Bukod sa pag-aaral ng mga pasikot-sikot sa trading, dapat isama na din natin dito na mag-accumulate ka ng experience, hindi lang basta may alam, dapat may karanasan ka na kasi kung puro teknikal lang ung alam mo, wala din kasi theoretical lang yung alam pero wala kang application, dapat kang mag accumulate ng experience habang pinag-aaralan ang mga teknikal na aspeto ng trading, maaari kang maka accumulate ng experience sa pamamagitan ng paper trading, ito ay parang simulation ng kung ano talaga ang nangyayari kapag nag tetrade ka, naglipana ang mga ganito sa internet kaya di ka mahihirapang maghanap. Isa rin sa dapat mong matutunan ay ang pagiging pasensiyoso, it takes you a long way.
Sa mga nag daang mga araw noong nag simula ang quarantine ay nag simula nadin ako mag aral patungkol sa trading ng cryptocurrency dahil gusto ko magkaroon ng additional income para dito at isa nga sa maaring puntahan ay ang isang sikat na sikat na alam natin at ito ay ang panonood sa youtube pero hindi pa doon nag uumpisa dahil nag hanap muna ako ng isang trading platform which is maganda ang security at ang UI/UX dahil para mas maging kumportable ako gumamit dito, at natagpuan ko ang Binance at dahil dito ay sinimulan ko na ang pag hahanap hanggang nakita ko ang suitable na trading technique para sakin at ito ay ang pag gamit ng MACD sa mga nag daang mga araw ay tuloy tuloy ang aking naging kita pero hindi naman kalakihan sakto na kumbaga.
Hindi ako yung tao na natututo lamang dahil sa panonood lamang kundi kailangan ko ang aktuwal nag lagay ako ng investment na 1k lamang para aralin ito muna hindi naging maganda ang mga sumunod na subok kung kaya't sariling pag aaral na naman upang maiwasan ang pag ka talo sa trading.
Kung tingin mo ay kaya mo naman mag trade at kikita ka, bakit hindi ituloy hindi ba?.
Ps. Hindi ako nag ppromote ng platform.