Yun kasi ang problema sating mga Pinoy, Basta kapag sinabing kumikita gusto agad agad. Kaya it ends up disappointment. Meron ako dating katrabaho na nagtanong saken Kung ano yung mga pinopost ko sa facebook.
So ang ginawa ko ipinaliwanag ko, then pagkatapos kong ipaliwanag Sabi nya, bakit daw siya maglalagay ng pera, panahon at effort sa loob ng internet na alam naman natin na prone on hacking.
Yun daw Bitcoin ay Hindi posibleng mahack kasi nasa internet. Kahit na ipinaliwanag ko yung katangian ni bitcoin.
Oo Tama naman siya,
POSIBLE naman talagang mahack ang isan, dalawa, tatlo o apat pang wallet address pero sa
maliit na ratio lang na nagbibigay sa kanya ng siguridad na sa sobrang liit naging impossible na.
Pero posible parin 😅
May kanya kanya lang din talaga sila at tayong paniniwala at depende yun sa nalalaman natin. Sa part natin, dahil may experience at tiwala tayo kay bitcoin, alam natin yung ginagawa natin at hindi tayo nangangapa, bumaba man o tumaas tanggap natin yun.
Sa kanila, ang mindset nila ay isa lang. Dahil nakita nila na kumita ang iba sa bitcoin, ganun na rin ang expected nila. Kaya kapag bumagsak parang ikaw pa ang masisisi kaya sinabi ko din sa kanila na walang sinoman ang may control sa market.