Pages:
Author

Topic: [Renew] Merit, Activity, & Ranking Tips (Discussion) - page 3. (Read 1172 times)

legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Marahil ang iba sa inyo'y alam na ang kalakaran, marahil din ang iba sa inyo ay walang pakialam, at mas lalong marahil ang iba sa inyo ay nagbabasa lang.

Para sa akin, maituturing kong effective ang aking ibabahagi sapagkat ang patunay ay nasa inyo ng harapan, ako'y nagsimula bilang isang newbie na may 0 Merits. At kung makikita nyo ay full member na ako.

Kalimitan sa atin ay narito lang para sa pera, at hindi sa teknolohiya. Kung kaya naman kung nais nyo talagang kumita ng sapat at makaramdam ng ahon, isaisip ang aking sasabihin.

-Ang Merit ay ginawang bakod para sa mga spammers, kung kaya kung ayaw mong maabilang sa kanila eto ang dapat gawin.

1. Hanggat makakaya at habang maaga pa, tigilan na ang katakot takot na Social Media Campaigns. Dahil sa totoo lang mas malaki pa ang sasahurin nyo kung kayoy magtatrabho sa realidad. O kaya naman mag tsaga na lang sa mga Signature Campaigns.tama naman kasi sila forum ito hindi business area.

2. Iwasan ang SMT (Spam Mega Threads), kung mapapansin nyo karamihan ng pinoy na nandito ay doon nagpopost? Basura na kung maituturing ang inyong post dahil sa dami ng sagot na nailathala, umabot na ng 10 pages ang sagot dadagdagan mo pa? Astig!

Magpost po kayo kung saan mapapansin ang sinasabi nyo, hindi yung sa SMT tapos magrereklamo na hindi naman napapansin post nyo at hindi nabibigyan ng Merit, so sinong may kasalanan kung bakit hindi nabibigayan?

3. Ok lang naman kung tutuusin mag post sa Alt Section, Beginners and Help at sa kung saan pang madlas ang spam, pero dapat nyo talagang sundin ang TIP NO. 2.

4. Lawakan ang pag iisip, kung muhka kang pera mas dapat mong gawin ang sinasabi at pinapayo ko. Rank Up and Aim High. Kung hindi magaling sa Ingles, ayos lang yun, pero ang tanong hangang dyan ka na lang ba? AIM HIGH.

5. Meron tayong kaibigan na maasahan para makatulong sa pagpopost, at yan ay si GOOGLE, napaka friendly nyan, may translation na may video ka pa. Maraming tutorials ika nga.

6. Kung puro ka bounty, at hindi mo din naman halos alintana ang sasahurin mo eh bakit ka pa nagsasayang ng panahon? Bakit hindi na lang ung Merit ang pansinin mo at isipin kung pano ito makukuha?

7. Isang makatotohanang balita para sa lahat, Ang Merit ay isa lang bakod, ang sabi ni theymos ay igawad ito sa mga post na kapaki pakinabang. Ngunit sa makatotohanan ang Merit ay maaring maibigay o maigawad sa iyo kung ang iyong mga sinabi ay sinang ayunan ng mag bibigay. (Pero hindi madalas)

8. Iwasan ang Single o Double Liner posts, hanggat maaari lawakan ang isipan kung papaano maipapahayag ito ng matiwasay kahit mejo mahaba.

9. Matutong gumamit ng mga punctuation marks.?! () ',.

10. Wag nating sanayin na puro oo, tama ka, sang ayon ako, agree, etc ang panimula nyo sa mga post. Like what I've said, palawakin ang isipan.

11. Makitsismis sa ibat ibang section, Bakit? SYEMPRE, PARA MATUTO!

12. Pag inalipusta ka, pag inapi ka, pag kinutya ka, tanggapin mo, tawanan mo. Hindi yung palaban ka at ilalabas ang pride. Hindi yun kailangan dito. Dahil iba ibang tao ang nandito kaya dapat mag adjust ka.

13. Kung may nakita ka share mo, TSISMOSO TAYO DI BA? para maging updated ang iba.

14. Kung may mga pakontest sa ibang section wag mahiya go lang ng go. Para sa inyo din naman yan para magbuild up kayo.

15. Wag mag reply sa thread na napakatagal nang nadiscuss. Dont Bump on The Old Topics.

16. Kung kayo ay magbibigay ng feedback sa isang thread, ito ang dapat gawin: A. kung ang rereplayan ay ang OP, wag na itong i-quote pindutin lamang ang reply. B. kung ang rereplayan ay ang isang comment sa isang thread, yun ang oras kung saan gagamitin ang Quote. At kung mahaba naman ang nakalagay sa quote, dapat gumamit ng -snip

At ayon naman sa mga accounts, pagdating sa RED TRUST, kung ikaw ay napatawan makitungo ng maayos, magtanong ng maayos, kahit barahin ka chill pa rin dapat.
Ang mga DT, nagbibigay din ng tsansa yan upang matanggal yun, maliban kay Lauda. Smiley

Iwasan ang Kulto ng mga Pusa, Engage at your own risk. Wag tumulad kay cryptohunter.

Last But Not The Least, AIM nyo Merits wag bounty, why? with the helps of this mag rarank ka, pag nag rank ka makikilala ka as good citizen ng forum, pag nakilala ka more chances of winning. more higher rates on campaigns.

Mga kababayan ko, sa totoo lang hindi ko kayang ipagmalaki ang pinas bukod sa mga tanawin natin. Napaka dami nating butas sa totoo lang. Ekonomiya, edukasyon, pamilya, sahod, trabaho, krimen, kurakot, teknolohiya, pagiisip, paguugali.

PS. Because of my achievement I have so many sMerits to spend. May mga nais na din tumulong. Help yourselves.
Hindi po ako madamot, may sarili lang akong criteria kung paano ako magbigay at sa pagkakaalam ko yung ang tama. At ibinigay ko na ang tips kung paano nyo ito makukuha.

No Offense Pero Totoo Lahat Ng Sinabi Ko
#MeritBrokeMyLife
Pages:
Jump to: