Pages:
Author

Topic: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin - page 3. (Read 548 times)

hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Before I'm forcing them to adopt Bitcoin pero nagsawa na ren ako kase most of them iisa lang naman ang sinasabe, scam daw si Bitcoin. Though nagstart sila magtanong ulit during the Axie time and asking for scholarship, pero syempre dedma na ako kesa makarinig pa ako ulit ng kung ano sa kanila.

I just made some post sa FB and para sa mga interesado talaga, I answer their questions pero dapat laging may disclaimer para hinde tayo masisis sa huli especially kapag nalugi sila kay Bitcoin.

Karamihan paren ay nagaakala na easy money si Bitcoin, hinde nila alam need den talaga ito aralin at kailangan ng tamang tyempo.

Same experience, 'di ko alam kung bakit sa tingin nila ay joke lang ang sinasabi ko na mga benefits and opportunity na binibigay ni Bitcoin or sa crypto industry. And totoo to na maraming na hook sa crypto and blockchain technology dahil sa kumikita sila sa Axie Infinity kahit walang nilalabas na pera by just sharing profits. So madaming nacurious may mga nag labas ng pera kasi akala nila easy money rin sa Bitcoin tulad ng Axie syempre magkaiba na magkaiba ang mechanics netong dalawa since yung isa nilalaro mo at isa more on analysis. 'Di pwedeng easy money dito na pag kapasok mo ng pera ay gusto mo profit agad since puro volatility ang mga nasa market ng crypto.

Wag kana mag taka na isipin ng mga tao na tinuroan mo na kalokohan yang ginagawa mo since zero knowledge naman talaga sila. Mas prefer ng mga tao ng makakita ng resulta at don na sila mahihikayat at maisipang subukan ang sinabi mo sa kanila kaya kadalasan yung iba bumabagsak sa scam dahil tira ng tira ng hindi nila alam ang kanilang ginagawa o di kaya masyado silang greedy at nabulag sa mga offer na hindi na makakatotohanan.

Siguro kung una palang nakinig lang sila at na ituro ng husto kung ano ang mabuting gawin at aling crypto sila mag focus siguro maiiba ang direksyon at mas focus sila sa safe crypto na pag lalagakan nila ng pera.

Sa case naman ng axie sobrang taas ng hype nun at madami din ang nalugi since akala nila patuloy parin ang pag angat nito. Medyo naturoan ng leksyon yung mga naging greedy at walang humpay na pagbili ng axie's since dito nla nakita na sa mundo ng crypto walang palaging aangat may pagkakataon na babagsak talaga ang isang asset.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439


Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.
Eto naman talaga ang dapat gawin kabayan eh , ang problema kasi sa ibang kababayan natin is dahil makikinabang sila sa pag propromote ng naturang coin is sasabihin nila lahat ng pinakamataas na pangako para masilaw ang prospect na mag invest.
dun na nawawala yong essence ng pagtulong instead greed na ang nangingibabaw.

kung sana lang na patutungkulan talaga ang totoong lagay ng project? wala sigurong maloloko.
Quote
So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
may nahikayat din akong sumablay pero yon ay dahil kinain sila ngpagiging gahaman , meaning hindi nakuntento sa maliit na income bagkus naghangad ng sobrang laking balik na sa dulo eh naipit na sila sa pagbagsak.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Before I'm forcing them to adopt Bitcoin pero nagsawa na ren ako kase most of them iisa lang naman ang sinasabe, scam daw si Bitcoin. Though nagstart sila magtanong ulit during the Axie time and asking for scholarship, pero syempre dedma na ako kesa makarinig pa ako ulit ng kung ano sa kanila.

I just made some post sa FB and para sa mga interesado talaga, I answer their questions pero dapat laging may disclaimer para hinde tayo masisis sa huli especially kapag nalugi sila kay Bitcoin.

Karamihan paren ay nagaakala na easy money si Bitcoin, hinde nila alam need den talaga ito aralin at kailangan ng tamang tyempo.

Same experience, 'di ko alam kung bakit sa tingin nila ay joke lang ang sinasabi ko na mga benefits and opportunity na binibigay ni Bitcoin or sa crypto industry. And totoo to na maraming na hook sa crypto and blockchain technology dahil sa kumikita sila sa Axie Infinity kahit walang nilalabas na pera by just sharing profits. So madaming nacurious may mga nag labas ng pera kasi akala nila easy money rin sa Bitcoin tulad ng Axie syempre magkaiba na magkaiba ang mechanics netong dalawa since yung isa nilalaro mo at isa more on analysis. 'Di pwedeng easy money dito na pag kapasok mo ng pera ay gusto mo profit agad since puro volatility ang mga nasa market ng crypto.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Meron akong isang recent na pag introduce ng Bitcoin (from past a week or two).
OJT  siya sa amin, nai-share ko sa kanya dahilan nung nakaraan eh sobrang taas ng transaction fee. Bale yung Mempool yung una kong naipakita s akanya then Blockchair (pero overview lang yun, as in pahapyaw). Then introduce ko sa kanya kung ano talaga si Bitcoin. May idea sya kung ano ang crypto, pero kaunti lang.
After nun, naipakita ko rin sa kanya itong Forum natin, in-overview ko nman sya sa structre/lay-out nito, then yung mga boards na tingin ko na best simulang puntahan if ever gustuhin nyang mag-explore dito.
The last thing na sinabi ko sa kanya is patungkol sa Web 3. He seem to have that curiosity and willing ness na mag explore din. Hindi ko lang alam kung ipagpapatuloy nya.

Ayun, satisfied naman ako kung paano ko naibahagi sa kanya yung knowledge ko. At kung mayroon pa man akong mga kakilala, katrabaho, o anuman na nakikitaan ko ng kagustuhang makibahagi sa Bitcoin at Bitcoin community, I would love to have some discussion with them.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Before I'm forcing them to adopt Bitcoin pero nagsawa na ren ako kase most of them iisa lang naman ang sinasabe, scam daw si Bitcoin. Though nagstart sila magtanong ulit during the Axie time and asking for scholarship, pero syempre dedma na ako kesa makarinig pa ako ulit ng kung ano sa kanila.

I just made some post sa FB and para sa mga interesado talaga, I answer their questions pero dapat laging may disclaimer para hinde tayo masisis sa huli especially kapag nalugi sila kay Bitcoin.

Karamihan paren ay nagaakala na easy money si Bitcoin, hinde nila alam need den talaga ito aralin at kailangan ng tamang tyempo.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
... mas mabuti pa ring isuggest natin ang Bitcoin sa mga baguhan kaysa ituro silang maginvest sa ibang altcoins na mas risky din lalo na kung tayo mismo ay may doubt dito. Mas mabuting ipaunawa muna natin sa kanila ang risks ng crypto investment bago natin sila hikayatin na maginvest dito.

Pero sa katagalan ay na eenganyo na rin sila na tumingin sa Bitcoin dahil nakikita nila sa market aggregator tulad ng Coinmarketcap at Coingecko ang mga altcoin na mas malaki ang percentage ng tubo at mas mababa ang presyo madaling maging double o triple ang kanilang kita at lalo pa na mga silang nakikitang mga hype sa mga treding coins or tokens tulad ng Pepe coin na kalaunan ay mas binibigyan pa nila ng importansya ang mga altcoin kaysa sa Bitcoin.

Tama ka dyan kabayan, ung mindset na sa bitcoin mabagal at maliit lang ang kikitain samantalang sa alt coin malaki ung potential pag naswetehan nila.

Ito ang madalas na nagiging maling pagtingin ng mga baguhang investors, dapat talaga mas paigtingin ung kaalaman sa crypto especially sa Bitcoin na siyang nagiging batayan nung maga baguhan sa larangan ng industriyang ito.

Mas malalim na kaalaman mas maayos na pag iinvest at hindi ung tipong parang nagsusugal na lang na aasa lang sa swerte.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
... mas mabuti pa ring isuggest natin ang Bitcoin sa mga baguhan kaysa ituro silang maginvest sa ibang altcoins na mas risky din lalo na kung tayo mismo ay may doubt dito. Mas mabuting ipaunawa muna natin sa kanila ang risks ng crypto investment bago natin sila hikayatin na maginvest dito.

Pero sa katagalan ay na eenganyo na rin sila na tumingin sa Bitcoin dahil nakikita nila sa market aggregator tulad ng Coinmarketcap at Coingecko ang mga altcoin na mas malaki ang percentage ng tubo at mas mababa ang presyo madaling maging double o triple ang kanilang kita at lalo pa na mga silang nakikitang mga hype sa mga treding coins or tokens tulad ng Pepe coin na kalaunan ay mas binibigyan pa nila ng importansya ang mga altcoin kaysa sa Bitcoin.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.

So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.

Tama ka kabayan, kung mag-invest ka rito sa cryptocurrency ay bitcoin nalang muna tayo at huwag na siguro tayong magpapadala pa sa mga shitcoins lalo na yong mga bagong labas. Kahit nga sa bitcoin ay napaka-delikado pa rin na ilagay natin yong pera natin dyan pero at least may kaalaman tayo kung paano ang kalakaran dyan, i mean kung paano tayo kikita.

Palagay ko huwag na tayong manghikayat ng ibang kababayan na sumugal sa cryptocurrency baka sa huli ay tayo pa ang masisi nila pag nawala yong pera nila.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
Karamihan sa nagiging curious tungkol sa cryptocurrency ay iyong mga nakarinig lang ng success stories ng ilang tao dito. Ang ilan naman ay nakita sa ilang promotions dahil lang sa referral program pero hindi talaga sila totally aware tungkol sa risks nito. Ilan sa kanila ay may maling interpretasyon pa tungkol dito kaya naman kadalasan ay naniniwala silang kikita sila dito ng hindi nawawala yung pera nila. Maswerte sila kung magiging curious sila at ang pagtatanungan nila ay totoo ngang may alam tungkol sa crypto pero kung makakatyempo sila ng puno ng maling impormasyon tungkol sa crypto, siguradong wala silang ibang gagawin kundi magsisi na lang sa huli. Para sa akin, mas mabuti pa ring isuggest natin ang Bitcoin sa mga baguhan kaysa ituro silang maginvest sa ibang altcoins na mas risky din lalo na kung tayo mismo ay may doubt dito. Mas mabuting ipaunawa muna natin sa kanila ang risks ng crypto investment bago natin sila hikayatin na maginvest dito.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
Normal nayan lalo sa atin kasi nga yung mga altcoins is mabilis lang nila pwede irug kaya nasa tao na nga talaga kung mag invest ka or hindi, tsaka hindi talaga lahat ng tao maari mong ma convince sa mga ganito kasi may ibat iba tayong capability lalo na if talagang need mo ng pera even though want mo mag invest pero ung mga daily and monthly expenses mo ang napaka taas is wala din mag pipiliin na nga lang din ng tao mag sustain ng daily needs nila kesa mag invest. Another thing is syempre if altcoins ka gusto mo promote yung coin na gusto mo of course ganun gagawin ng tao than the use of the bitcoin para naman tumaas yung value ng coins nila.
full member
Activity: 443
Merit: 110
sa totoo lang hindi ko ugaling manghikayat ng mga kakilala or mga kaibigan at kahit pa man kapamilya tungkol sa bitcoin o kahit ano pang klasing investment dahil ayoko rin kasing ma blame o ma pressure lalo na kapag bumaba ang market, at alam naman nating natural talaga yan. sa totoo lang din kasi kapag ang isang tao ay nahikayat mong mag invest sa crypto o kahit ano pang mga platform, nagiging dependent kasi siya sayo at dahil na nga baguhan para sa akin "it is bothersome to deal with" sa mga tanong lalo na napagdaanan ko na ito mula sa mga kaclose kong nag iinvest din.

totoong marami ang nalugi dahil sa pag invest sa mga baguhan dahil kung risky nga ang may stable na foundation ano nalang kaya ang kakarelease pa lang diba? at alam naman din natin na ang ekonomiya ng kahit ano pa yang project ay tumatatag lang kapag sinubok ng panahon at kadalasan ay hindi kaya ang mga pagsubok kaya minsan binibitawan nila ang platform o kaya yung iba nagrurug-pull.

sa tingin ko rin kasi ang media is already doing a good job para manghikayat ng mga users, pero kailangan talaga magpatupad sila ng batas na kagaya dito sa forum na bawal ang mga shady na links, MLMs at mga HYIP pati narin mga sketchy na sites at kahit ano pa man yan para mabawasan ang mga nagaganap na kalokohan sa media.

ang ginagawa ko lang kasi ay hinihintay ko nalang na magtanong sila patungkol sa mga nais nilang malaman instead na ispoon feed ko sila dahil aside sa nagmumukha akong desperado, mas maganda rin para sa gustong matuto na willing to learn sila at sila mismo ang lalapit at magtatanong. alam din naman natin na iba-iba ang perception ng bawat tao lalo na mga kababayan natin na halos hype2x lang ang tingin dito sa crypto at baka sabihin pa nilang may binabalak akong masama o kaya naman nagmamarunong.
hero member
Activity: 2926
Merit: 567

Kapag may nagka interes matuto mag invest/trade ng crypto tapos nagtanong sakin, dun lang ako sumasagot. Pero hindi ako yung nag i initiate sa kanila para ma invite ko kasi mahirap na masisi, danas ko na eh. Bitcoin lang talaga yung pino promote ko kasi nga less risky kesa altcoins. Kapag ang isang tao naman eh desididong matuto sya na mismo ang magkukusa na alamin kung san ba maganda mag invest kaya for sure malalaman din nila yung altcoins na maganda bilhin at i hold.


Pareho tayo dahil sa volatility ng Bitcoin at ibang altcoin hind ako nag kukusa o mag kukusa na mag invite na mag invest, aalamin ko muna ang risk level nila at kung naka pag invest na rin sila sa ibang investment industry.
Ang pinaka mahirap ay yung masisi ka ng ininvite mo kahit naipaliwanag mo sa kanila na sila responsible sa kanilang desisyon pag dating sa pag invest sa Cryptocurrency, kasi ang katuwiran nila ikaw ang nag introduce kung di ahil sa yo di sana sila nalugi.
Mas gusto ko na yung matatag na platform na lang ang mag invite sa kanila tulad ng Coins.ph sa bansa natin dahil kung tayo lang baka pag dudahan pa tayo sa intensyon natin sa kanila.

full member
Activity: 338
Merit: 102
Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitocin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.

Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.

So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Pansin ko rin yan op sa mga fb nalang dami nagpropromote ng ibat ibang klase ng cryptocurrency na ang mga hinahangad ay makakuha sila ng mas maraming referrals. Hindi man nila naisip na ito ay napaka risky.
Kaya mas maganda talaga na ang ma promote at makilala ng karamihan ay ang bitcoin dahil ito ang pinaka kilala sa buong Mundo. Oo may risky nga ang bitcoin pero ito lang ang pinaka magandang malaman ng lahat na ang bitcoin ay isang pinaka magandang investment sa lahat ng cryptocurrency. Ito kasi kilala at may potential na kikita ang bawat isa.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitocin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.
Mas gusto kasi ng iba yung mabilisang kumita kaya imbes na sa Bitcoin sila mag invest (na alam naman nating mas popular at imposibleng di sila aware) sa altcoins nila piniling mag take risk. Sa gc ng mga traders sa fb kung san ako kasali, kalimitan ng mga pino promote mga meme coins kasi nga daw may chance kang kumita ng malaki sa maiksing panahon kapag nag pump. Kumpara sa Bitcoin na bukod sa pricey na eh kahit tumaas man daw hindi ganun kalaki ang kikitain kung ang budget mo ay konti lang.

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Kapag may nagka interes matuto mag invest/trade ng crypto tapos nagtanong sakin, dun lang ako sumasagot. Pero hindi ako yung nag i initiate sa kanila para ma invite ko kasi mahirap na masisi, danas ko na eh. Bitcoin lang talaga yung pino promote ko kasi nga less risky kesa altcoins. Kapag ang isang tao naman eh desididong matuto sya na mismo ang magkukusa na alamin kung san ba maganda mag invest kaya for sure malalaman din nila yung altcoins na maganda bilhin at i hold.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Sawa na ako sa panghihikayat at mag-educate sa mga kakilala ko.  I have been doing this kind of activity mula pa noong 2015 at kadalasan naman sa kanila ay mga ningas kugon lang.  Mas ok pa rin talaga na self motivated ang mga tinuturuan natin kesa manghikayat tayo ng tao para papaniwalain sa Bitcoin Industry.   Pwede ishare natin ang information pero i won't do it to the extend na hihikayatin ko sila.  Baka magkaproblema pa mga investment at ventures nila, sisihin pa ako.  Let them do their own research, siguro sumagot na lang sa mga katanungan kung meron sila.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.
Ako talaga Bitcoin pinupunto ko lalo na kung may shared post ako throughout social media platforms kasi alam ko ito ang safe if ever man makahikayat ako. The thing is, maliit lang magtatanong Sayo tapos sasabihin agad kung paano sila kikita. I tend to ignore them or just show them some links kasi sa totoo lang education graduate ako pero tinamad na ako magturo ng kumita na sa online.

Mahirap manghikayat gusto ng mga pinoy yung maiinggit sila kaya mas maganda yung sa social media mo nalang idaan pero I don't do it nowadays at try ko na ring ideny na meron pa ako nito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Hindi ko masasabing invite o paghihikayat yun kundi pag-educate lang. Sinasabi ko lang din sa mga interested kapag may nagtanong sa akin na bitcoin lang dapat nila munang bilhin kasi yun ang pinaka the best at safest sa lahat ng crypto. At kapag medyo tumagal tagal na sila, saka nila madidiscover ang ibang altcoins. Ganyan lang sinasabi ko sa kanila at sa dami dami ng sinabihan ko na mga kaibigan at kapag, bilang lang sa daliri yung naniwala sa akin. Merong mga naniwala pero nagwithdraw lang din agad ng profits nila kasi kailangan nila. At yung mga natira, iilan nalang tapos konti pa funds nila at nagfocus sa altcoins. Pero karamihan, nakakadiscourage lang parang nasayang lang yung laway ko pero ganyan talaga, matira matibay lang.

Dinagdag ko yung words na pag educate mas ok yung educate kaysa hikayat kasi yung hikayat parang MLM ang datingan.

Parang ako rin ikaw sa kada 10 na ineducate ko 2 lang talaga ang matyaga na nagpatuloy di naman natin sila masisisi dahil dami kasing masamang balita sa atin tungkol sa Bitcoin, yung latest nga ay yung human trafficking na involve ang mga pinoy sa ibang bansa although biktima rin sila.

Siguro nakasanayan ng marami sa atin ang tubong lugaw kaya di sanay mag hintay ng profit, kaya tumitingin sila sa mga atcoin kasi marami rin sa ating mga investors at bounty hunters ang naka jackpot sa tuboing lugaw na mga altcoins, isang malaking halimbawa ay ang Dogecoin, marami naka timing na kumita ng paldo dito.
Tama ka kabayan kasi pag sinabing hikayat parang may nakatatak na hindi magandang imahe pag pinakinggan natin.
Kulang lang din talaga sa financial education halos lahat sa atin kaya ang thinking ay nag sink na sa mga quick profits na ending ay mga scam investments. At hindi lang yan masyadong pinapansin ng gobyerno kasi dapat bata pa lang, kasama na yan sa curriculum para aware na ang bawat isa hanggang sa pagtanda na walang easy money.

Pero ako Bitcoin pa rin ako bear or bull yung mga di umaayaw ang nananalo.
Eto tayo.
Alam natin ang kahihinatnan kaya tiwala tayo kay Bitcoin.
hero member
Activity: 1904
Merit: 541
Ang dami nating mga kababayan na nalulugi sa pag invest sa Cryptocurrency karamihan kasi sa halip na Bitocin ang ipromte sa mga baguhan inuuna yung mga altcoins na bagong labas, marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops kaya sa halip na Bitcoin muna huli na nila nalalaman yung value ng Bitcoin na mas higit sa mga altcoins na yan.

Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.

So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante

Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.

Unang-una may kanya-kanya tayong paraan kung pano ieducate yung tao tungkol sa bitcoin. Mahirap naman na magsimula sa atin yung initiative na ieducate yung tao na hindi tayo sure kung interesado ba siya sa bitcoin o hindi na gusto nating ibahagi sa kanila.

Pangalawa, wala naman tayong obligasyon para gawin din yung bagay na ieducate sila tungkol sa bitcoin. Maliban nalan na magpakita sila ng interest sa bitcoin tapos alam nila na may alam ka sa Bitcoin, siguro sa ganitong sitwasyon ay sensyales ito para ieducate sila tungkol sa Bitcoin na nais nilang matutunan.
sr. member
Activity: 2828
Merit: 357
Eloncoin.org - Mars, here we come!
marami sa mga altcoins ngayun may referrral rewards lalo na yung mga airdrops
Pera pera kabayan , yan ang motivation ng karamihan satin , they care nothing
kung ano kalabasan ng nailure nila ang importante makakuha sila ng rewards and sa part na yan , di naman natin sila masisisi kasi yan lang talaga ang pinagkakakitaan ng iba sa atin.
Quote
Ako kung maari inuuna ko sabihin yung mga risk na pag invest sa Crytocurrency, Bitcoin lang muna inietsa pwera ko yung mga Cryptocurrency sila na bahala maka discover nung ibang altcoin along the way.
Bitcoin at ang risk sa likod nito ang dapat nila unang matutunan , para kung mag invest man sila , alam nila ang waiting time at ang ibang possibilities .
Quote
So far yung mga nahikayat ko mag invest sa Bitcoin naging ok naman sila kasi mas nauna yung basic at pinaka importante

same here kabayan , nasa 5-8 person palang naman ang nahikayat ko (actually mali ang term na Nahikayat instead naturuan much better) and lahat sila ay progressive and profiting in their own strategies .
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Nakakalungkot talagang isipin kung may kakilala kang nalugi sa pag-iinvest sa crypto, alam ko kasi yung pakiramdam na nalugi sa investment eh kasi naranasan ko rin yan.
Sa akin ang sinasabi ko lang pag may nagkwe-kwento na nalugi sila, mga personal friends ko, sinasabi ko lang na mas malaki loss ko sa kanila para pampalubag loob nalang din sa kanila. Pero yun nga kasi iba iba tayo ng sitwasyon, kaya natin patalo ng medyo mas malaki kasi may ipon at sila kahit na hindi naman kalakihan pero yun yung parang all in na pera nila.

Tapos yung iba parang wala lang sa kanila, nanghihikayat sila na mag-invest sa crypto pero yung totoo sinasamantala kalang pala nila.
Meron talagang mga ganoong tao. Akala mo ang bait bait pero may iba palang intensyon at sariling interes.

Ako kasi hindi talaga ako yung lumalapit sa tao na mag-invest sa crypto kahit alam kong malaki ang possible na kikitain mo dito, malaki rin kasi yung risk eh. Kahit hindi ka nila sisisihin kung if ever malugi sila pero parang makokonsensya ka. Sa halip, kung makikita ko na interesado sila, yung tipong sila talaga yung gusto ay sisiguradong tutulongan ko talaga sila sa lahat ng aking mga nalalaman sa crypto especially kung paano maiwasan yung mga potential scam na projects at ano ang pinakasafe pag-investan.
Sinasabi lang din nila yan na di ka nila sisihin kahit matalo ng dahil sa payo mo. Nanggaling na ako sa ganyan na ang saya namin kasi bull run tapos kumikita ang lahat tapos nung parang bumagsak na ang market, kanya kanyang lie low na at walang pansinan hanggang sa ako nalang naiwan sa market na ito.  Cheesy
Pages:
Jump to: