Pages:
Author

Topic: PONZI SCHEME FRONTROW - page 3. (Read 453 times)

legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
March 05, 2020, 07:30:30 AM
#7
Yun din pinagtataka ko na sa tingin ko ay alam niya naman talaga ang kalakaran sa network marketing mapa-frontrow man yan o ibang company.
https://www.youtube.com/watch?v=RBxCRs8VYIQ

Kakaupload lang 'to ngayon. Part 3 regarding don sa issue.
Raffy Tulfo is not affiliated with Frontrow, siguro naging mapanuri lang siya sa Part 1 kaya tanong siya ng tanong.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
March 05, 2020, 07:20:42 AM
#6
Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
March 05, 2020, 07:08:17 AM
#5
Nauunawaan ko yang scheme nila kasi dati ring may mga nag-invite sa akin at nagtry din ako isang beses pero hindi ko na tinuloy. Maja-justify nilang hindi sila scam kasi nga registered sila at may produkto sila.
Yes, hindi sila scam kasi they're doing it in a professional or business way. Like what I've said, marami silang ginagawang asset para masabing lehitimo ang isang bagay kaya meron silang permit. Yes it's not a scam but technically it is a scam that uses legal matters para masabing legit ang pamamaraan.

No offense po sa mga kababayan nating nasa network marketing pero meron talagang ginagamit yung sistema na ganyan sa maling pamamaraan
Alam naman siguro nila sa sarili nila na yung products sa bawat networking company ay for show lang sa public pero ponzi scheme talaga ang main point ng business na yan.

Mas effective pa ang kojic kaysa sa product nila.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
March 05, 2020, 07:00:10 AM
#4
Nauunawaan ko yang scheme nila kasi dati ring may mga nag-invite sa akin at nagtry din ako isang beses pero hindi ko na tinuloy. Maja-justify nilang hindi sila scam kasi nga registered sila at may produkto sila. Na ang ibig sabihin, hindi lang sa invite dadaan yung pwede nilang pagkakitaan pero sa totoo lang, walang bibili ng produkto nila kasi nga super mahal o overprice at kung meron man talagang bumibili konti lang. No offense po sa mga kababayan nating nasa network marketing pero meron talagang ginagamit yung sistema na ganyan sa maling pamamaraan.

Muntik na nga ako magduda kay Raffy Tulfo eh, ang daming paulit ulit na tanong na para bang hindi naniniwala kay dave at gustong ilihis yung pangalan ng frontrow.
Yun din pinagtataka ko na sa tingin ko ay alam niya naman talaga ang kalakaran sa network marketing mapa-frontrow man yan o ibang company.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
March 05, 2020, 06:55:05 AM
#3
actually nasa Tulfo na to kabayan kahapon at tama ka Ponzi scheme talaga mga ganitong pamamaraan.
yes, the image I used above was from tulfo.

i remember some of my friends hinihikayat ako na mag invest dito dahil anlalaking tao ang mga endorser and kung di ako nagkakamali eh pati si Floyd Mayweather ay naging celebrity endorser nito?

napakdami nang nauto ng mga ganitong mga scammers hanggang ngayon meron pa din naloloko.

sana naman now pag talagang napatunayan na ito at hindi matapalan ng Pera ang media ay mag tuloy tuloy ang imbestigasyon at paglabas nito sa mga balita.
Yes, ponzi scheme or network marketing is full of marketing strategy, matatalino sa business kaya kapag hindi ka edukado pagdating sa mga ganito, you'll be a victim.

I know a lot of people who was scammed by ponzi.

Muntik na nga ako magduda kay Raffy Tulfo eh, ang daming paulit ulit na tanong na para bang hindi naniniwala kay dave at gustong ilihis yung pangalan ng frontrow.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 05, 2020, 06:43:42 AM
#2
actually nasa Tulfo na to kabayan kahapon at tama ka Ponzi scheme talaga mga ganitong pamamaraan.

i remember some of my friends hinihikayat ako na mag invest dito dahil anlalaking tao ang mga endorser and kung di ako nagkakamali eh pati si Floyd Mayweather ay naging celebrity endorser nito?

napakdami nang nauto ng mga ganitong mga scammers hanggang ngayon meron pa din naloloko.

sana naman now pag talagang napatunayan na ito at hindi matapalan ng Pera ang media ay mag tuloy tuloy ang imbestigasyon at paglabas nito sa mga balita.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
March 05, 2020, 06:34:30 AM
#1
I think this is one of the right time para ma-enlighten ang mga tao especially tayong mga nandito sa forum. If you knew someone na nagbabalak pumasok sa networking then I think you should explain how does PONZI SCHEME works. I created a thread about BNL na similar dito and uses BITCOIN sa kanilang payment last year: BNL scam or not? What's your thought? [ponzi scheme]


This issue is all about a guy na hindi naka-receive ng sweldo because of his member na may ginawang mali. Also, lahat ng mga bagay like mamahaling kotse ay nakapangalan sa company which is FRONTROW kahit na mismong pera niya ang pinang-down niya sa kotse.

And we all know na basta networking, it's more likely a PONZI SCHEME sa kadahilan na pyramiding na kailangan mo ng members to sustain your profit on this kind of work.

What is HYIP?
Ang hyip or high-yield investment program ay isang klase ng ponzi scheme na kung saan papangakuan ka ng isang malaking profit after mong mag-invest ng pera pero in reality, itatakbo lang nila ang mga pera na-invest sa kanilang platform.

Ngayon mas dumadami na ang mga scam projects dahil ganon na ang way nila upang makalikom ng pera. Kung dati hindi pa nageexist ang cryptocurrency ay nakakagawa na sila ng investment scam, what more kapag dinamay na nila ang crypto just to earn huge profit from investors.

What is PONZI SCHEME?
Ito naman yung way na papaniwalain ka nila na yung profit na nakukuwa mo ay galing sa sales ng project or platform nila pero galing ito sa mga early investors.

Kahit ano pang pagpapagandang words, even it's a free enterprise, or network marketing is the same sh*t with ponzi scheme or pyramiding.

Kung sa tutuusin, the networking works by recruiting more members and yung mga sabon, pampaputi, kotse at kung ano mang pangpapaakit ay asset lang nila para mas dumami yung members ng isang networking company. So definitely, mas kikita ka ng maraming pera kapag nakapag-recruit ka ng bagong member dahil maglalapag ito ng malaking pera which is sweldo ng mga nasa taas. And kaya ka kumikita is because of the name ng company, kaya makikita mo yung sandamakmak na advertisements, billboards kaya talagang magmumukhang legit ang isang networking business.

But behind every ponzi scheme or pyramiding, mga nasa taas lang lagi ang nagbebenefit sa ganitong pamamaraan or kapag marami kang members. That's why ang mga networking company ay kumukha ng artista para lang maakit pa yung mga members at sila sila lang din ang makikinabang.

Do I consider it a Scam?

IMO, yes it's a scam. The fact na pinapaniwala mo ang isang tao na kikita siya kapag nag-invest siya ng pera, scam na agad yon. In reality, di naman talaga nangyayari yon. Who tf will give a money to a random person kasi nakapag-invest siya? Wala diba. And until ma-brainwash ka na, gagawin ka na rin nilang asset and dahil motivated ka since nakikita mong kumikita ng pera yung mga nasa taas, magiinvite ka na rin ng mga members and yun na yung start ng pagpapalawak.

I remember BNL, na dinamay pa yung BTC sa pagkita nila ng pera, which is obviously ponzi scheme rin naman. Those people who invented this scheme are probably scammers na dinadaan sa mabulaklak na salita at papeles para lang makapang-scam ng tao through legal matters. Kaya nga desperate ang mga tao sa mga ganitong bagay na nagpapakita pa ng pera at kotse para lang masabing legit.

This is one of the reason bakit hindi kinukonsinte ang mga investments na may referrals dito sa forum kasi ganon rin yun patungo, isang scheme na kung saan ang mga nasa taas lang ang mga nakikinabang at gagamitin lang ang iyong pera.

I hope this thread helps you, especially to those who lack knowledge about schemes like this at para maging aware kayo. Yes, may mga kumikita naman talaga sa networking at may mga yumaman but they're the one who already invested since the start of the company. It's not recommended and not profitable if you're thinking na pumasok ngayon dito dahil lagi mong nakikita ito.
Pages:
Jump to: