Pages:
Author

Topic: Reasons kung bakit naluluge ang maraming trader sa cryptocurrency market - page 5. (Read 1552 times)

full member
Activity: 1344
Merit: 103
May mga trader talaga na walang disiplina , gusto mareach ang goal na nais nya sa trading . Meron din todo bantay sa pag akyat at pagbaba ng presyo para hindi lang matalo. Tama yung mga nasa 90% na dahilan mo sa chart na kung pagsasamahin nga aniya ay ang mga trading without knowledge o mga mangangalakal na walang kaalaman online. Meron binahagi sa akin ang isang kaibigan tungkol sa pagttrade , gawin ko daw ay buy low - sell high para makaiwas sa pagkatalo. Dagdag pa ay yung pagbabantay sa biglang bagsak ng presyo , kung alam mung palugi ka na at parang napapansin mo na wala ng pag-asa bumangon pataas ang trade mo bitawan mo na kaysa malugi ka pa ng todo-todo. Yan binahagi ko lang ang konti kong nalalaman para kahit papaano makatulong sa mga tulad kong small time trader.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"? Napansin ko kasi wala sa Pie Chart mo yung mga ganitong tao and palagay ko sila talaga yung mga pinaka natatamaan, sila yung mga tao na yung biglang pumutok yung Bitcoin akala nila pag-bili lang nito ay sapat na para kumita. Syempre dapat kung kasama sa 10% yung mga well-educated dapat kasama sa 90% yung mga trading without knowledge about trading. Pwede mo din masabi na pag pinag-samasama yung mga binigay mong example ito yung pinaka katumbas nito na tao dahil sobrang di pa sya prepared bumili and bumenta sa market.

Kahit ano man ang estado sa buhay ay pwede ka sa bitcoin. Kailangan mo lang naman ito pag aralan lalo na sa trading. Ang price ng bitcoin ay pabago bago talaga. Hindi natin masasabi kung bababa ba o tataas ang value nito. Bumababa at tumaas ang value ng bitcoin dahil sa maraming factors. Isa na dito ang nga balita, hanggang sa panahon kasi ngayon marami pa talaga ang hindi naniniwala sa kakayahan ng bitcoin. Kapag masama ang balita na nakakarating sa mga tao ay siguradong bababa ang price nito. Tumaas naman ang value kapag maganda ang credibility nito at marami ang tumatangkilik. With that, one thing is for sure, ito ay ang hindi naman kailangan at kayang pigilan ang pagtaas at pagbaba ng prrsyo ng bitcoin at mga cryptocurrencies.

Ng sinabi ko ang salitang "well-educated" hindi ko tinutuko yung mga taong may pinag-aralan or may pinag-tapusan what I meant about this is yung mga taong handa talaga o may plano sa kanilan trades kasi ito yung mga tao na pwede kumita at makapag minimize ng talo. Of course literally anyone can enter any kind of asset market kahit wala kang pinag-aralan sa eskwelahan may mga ilang tao nga yumaman kahit hindi nakapagtapos sa highschool gamit ang stock market o crypto market ang difference lang dito is kahit hindi sila nakapag-tapos ay natuto naman sila kung paano mag-trade. Wala talaga yan sa estado ng buhay mo pero malaking bagay dito dapat alam mo ang ginagawa mo when it comes to trading.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS

Get Rich Mentality- Napapansin ko madalas lalo na sa mga beginner sa trading na kung saan pag ka bili ng bitcoin ang iniisip kaagad nila eh makakabili sila ng bahay at lupa kotse at iba iba pang material na bagay. Hinde dapat tayo ganun mag isip, dapat naka focus tayo sa process kaysa results. Walang shorcut sa trading kaya naman wag kayo umasa na magiging mayaman kayo sa madaling panahon.

This can be a fuel or motivation sa isang trader.  Wag lang basta mag-isip na yayaman at tatamarin na sa pag-aaral.  With a belief na ang trading ay pwedeng maging sasakyan patungo sa pag-yaman, aba hindi masama iyan.  Basically, if we think na ang isang bagay ay maari nating ikayaman, nagkakaroon tayo ng focus at pag-aaral tungkol dito.  This mentality to get rich, for me, is not wrong but idea of get rich quick is the wrong one.

Na bump ng sinundan kong post, and I find it interesting to reply or comment about one of the pointers na binigay ni OP.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"? Napansin ko kasi wala sa Pie Chart mo yung mga ganitong tao and palagay ko sila talaga yung mga pinaka natatamaan, sila yung mga tao na yung biglang pumutok yung Bitcoin akala nila pag-bili lang nito ay sapat na para kumita. Syempre dapat kung kasama sa 10% yung mga well-educated dapat kasama sa 90% yung mga trading without knowledge about trading. Pwede mo din masabi na pag pinag-samasama yung mga binigay mong example ito yung pinaka katumbas nito na tao dahil sobrang di pa sya prepared bumili and bumenta sa market.

Kahit ano man ang estado sa buhay ay pwede ka sa bitcoin. Kailangan mo lang naman ito pag aralan lalo na sa trading. Ang price ng bitcoin ay pabago bago talaga. Hindi natin masasabi kung bababa ba o tataas ang value nito. Bumababa at tumaas ang value ng bitcoin dahil sa maraming factors. Isa na dito ang nga balita, hanggang sa panahon kasi ngayon marami pa talaga ang hindi naniniwala sa kakayahan ng bitcoin. Kapag masama ang balita na nakakarating sa mga tao ay siguradong bababa ang price nito. Tumaas naman ang value kapag maganda ang credibility nito at marami ang tumatangkilik. With that, one thing is for sure, ito ay ang hindi naman kailangan at kayang pigilan ang pagtaas at pagbaba ng prrsyo ng bitcoin at mga cryptocurrencies.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Lack of Discipline- Madalas na nangyayare ang kawalan ng disiplina sa pagcucutloss, sa pag eexecute ng trade at sa pagbebenta. Dito madalas pumapasok yung pera na naging bato pa. For example bumili ka ng bitcoin sa halagang 200,000 php kada isa tapos sa plano mo na ibebenta mo to kapag 250,000 php ang isa. Tapos nangyare na pero hindi mo binenta kasi naging greedy ka tapos mayamaya nag dump at nagsisi ka. Madaming traders ang naluluge dahil sa kawalan ng disiplina.
Ang kawalan ng disiplina na mismo ang pinaka general na dahilan kung bakit maraming natatalo sa trading sa ating mga market. Pasok na dito ang lahat ng iyong nabanggit.
Gayang iyong inihalimbawa, dapat magkaroon tayo ng set kung kelan tayo bibili at magbebenta ng mga assets. Ito naman ay magbabago depende sa lagay ng asset na itosa market. Gayunpaman, paminsan minsan, ayos lamang na umasa pa na mas tataas ang presyo nito, ngunit sana ay mas maging mas realistic upang hindi maging bato ang dapat na pera na.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
Ako ang isang factor na sumasablay ako sa trade eh kapag may needs nababawasan ko ang fund ko dahil dito ko minsan kinukuha yung ibang needs sa bahay.
May point ka dyan, pero isipin na din natin na kita na natin yung ginagastos natin. Pambili at pambahay sa mga bills sa kuryente, tubig at iba pa. Ngunit factor din yun kasi dagdag na sa funds natin yun imbis na mas malaki yung magiging feedback after natin manalo sa trading kumpara sa mas mababang funds na ginamit natin sa trading.
Sa mga reason naman tungkol sa trading, napakalaking kakulangan kapag isa sa aspect tungkol sa trading nawala. Isa din sa factor yung maling pagset ng order kung kelan dapat. Kadalasan kasi kapag nakita bumaba agad buy agad tayo hindi natin alam may mas baba pa pala o tataas na.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Idagdag mo na rin siguro dito yung pagiging mabilis nating magtiwala sa mga pampublikong mukha na kumakampanya sa kung anu-anong investing schemes. Kung naaalala niyo yung mga lumutang na bitcoin investing/trading groups/schemes dito sa Pinas na umabot sa milyon ang na-scam, makikita niyo kung gaano kabilis magtiwala ng mga Pinoy, kahit pa yan mayaman o mahirap, basta pera ang pinag-uusapan. Kawalan ng pasensya marahil ang pinakamahina nating trait when it comes to trading. Dito nagba-branch out yung iba't ibang problema ng mga Pinoy kaya karamihan sa atin ay nalulugi o nauubos ang kapital. Kung may pasensya ang isang nangangarap/nagbabalak magtrade, dito na niya mahahanap yung tiyaga para magbasa ng reference, maghintay ng tamang time for execution at gumawa ng plano para hindi mabulilyaso ang kanyang pondo.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"?
Siguro dapat talagang kasama ito sa pie chart, kung titignan mo mabuti maraming ganitong traders bigla-bigla sasabak kahit walang kaalaman kaya anong mangyayari sa kanila edi malulugi. Gusto ko rin maging successful trader kaya ngayon ang focus ko yung mga knowledge muna matuto magbasa ng mga chart, yung magbasa ng candle stick pattern at marami pang iba dahil alam ko sobrang laki tulong nito kung gusto mo kumita at mabawasan yung mga losses mo.

Hindi mo nga sila matatawag na "traders" in the first place kasi nga nasa market lang sila na walang alam. Hindi porket nakasali ka na sa isang crypto exchange ay matatagurian ka na na trader. Madami pang steps na kailangan gawin para din masabi mo sa sarili mo na isa kang trader sa crypto market. Tama ka dyan na kung gusto ng mga newbie matuto ng trading kailangan nila mag-basa ng candlesticks pero sa tingin ko mas mainam kung technical analysis in general yung kanilang babasahin hindi lang puro chart patterns and candle formations kasi talagang kulang yun para malaman kung meron bang reversal and entry and exit points. Pwede din sila mag start sa mga technical analysis video or communities like tradingview.com para makita nila kung paano mag analayze ng charts yung mga totoong trader talaga.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Lack of Patience - Isa na sa katangian ng mga pinoy yan eh yung mayroon na maliit na pasensya, madaming ang traders ang nag fafail kasi masyado silang mainipin na kung saan pag bumili sila ng crypto gusto nila na tumaas kaagad yun.

Ito yung mga pinaka dahilan minsan kung bakit nalulugi yung ibang trader, inip na inip lagi tayo kumita ng pera at hindi naman natin ito matatanggi pero alam namin natin ngayon wala ng easy money kaya dapat matuto na tayong mag-antay lalo kung gusto natin kumita ng malaking pera. Totoo yan kabayan, pagkabili nila kala nila agad-agad silang kikita pero hindi talaga ganon sa mundo ng investment and trading kailangan mo talaga ito paglaanan ng panahon. Kung malaking pera talaga ang gusto mo kitain sa ganitong klaseng investment talagang kailangan mo ng mahabang pasensya at yung mga solid coins sa market sila yung mga suited for long term investment kaya wag tayo masyadong mainipin dapat.

Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"?
Siguro dapat talagang kasama ito sa pie chart, kung titignan mo mabuti maraming ganitong traders bigla-bigla sasabak kahit walang kaalaman kaya anong mangyayari sa kanila edi malulugi. Gusto ko rin maging successful trader kaya ngayon ang focus ko yung mga knowledge muna matuto magbasa ng mga chart, yung magbasa ng candle stick pattern at marami pang iba dahil alam ko sobrang laki tulong nito kung gusto mo kumita at mabawasan yung mga losses mo.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"? Napansin ko kasi wala sa Pie Chart mo yung mga ganitong tao and palagay ko sila talaga yung mga pinaka natatamaan, sila yung mga tao na yung biglang pumutok yung Bitcoin akala nila pag-bili lang nito ay sapat na para kumita. Syempre dapat kung kasama sa 10% yung mga well-educated dapat kasama sa 90% yung mga trading without knowledge about trading. Pwede mo din masabi na pag pinag-samasama yung mga binigay mong example ito yung pinaka katumbas nito na tao dahil sobrang di pa sya prepared bumili and bumenta sa market.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

Lack of Patience - Isa na sa katangian ng mga pinoy yan eh yung mayroon na maliit na pasensya, madaming ang traders ang nag fafail kasi masyado silang mainipin na kung saan pag bumili sila ng crypto gusto nila na tumaas kaagad yun.
Ever since ay wala talaga ako nito.
Nagmamadali masyado per hindi naman ako "get rich mentality". Sadyang mabilis ma-excite sa profit at kabado matalo.  Grin

Lack of Discipline- Madalas na nangyayare ang kawalan ng disiplina sa pagcucutloss, sa pag eexecute ng trade at sa pagbebenta. Dito madalas pumapasok yung pera na naging bato pa. For example bumili ka ng bitcoin sa halagang 200,000 php kada isa tapos sa plano mo na ibebenta mo to kapag 250,000 php ang isa. Tapos nangyare na pero hindi mo binenta kasi naging greedy ka tapos mayamaya nag dump at nagsisi ka. Madaming traders ang naluluge dahil sa kawalan ng disiplina.
Dahil nga wala din pasensya tulad nung una ay nawawalan na din ng disiplina. Nag-jot down ng kung kelan lang magbenta or nag base sa order pero nung nakita may kaunting profit ay binenta na.

Lack of emotional control - Kala ng iba na sa trading walang halong emotion, impossible po yun especially sa mga baguhan. Ang mga decisions natin ay mostly nakabase sa ating emotions. Kaya dapat nasa positive na emotions tayo kapag nagtratrade.

Landslide na.
Walang pasensya, walang disiplina. So eto na yung huli. Kabado ka at excited kasi.
Mahirap kontrolin talaga ito sa lahat. Hindi naman kasi tayo robot.
Minsan naman tumatama din ang instinct.

I always think of myself as a newbie when it comes to trading kahit matagal ng ginagawa.
I just want to learn more. Hindi naman masama yun.
Ang experience na ang magtuturo sayo ng mga kamalian mo.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Isa din sa mga rason kung bakit marami ang nag ququit at nahihirapan na ang resulta ay pagkalugi sa pag tatrade is sobrang konpyansa na madali lang ma intindihan at matutunan kaya pag magkamali ay nagpapanic selling agad.
Kaya siguro totoo nga na di para sa lahat kasi iilan lang kaya mag effort at magtiis matuto nito. Ako rin ganito dati pero natuto na ako sa mga pagkakamali ko kaya nag pupursigi ako matuto from scratc ulit.

maski mga old trader's minsan talaga nalulugu din . For example nlang last week ung biglang dump ng presyo hindi naman un inaasahan ng mga trader's kaya possible na marami sa knila ung nalugi nung time nayun.

Pero sa iba ung time nayun nagiging opportunity din para kumita kasi masiyadong magalaw ang market pag biglang bagsak na ganun at ung time nayun marami nag bubuy agad kasi alam nila na tataas agad at presyo at pang samantala lang yung pag bagsak.

Yun lang talaga may mga unexpected things talaga na nangyayari sa market dahil kahit anong galing mopa matatalo kaparin bigla pero ang maganda sa mga well experience trader is may risk management sila at marunong mag cut lose kaya nababawi din nila ung mga talo nila at kumita pa ng malaki dahil nakabili sila ng mura at nakabenta nung bumolosok ang presyo, kumpara sa mga newbie na kung makakita lang ng biglang pula e matatakot agad at magbenta ng hindi gumagawa ng counter action kaya ayon ang resulta talo.
hero member
Activity: 1302
Merit: 577
avatar and signature space for rent !!!
Isa din sa mga rason kung bakit marami ang nag ququit at nahihirapan na ang resulta ay pagkalugi sa pag tatrade is sobrang konpyansa na madali lang ma intindihan at matutunan kaya pag magkamali ay nagpapanic selling agad.
Kaya siguro totoo nga na di para sa lahat kasi iilan lang kaya mag effort at magtiis matuto nito. Ako rin ganito dati pero natuto na ako sa mga pagkakamali ko kaya nag pupursigi ako matuto from scratc ulit.

maski mga old trader's minsan talaga nalulugu din . For example nlang last week ung biglang dump ng presyo hindi naman un inaasahan ng mga trader's kaya possible na marami sa knila ung nalugi nung time nayun.

Pero sa iba ung time nayun nagiging opportunity din para kumita kasi masiyadong magalaw ang market pag biglang bagsak na ganun at ung time nayun marami nag bubuy agad kasi alam nila na tataas agad at presyo at pang samantala lang yung pag bagsak.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
Isa din sa mga rason kung bakit marami ang nag ququit at nahihirapan na ang resulta ay pagkalugi sa pag tatrade is sobrang konpyansa na madali lang ma intindihan at matutunan kaya pag magkamali ay nagpapanic selling agad.
Kaya siguro totoo nga na di para sa lahat kasi iilan lang kaya mag effort at magtiis matuto nito. Ako rin ganito dati pero natuto na ako sa mga pagkakamali ko kaya nag pupursigi ako matuto from scratc ulit.
full member
Activity: 658
Merit: 126
Bukod sa mahabang oras na ilalaan, dahil hindi naman mabilisan ang pagiging mahusay at successful trader. Laging sinasabi na may tatlong pinakamahalagang kailangan para magtagumpay sa trading--- Knowledge, experience, at effort.

Knowledge
- Dapat aralin nila ung market ng buo. Magbasa nang magbasa. Alamin kung paano tinitignan ang chart, dapat marunong mag analyze, mag-minimize ng investment risk at magmaximize ng profit, and so on. Ang knowledge syempre ina-apply ng tama.

Experience- lagi at lagi mong pahahalagahan at pag-aaralan ang mga experience mo. Doon ka matututo at mas magiging mahusay.

Effort - at syempre dapat mong paglaanan ng oras ang lahat. Pasok na dito 'yung mga commitment at hardwork na matuto, mag-hold, hindi maging mainipin. Ang willingness na paghirapan ang lahat para maabot ang trading goals.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Is this on your own research and opinion OP? If the former answer is yes can you provide some links and if the latter I appreciate the diligence to brought it up. Kung base ito sa research I think most of those na nasa 10% ay they are rather the full time trader or talagang may alam sa mundo ng trading because most of it fall on that criteria especially yung skills and brain nila talaga rito.

Dito sa lack of emotional control is mostly newbie falls kasi pagkakakits palang ng red benta na agad kasi ayaw malugi and I admit that happened in me in the past, really noob thing.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Kung masusunod natin ang basic rules sa pag trade siguro mababawasan yung mga traders na nalugi dahil sa maling desisyon.

Dapat kasi alam natin yung mga dapat gawin para maiwasan yung mga usual mistakes ng isang trader. Sakin ang masasabi kong problema ko kaya nalugi eh dahil sa kulang sa pasensya at dahil na rin sa greed.

Nung una kasi akala ko madali mag trade pero hindi pala, kailangan talaga may sinusunod na plano at strategy.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
dito ako sa trading without plan hindi ko ma kuha. ako kasi pag kabili ko at alam kung kikita na sinesell kona. paki enlightened naman ts kung anong plan ang gusto mong ipaabot para naman may maidagdag sa kaalaman sa pag ttrade.
Siguro yung pagkakaroon ng target price to sell at yung cutting price mo. May mga trader kase na basta basta nalang bibili at magtrade pero nagpapanic kaagad especially kapag pabagsak yung market. Maraming reason actually and mostly dahil naman ito sa kapabayaan ng mga trader kaya make sure na may sapat na kaalaman sa trading.
Pag nagset ka ng target dapat according sa pagkakaintindi mo madalas kasi yung mga traders na walang sapat na basehan nadadala sa panic selling once na bumagsak bigla yung value ng mga assets nila, dapat pakatatandaan mo na kaya mo nilagay ung target eh kasi ayon yun sa paniniwala mo na aabutin nun ang value. kaya kahit bumaba man dapat napaghandaan mo ung paghohold.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
Aaminin kong meron din akong lack issues sa way of trading ko. Nakakalimutan kong mag set ng stop loss at nagiging greedy ako sa profit kaya minsan ay fail ang trades ko. Minsan din ay nadadala ako sa hype sa pag entry or nagmamadali sa pag entry. Which is hindi dapat dahil meron tayong tinatawag na good entry point sa mga indicators na ginagamit natin.
 
 Well, malaking bagay ang mistakes at experience natin para matuto at malaman natin kung saan tayo nagkamali para maituwid natin ito sa next na trading natin. Hindi madali ang trading, charge to experience yan. Pero sabi nga nila kung may tyaga, may nilaga. Let's gain more knowledge at tools na sa tingin natin ay makakatulong sa trading natin.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino

Jump to: