Since medyo hype ang Frontrow ngayon, Na curious ako. Since, isa sa mga pinsan ko is a member of frontrow (Kumita na ba siya? I might say, Yes.) at matagal na niya ako pinipilit sumali. Nag set siya meeting (over a coffee, Typical networking), hinayaan ko siya iexplain yung products and kung pano "AKO, daw" kikita pag sumali ako.
Eto yung na explain sakin:
- May tatlong package na inoffer (Based daw sa kaya ko):
Package 1: 2,500 worth of product/s - I can resell daw upto 10-25%
Package 2: 5,000 worth of product/s - I can resell daw upto 10-25% + Color of membership (di ako sigurado dito, Pero parang ito yung Silver, Gold, Platinum...)
Package 3: 15,000 worth of product/s - I can resell daw upto 10-25% + Color of membership + security of investment
*So technically sa isip ko, pag nakabenta ako ng product/s nila ang Kita ko ay base lang sa resell price ko* Nagtanong ako tungkol sa commission, kung pano ako makakakuha nun.
Ang commission daw makukuha ko pag may naipasok ako sa kanila (again, Typical networking), The more ang naipasok mo = bigger commission (entry package + benta nila + yun maipapasok nila). Kung susumahin kung magaling ang downline mo buhay ka na at mas buhay pa ang nag recruit sayo.
*Yun ay kung mautak ka at magaling ka talaga
Out of curiosity, Tinanong ko siya about sa products. *Ginagamit mo ba? yung totoo*, She said yes. "Effective?", Yes ulit. Next, "Ano masasabi mo dun sa issue?" derechahan niyang sagot, Fake news daw yun at sinisiraan lang si frontrow. So hinayaan ko, given na madalas ako sa kanila at kainuman ko ang kuya niya. Napagusapan namin yung issue, which is quite unconventional since andun yung kapatid niya. Given na ang kuya niya ay dating nag ffrontrow din.
Soap Bar - Yes and no, Nakakaputi basta di ka maarawan (typical whitening soap).
Diet Pills + Gluta.. - No, Yung diet medyo di daw ganun ka effective at yung sa pampaputi na side same as soap bar
So para daw masabi niya na effective ang product na binebenta niya, gumagamit sila ng iba pang products or literally saying na hindi nila ginagamit ang product ng frontrow. *Same goes dun sa ni-reveal*
Tama si @SRF10 "Madaling mauto ang pinoy", simpleng pinakitaan ng ipon kuno, gusto ko na nun. Toxic? Di naman siguro slight lang.
Ang nakakatuwa lang dito sa issue na to, is yung huli ka na pero di ka kulong.
Never ko naisipan sumali sa mga networking, di ko nilalahat pero karamihan kasi talaga sa simula lang maganda and kalaunan naiiwan ang mga bago. Ang yumayaman yung nasa taas lang and not the other way around, Same stories and same outcome.
Ang advantage lang dito ni Frontrow is nakatayo na sila ng foundation na matibay, lalo't na bigatin ang mga nag dadala nito. Not unless mag pull out, which is interesting.