price growth ng altcoin at iniisip na kaya nilang makasakay sa profit at hindi iniisip ang volatility bago maginvest kayo sila lagi ang nagiging exit liquidity ng mga naunang bumili or yung mga naginvite sa knila maginvest sa crypto.

Talamak sa mga facebook group ng mga crypto yung mga newbie na nagtatanong kung anong altcoin ang magandang investment tapos mga shitcoin ang irerecommend ng karamihan dahil may investment sila dun para mag pump ang price. Sobrang kawawa talaga sa atin ang mga pinoy na walang alam dahil madalas silang gatasan ng kapwa nila pinoy.

Isang halimbawa dito ay ang Axie. Madaming walang alam na narecruit lng na bimili ng team worth 100K pesos tapos biglang lagapak ng Axie bago pa sila makabawi kaya ang ending ay pera nila yung ginamit ng mga nagrecruit sa knila para makapag cash out sa mataas na price tapos wala na silang pake sa recruit nila. Dapat talaga ay solid Bitcoin investment lang lahat tayo tapos invest lng sa altcoin kapag malaki na ang holdings natin sa Bitcoin.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Hindi ko masasabing invite o paghihikayat yun kundi pag-educate lang. Sinasabi ko lang din sa mga interested kapag may nagtanong sa akin na bitcoin lang dapat nila munang bilhin kasi yun ang pinaka the best at safest sa lahat ng crypto. At kapag medyo tumagal tagal na sila, saka nila madidiscover ang ibang altcoins. Ganyan lang sinasabi ko sa kanila at sa dami dami ng sinabihan ko na mga kaibigan at kapag, bilang lang sa daliri yung naniwala sa akin. Merong mga naniwala pero nagwithdraw lang din agad ng profits nila kasi kailangan nila. At yung mga natira, iilan nalang tapos konti pa funds nila at nagfocus sa altcoins. Pero karamihan, nakakadiscourage lang parang nasayang lang yung laway ko pero ganyan talaga, matira matibay lang.

Dinagdag ko yung words na pag educate mas ok yung educate kaysa hikayat kasi yung hikayat parang MLM ang datingan.

Parang ako rin ikaw sa kada 10 na ineducate ko 2 lang talaga ang matyaga na nagpatuloy di naman natin sila masisisi dahil dami kasing masamang balita sa atin tungkol sa Bitcoin, yung latest nga ay yung human trafficking na involve ang mga pinoy sa ibang bansa although biktima rin sila.

Siguro nakasanayan ng marami sa atin ang tubong lugaw kaya di sanay mag hintay ng profit, kaya tumitingin sila sa mga atcoin kasi marami rin sa ating mga investors at bounty hunters ang naka jackpot sa tuboing lugaw na mga altcoins, isang malaking halimbawa ay ang Dogecoin, marami naka timing na kumita ng paldo dito.
Pero ako Bitcoin pa rin ako bear or bull yung mga di umaayaw ang nananalo.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Nakakalungkot talagang isipin kung may kakilala kang nalugi sa pag-iinvest sa crypto, alam ko kasi yung pakiramdam na nalugi sa investment eh kasi naranasan ko rin yan. Tapos yung iba parang wala lang sa kanila, nanghihikayat sila na mag-invest sa crypto pero yung totoo sinasamantala kalang pala nila.
Ako kasi hindi talaga ako yung lumalapit sa tao na mag-invest sa crypto kahit alam kong malaki ang possible na kikitain mo dito, malaki rin kasi yung risk eh. Kahit hindi ka nila sisisihin kung if ever malugi sila pero parang makokonsensya ka. Sa halip, kung makikita ko na interesado sila, yung tipong sila talaga yung gusto ay sisiguradong tutulongan ko talaga sila sa lahat ng aking mga nalalaman sa crypto especially kung paano maiwasan yung mga potential scam na projects at ano ang pinakasafe pag-investan.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitocin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.

Masakit man isipin pero tama ka kabayan marami ngayon ang naeenganyong mag invest sa Cryptocurrency subalit karamahin sakanila ay mas binibigyan pansin ang altcoins kumpara sa Bitcoin sa sapagkat hangad nila ang mabilisang profit. Alam namn natin gaano ka-volatile ang Altcoin kumpara sa Bitcoin subalit ang hindi nila alam kalapkip nito ang mataas na risk kumpara sa Bitcoin.

Quote
Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Pareho tayo ng ginagawa upang manhikayat kabayan, mas inuuna kong ipakilala ang Bitcoin sa mga gustong matuto ukol sa Cryptocurrency sapagkat ito ay may mas mababang risk kumpara sa altcoin na madalas gumalaw sa pamilihan. At ito din ay base saking karanasan mas nauna kong pinagaralan ang Bitcoin at sumunod nalang ang ibang crypto. Kung ako man ay mag bibigay ng ibang crypto coin ay ito ang mga subok na gaya ng ETH o yung mga nakapaloob sa top listed cryptocurrency.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Hindi ko masasabing invite o paghihikayat yun kundi pag-educate lang. Sinasabi ko lang din sa mga interested kapag may nagtanong sa akin na bitcoin lang dapat nila munang bilhin kasi yun ang pinaka the best at safest sa lahat ng crypto. At kapag medyo tumagal tagal na sila, saka nila madidiscover ang ibang altcoins. Ganyan lang sinasabi ko sa kanila at sa dami dami ng sinabihan ko na mga kaibigan at kapag, bilang lang sa daliri yung naniwala sa akin. Merong mga naniwala pero nagwithdraw lang din agad ng profits nila kasi kailangan nila. At yung mga natira, iilan nalang tapos konti pa funds nila at nagfocus sa altcoins. Pero karamihan, nakakadiscourage lang parang nasayang lang yung laway ko pero ganyan talaga, matira matibay lang.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitocin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.

Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.

So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Pages:
Jump to: