Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.
In terms of networking companies, para sa akin ito ang pinakasikat na networking/selling products na company kasi matagal na rin sila sa ganitong industry eh. Nag lipa na ung mga ibang kacompetition nila pero sila ay anjan pa rin.
Will share bit of my experience with this stupid networking shit.
"IF YOU ARE OPEN MINDED YOU CAN JUST PM ME AND I WILL OFFER SOMETHING FOR YOU"
"OPEN MINDED KA BA?? PM ME"
"GUSTO MO BANG KUMITA OR MAGBENTA ONLINE. PM ME"
"SALI KA DITO IN 1-2 MONTHS MAGIGING FINANCIALLY FREE KA NA"
"MAGPAPAKITA NG LIMPAK LIMPAK NA SALAPI PERO DI NAMAN GALING SA KANILA."Bukod sa mga sinabi ko sa itaas, marami pa silang ways para magbrainwash ng mga tao. Natry ko na rin sumali sa isang networking company pero ang tawag nila ay affiliate marketing pero in the end, isa pa rin itong networking na need mag invite para kumita. Triny ko lahat ng pwedeng gawin para kumita. Nagconstruct ng mga mabulaklak na sentences na makakaattract sa kanila, nagpuyat kakapanood ng training at seminar nila thru livestream, gumastos ng load para lang mapanood at mag research at naisip ko din na pumunta at manood mismo sa mga seminar in person pero buti na lang wala akong pera noon kung meron lang pupunta talaga ako.
Then one month after, wala pa rin akong nainvite ni isa at dun na ako nagdecide na tumigil sa sinalihan ko at di ko aakalain na un ang isa sa mga magandang desisyon ko sa buong buhay ko. Di ko maimagine ang sarili ko sa networking industry at buti na lang talaga ay tumigil na ako dahil naramdaman ko kung gaano kahirap mag invite ng ibang tao. Kung gaano kahirap makipag usap sa mga taong hindi naman interesado. Kung paano maging tanga sa kanila na makipagusap pero sa huli hindi rin naman sasali. Ending, di na ako sumali sa kahit anong networking companies.
Regarding sa topic, napanood ko ung latest video ni Tulfo regarding Front Row and nasabi dun na base sa SEC allowed sila na mag benta ng mga products pero hindi sila allowed na mag invite dahil wala silang license to do it.
This is a ponzi scheme but in a professional way for me because nakita naman natin kung gaano na nila niloloko ang mga tao sa buong pilipinas
. Kung open minded ka at alam mo kung gaano kahirap ang kumita ng pera ay malalaman mo na ang ilan sa mga sinasabi nila ay "too good to be true" at sabi nga ni Tulfo, "
If it is too good to be true then it is not true".
I hope na after this revelation of Front Row ay unti unti na silang bumagsak in the next years dahil hindi biglang babagsak tong company na ito. Matatagalan bago mangyari pero unti unti silang babagsak dahil dito sa exposure na nangyari.