Pages:
Author

Topic: Reasons kung bakit naluluge ang maraming trader sa cryptocurrency market - page 6. (Read 1552 times)

hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
LACK of EMOTIONAL CONTROL - Ito yung pinaka-salarin para sakin kung bakit naluluge ang isang trader, cryptocurrency man or kahit anong market. Pag biglang bumagsak ang market, todo panic kagad at benta lahat ng palugi. Pag naman sobrang lumilipad naman ang hawak kong portfolio, super duper happy naman ako tapos hindi ko na namamalayan na hindi pala ako nakapag-take ng profit until makita na bumagsak na ulit yung price nito. Both scenarios, luge sa huli yung trader dahil sobrang "emotionally attached" niya sa trading at sa mga hawak niyang coins.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
dito ako sa trading without plan hindi ko ma kuha. ako kasi pag kabili ko at alam kung kikita na sinesell kona. paki enlightened naman ts kung anong plan ang gusto mong ipaabot para naman may maidagdag sa kaalaman sa pag ttrade.
sr. member
Activity: 1470
Merit: 359
Aware ba kayo na 10% lang ng mga traders sa cryptocurrency market ang profitable na kung saan consistent silang kumikita sa market? Ito yung mga taong wel educated na kung saan sinusunod nila ng mabuti ang kanilang trading system. Sila din yung mga taong may patience, good risk management pati na din may displina pag dating sa trading.


                                                 

Pag usapan natin kung bakit ba 90% ng mga traders ay naluluge, ano ano nga ba ang mga factors na nakakaapekto
Financial Literacy-  Simple lang madami kasi saatin ang hinde marunong mag manage ng pera. Pag dating nga lang sa work (para sa mga nagtratrabaho) o kaya naman sa school ( for students) sobrang magastos na kung saan hindi na mamanage ng maayos paano pa kaya sa trading? madaming bagsak dito pagdating sa financial literacy.

Lack of Patience - Isa na sa katangian ng mga pinoy yan eh yung mayroon na maliit na pasensya, madaming ang traders ang nag fafail kasi masyado silang mainipin na kung saan pag bumili sila ng crypto gusto nila na tumaas kaagad yun.

Get Rich Mentality- Napapansin ko madalas lalo na sa mga beginner sa trading na kung saan pag ka bili ng bitcoin ang iniisip kaagad nila eh makakabili sila ng bahay at lupa kotse at iba iba pang material na bagay. Hinde dapat tayo ganun mag isip, dapat naka focus tayo sa process kaysa results. Walang shorcut sa trading kaya naman wag kayo umasa na magiging mayaman kayo sa madaling panahon.

No risk management- Masyado kasing malawak ang risk management pero mag focus tayo sa position size dito kasi is all about. Ano ibig sabihin nun? ito yung allocation mo o position mo sa isang cryptocurrency. Dapat kasi may diversification na kung saan wag tayo mag all in sa isang coin. For example may 100,000 kang php, pinambili mo lahat yun ng bitcoin tas wala ka pang stop loss tapos biglang nag dump edi sunog port mo nun baka di ka makatulog nun. Kaya dapat alam natin kung gaano pa kadami ang dapat nating ilagay sa isang cryptocurrency na ating bibilhin.

Trading without plan- madami ang tatamaan dito for sure kasi madami dito ang nag fofomo, ako din naging biktima na din ako ng fomo na kung saan pumapasok ako sa isang trade ng walang plan. Ang plan kasi ay napakahalaga niyan, gaano kahalaga? Icompare natin yan sa isang gera? Paano kayo mananalo kung wala kayong plano. Ganun din sa trading paano kayo kikita kung wala kayong plano, sa plan naka plaoob dito yung mga different scenario na dapat niyong paghandaan. Majority ng mga traders ay naluluge dahil nag fofomo sila

Lack of Discipline- Madalas na nangyayare ang kawalan ng disiplina sa pagcucutloss, sa pag eexecute ng trade at sa pagbebenta. Dito madalas pumapasok yung pera na naging bato pa. For example bumili ka ng bitcoin sa halagang 200,000 php kada isa tapos sa plano mo na ibebenta mo to kapag 250,000 php ang isa. Tapos nangyare na pero hindi mo binenta kasi naging greedy ka tapos mayamaya nag dump at nagsisi ka. Madaming traders ang naluluge dahil sa kawalan ng disiplina.

Lack of emotional control - Kala ng iba na sa trading walang halong emotion, impossible po yun especially sa mga baguhan. Ang mga decisions natin ay mostly nakabase sa ating emotions. Kaya dapat nasa positive na emotions tayo kapag nagtratrade.
Pages:
Jump to: