Isa din ako sa mga nag-aakay ng mga tao para pag-aralan ang Bitcoin mga around 2017. Una, tinuruan ko muna sila kung ano ang Bitcoin at kung para saan ito, hindi ko sinabi na puwede silang kumita dito, hindi sila naging interesado. Sunod naman ay sinabi ko sa kanila na puwedeng kumita dito at naging interesado sila, kaya tinuruan ko silang mag airdrops at signature campaigns at bounty, kumita naman sila pero hindi ganoon kalaki. Pero nung bumagsak ang Bitcoin at humina ang airdrops, bounty, at signature campaigns, tumigil sila kasi hindi na daw beneficial sa kanila iyon. Simula noon hindi na ako nanghikayat at tinago ko nalang na nag-crypto pako at kumikita. Sobrang convenient ng coins.ph at Bitcoin pero hindi sila interesado sa mga possible na mangyari sa future.
Normal lang sa tao na magiging interesado pag sinabihan mo na pwede sila kumita sa crypto and meron din akong mga taong
naturuan about crypto and after all these years nagbibitcoin parin siya at nagpapasalamat dahil tinuruan ko siya paano mag crypto
at dahil dito nabibili na niya ang mga bagay na hindi niya nabibili nung una.Meron akong sinabihan about crypto within my relatives pero
even still at introduction ay sinabihan nila ako na scam daw ang bitcoin.