Pero mahirap na magturo hindi nga natin masasabi yung market e tapos mag tuturo kapag nag negative profit ka sa trading ikaw pa masisi mas maganda na wag na lang mag salita o magturo kasi atleast walang sisi sayo. Kung knowledge lang naman ok lang na mag turo atleast magiging aware ang tao at sila na lang yung magpalawak ng nalalaman nila by that makikita mo na interesado talagang matuto.
Naintindihan kita kaya dapat kapag may tuturuan man tayo ay ipaalam din natin yung risk ng papasukin nila hindi lang yung benefits. Huwag na lang din natin ipilit kapag alanganin. Dahil kung talagang interesado sila, kusa silang lalapit sayo, at mapapansin mo rin naman kung sino lang talaga yung willing na matuto.
Ang Isa sa gusto kong matutunan o malaman ay tungkol sa mining, kahit Wala pang kapital o puhunan. Gusto ko lang matutunan Yung mga hardware's and software na ginagamit. Tsaka Yung mga terminology ng mga miner na Hindi ko naiintindihan. Ganito yung feeling na Wala kang sapat na kaalaman Lalo na at kapus sa edukasyon
Di ko na masyadong tinutukan ang mining kasi alam kung di ko kakayanin, mahal ang hardware at di rin advisable dito sa location natin dahil sa klima. Pero bilib ako sa ibang miners dito sa lokal natin dahil parang ginawa nilang posible yung imposible, ika nga pag gusto may paraan.
Hindi hadlang ang edukasyon o kulang sa kaalaman, hindi rin ako nakapagtapos tulad mo pero tayo ang may hawak ng ating kapalaran, nasa kamay natin kung ano magiging reusulta ng ating hinaharap. Connected na tayo sa internet kaya naman may kakayahan na tayo para turuan yung sarili natin, maghanap ng mga totoo at tamang impormasyon na makatutulong satin.