Pages:
Author

Topic: [Renew] Merit, Activity, & Ranking Tips (Discussion) (Read 1162 times)

sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
minsan kasi pag nag hahabol tayo nang quota hindi na namamalayan na off topic na tayo.
Walang kailangan habulin na quota kung talagang gusto nating makatulong sa forum pero tama ka minsan may mga pagkakataong kinakapos tayo ng oras dahils a dami ng obligasyon  sa buhay kaya hindi maiiwasang malihis sa topic pero hindi sa lahat ng pagkakataon dahil pag nagkaganon eh wala na tayong pinagkaiba sa mga nandito lang para sa campaigns.

This should always be on the first page.

Goodluck!

Loving you,
cabalism13

always be in First Page Boss.

sr. member
Activity: 763
Merit: 252
napakaganda nang sinabi mo op malamang maraming namulat doon sa sinabi halos solid lahat at inaamin ko din isa din tayo sa mga tinamaan.. minsan kasi pag nag hahabol tayo nang quota hindi na namamalayan na off topic na tayo. hindi lang para sa mga biggener to kundi para to sa lahat na paalala. salamat sir napa wow talaga ako doon.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
hero member
Activity: 1666
Merit: 453
Quote
4. Lawakan ang pag iisip, kung muhka kang pera mas dapat mong gawin ang sinasabi at pinapayo ko. Rank Up and Aim High. Kung hindi magaling sa Ingles, ayos lang yun, pero ang tanong hangang dyan ka na lang ba? AIM HIGH.


Hindi hadlang ang kakulangan sa kaalaman sa wikang Ingles, maari tayong mag focus sa wikang atin, at matagal ko itong nakalimutan at nagfocus sa english sections.
Di ko rin naman kinakalumutan na magbasa at sumulat paminsan-minsan doon, nais ko parin na maging mas produktibo at matuto pa ng Ingles at maging bihasa balang araw.
 

Quote
6. Kung puro ka bounty, at hindi mo din naman halos alintana ang sasahurin mo eh bakit ka pa nagsasayang ng panahon? Bakit hindi na lang ung Merit ang pansinin mo at isipin kung pano ito makukuha?

7. Isang makatotohanang balita para sa lahat, Ang Merit ay isa lang bakod, ang sabi ni theymos ay igawad ito sa mga post na kapaki pakinabang. Ngunit sa makatotohanan ang Merit ay maaring maibigay o maigawad sa iyo kung ang iyong mga sinabi ay sinang ayunan ng mag bibigay. (Pero hindi madalas)

8. Iwasan ang Single o Double Liner posts, hanggat maaari lawakan ang isipan kung papaano maipapahayag ito ng matiwasay kahit mejo mahaba.

Iilan lamang ang maayos na bounty sa ngayon at marami talagang di mapapakinabang at minsan ay scam pa,
Malaking hadlang talaga ang Merit system na pinatupad ni theymos at aaminin ko naawalan na ako ng pag-asa sa pag angat pa ng aking ranggo. pero sa pananatili ko dito sa lokal na seksyon natin sa wikang atin talaga ay napagtanto ko na maaring umusad at maaaring mangarap parin at maisasakatuparan ito sa takdang panahon. tsaga lamang at maging mapanaliksik pa sa mahahalagang impormasyon na maaari nating maibahagi.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Itaas ang bandera para sa mga muhkang pera!
Up for building your profiles!
Proof: Just Look In My Account
I am now a Hero Member, Merit Source and a DT1 (Thanks for everybody's Trust)
Utang na Loob ko din sa karamihan na active dito sa lokal ang aking account. Kung kaya magsumikap at makipagtulungan. Enough with shitposts.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May nababasa akong usapan tungkol sa merit sa local telegram community kaya naisip ko na magandang mabasa ulit ito ng mga kasamahan natin na nagnanais makatanggap ng merit at mag-rank up.

Maliban sa mga gabay na nilathala sa OP, baka makatulong din sa inyo ang mga karanasan ng mga Pinoy na naka-rank up na. Narito ang kanilang istorya:


The above list came from @tranthidung Inspirational stories from self-made promoted users You can also visit that if you want to read more success stories.


hero member
Activity: 1092
Merit: 500
Marahil ang iba sa inyo'y alam na ang kalakaran, marahil din ang iba sa inyo ay walang pakialam, at mas lalong marahil ang iba sa inyo ay nagbabasa lang.

Para sa akin, maituturing kong effective ang aking ibabahagi sapagkat ang patunay ay nasa inyo ng harapan, ako'y nagsimula bilang isang newbie na may 0 Merits. At kung makikita nyo ay full member na ako.

Kalimitan sa atin ay narito lang para sa pera, at hindi sa teknolohiya. Kung kaya naman kung nais nyo talagang kumita ng sapat at makaramdam ng ahon, isaisip ang aking sasabihin.

-Ang Merit ay ginawang bakod para sa mga spammers, kung kaya kung ayaw mong maabilang sa kanila eto ang dapat gawin.

1. Hanggat makakaya at habang maaga pa, tigilan na ang katakot takot na Social Media Campaigns. Dahil sa totoo lang mas malaki pa ang sasahurin nyo kung kayoy magtatrabho sa realidad. O kaya naman mag tsaga na lang sa mga Signature Campaigns.tama naman kasi sila forum ito hindi business area.

2. Iwasan ang SMT (Spam Mega Threads), kung mapapansin nyo karamihan ng pinoy na nandito ay doon nagpopost? Basura na kung maituturing ang inyong post dahil sa dami ng sagot na nailathala, umabot na ng 10 pages ang sagot dadagdagan mo pa? Astig!

Magpost po kayo kung saan mapapansin ang sinasabi nyo, hindi yung sa SMT tapos magrereklamo na hindi naman napapansin post nyo at hindi nabibigyan ng Merit, so sinong may kasalanan kung bakit hindi nabibigayan?

3. Ok lang naman kung tutuusin mag post sa Alt Section, Beginners and Help at sa kung saan pang madlas ang spam, pero dapat nyo talagang sundin ang TIP NO. 2.

4. Lawakan ang pag iisip, kung muhka kang pera mas dapat mong gawin ang sinasabi at pinapayo ko. Rank Up and Aim High. Kung hindi magaling sa Ingles, ayos lang yun, pero ang tanong hangang dyan ka na lang ba? AIM HIGH.

5. Meron tayong kaibigan na maasahan para makatulong sa pagpopost, at yan ay si GOOGLE, napaka friendly nyan, may translation na may video ka pa. Maraming tutorials ika nga.

6. Kung puro ka bounty, at hindi mo din naman halos alintana ang sasahurin mo eh bakit ka pa nagsasayang ng panahon? Bakit hindi na lang ung Merit ang pansinin mo at isipin kung pano ito makukuha?

7. Isang makatotohanang balita para sa lahat, Ang Merit ay isa lang bakod, ang sabi ni theymos ay igawad ito sa mga post na kapaki pakinabang. Ngunit sa makatotohanan ang Merit ay maaring maibigay o maigawad sa iyo kung ang iyong mga sinabi ay sinang ayunan ng mag bibigay. (Pero hindi madalas)

8. Iwasan ang Single o Double Liner posts, hanggat maaari lawakan ang isipan kung papaano maipapahayag ito ng matiwasay kahit mejo mahaba.

9. Matutong gumamit ng mga punctuation marks.?! () ',.

10. Wag nating sanayin na puro oo, tama ka, sang ayon ako, agree, etc ang panimula nyo sa mga post. Like what I've said, palawakin ang isipan.

11. Makitsismis sa ibat ibang section, Bakit? SYEMPRE, PARA MATUTO!

12. Pag inalipusta ka, pag inapi ka, pag kinutya ka, tanggapin mo, tawanan mo. Hindi yung palaban ka at ilalabas ang pride. Hindi yun kailangan dito. Dahil iba ibang tao ang nandito kaya dapat mag adjust ka.

13. Kung may nakita ka share mo, TSISMOSO TAYO DI BA? para maging updated ang iba.

14. Kung may mga pakontest sa ibang section wag mahiya go lang ng go. Para sa inyo din naman yan para magbuild up kayo.

15. Wag mag reply sa thread na napakatagal nang nadiscuss. Dont Bump on The Old Topics.

16. Kung kayo ay magbibigay ng feedback sa isang thread, ito ang dapat gawin: A. kung ang rereplayan ay ang OP, wag na itong i-quote pindutin lamang ang reply. B. kung ang rereplayan ay ang isang comment sa isang thread, yun ang oras kung saan gagamitin ang Quote. At kung mahaba naman ang nakalagay sa quote, dapat gumamit ng -snip

At ayon naman sa mga accounts, pagdating sa RED TRUST, kung ikaw ay napatawan makitungo ng maayos, magtanong ng maayos, kahit barahin ka chill pa rin dapat.
Ang mga DT, nagbibigay din ng tsansa yan upang matanggal yun, maliban kay Lauda. Smiley

Iwasan ang Kulto ng mga Pusa, Engage at your own risk. Wag tumulad kay cryptohunter.

Last But Not The Least, AIM nyo Merits wag bounty, why? with the helps of this mag rarank ka, pag nag rank ka makikilala ka as good citizen ng forum, pag nakilala ka more chances of winning. more higher rates on campaigns.

Mga kababayan ko, sa totoo lang hindi ko kayang ipagmalaki ang pinas bukod sa mga tanawin natin. Napaka dami nating butas sa totoo lang. Ekonomiya, edukasyon, pamilya, sahod, trabaho, krimen, kurakot, teknolohiya, pagiisip, paguugali.

PS. Because of my achievement I have so many sMerits to spend. May mga nais na din tumulong. Help yourselves.
Hindi po ako madamot, may sarili lang akong criteria kung paano ako magbigay at sa pagkakaalam ko yung ang tama. At ibinigay ko na ang tips kung paano nyo ito makukuha.

No Offense Pero Totoo Lahat Ng Sinabi Ko
#MeritBrokeMyLife


Habang binabasa ko ang ginawa mo na paksang ito, sumagi sa isipan ko na ang galing mo. Isipin mo itong last January lang Full member ka tapos ngayon eto at Hero member kana, bibihira ang katulad mo dito. At wala din naman akong hindi sinasangayunan sa mga sinabi mo lahat ay tama, saludo ako sayo. Pagpatuloy mo kung ano ang iyong nasimulan dito at pagbigay ng mga tips sa mga wala pang gaanong kaalaman dito sa forum na ito. Kahit ako meron akong natutunan sayo kapatid, pagpalain kapa lalo ng Dios Smiley
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Minsan kahit alam natin na wala ng halaga kailangan pa din nating ipagpatuloy, dahil malay natin isang araw magkaroon na ito ng halaga. Tulad na lang nitong aking nilikha, bagamat matagal at lipas na nanatiling matatag para lang sa iba. Hindi porke hindi nila napapansin ay marapat ng itong pabagsakin, tsaga lang kaibigan tayo'y giginhawa rin.
hero member
Activity: 1246
Merit: 588
I just want to clarify since bilang mas matanda ako ng kaunti sa forum na ito. Sa #8 na Tip that  you have stated, is actually very subjective since being here for quite awhile natutunan ko na hindi lahat ng long post mataas ang kalidad. Sometimes being precised and stating on point is much better than a forest type of post in which wala naman tlagang bigat sa kalidad.

At again I personally don't think na a person should post just to earn merit because obviously medyo annoying then minsan yung mga users na nag popost lamang ng mga datos kahit na paulit ulit lng subalit nakaka received parin ng merits. What I am trying to say is that if mag post ka kahit papano your main objective parin always is the contribution mo sa said topic na maaring ma basa ng mga susunod na hinirasyon at matuto rito, yun lamang at salamat sa tips
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Salamat sa mga payo mo kapatid, ang post mong ito ang malaki ang maitutulong nito sa aming mga lower rank palang na gustong umangat. Dapat ka ngang tuluran kasi from lower rank ay umangat ka sa ganyang rangko at alam ko na marami karing pinagdaanan at pagtitiis para makamit mo ang rangko ito. Sa mga susunod pa na araw o buwan ay mag rarank up kananaman sigurado ako dyan. Masaya ako dahil sa pamamagitan mo ay minsan pang napatunayan na hindi basta basta ang mga pilipino na kaya niyang umangat sa pamamagitan ng pagtitiis at pagsisikap.

Goodluck kapatid malayo pa ang iyong mararating balang araw ay nakahanay kana sa mga campaign manager na pinagkakatiwalan dito.

Muli, salamat ulit pala sa mga payo mong ito.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
This should always be on the first page.

Why? This is said to be very effective.
Proof? Look at my Profile.

Goodluck!

Loving you,
cabalism13
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Tagal ko na gustong lagyan ng merit eh kasi quality at nakatulong din sakin para magconstruct ng isang quality post. Pero limitado lang smerit ko brother, kaya nailalagay ko lang na satingin ko ay quality post talaga. Pagpalain ka ng Maykapal dahil sa iyong husay at determinasyon na magbahagi ng kaalaman sa amin.

Just made a quick revuew on your account,and some of your posts has somewhat impressed me. And the last topic you started is quite amusing, just awarded you a few as I see them worthy enough.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Tagal ko na gustong lagyan ng merit eh kasi quality at nakatulong din sakin para magconstruct ng isang quality post. Pero limitado lang smerit ko brother, kaya nailalagay ko lang na satingin ko ay quality post talaga. Pagpalain ka ng Maykapal dahil sa iyong husay at determinasyon na magbahagi ng kaalaman sa amin.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
sana maraming pang blessings ang dumating sayo.
Still hoping. Pero hindi dadati g yung without effort na kasama Smiley

Para sa mga katulad ko na hinde na makaahon sa rank, wag tayon mawalan ng pagasa konting tyaga at sipag lang.
Aahon kayo tiwala lang, just stay being active, join the discussion, but not just join try to give and take some knowledge. As long as na may makabuluhan kayong naikokontribyut sa forum ay hindi imposible ang lahat. Tulad ko, kung kaya naman tuloy lang ako hangang sa maabot ko yung achievement ko dito.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Hinde na madali magparank ngayon pero naniniwala naman ako na kapag ginalingan naten dito sa forum eh for sure maabot din naten ang goal mo.
Bilib ako sayo @camalism13 kase super helpful mo and you're a good inspiration para sa amin. Keep up the good job and sana maraming pang blessings ang dumating sayo.
Para sa mga katulad ko na hinde na makaahon sa rank, wag tayon mawalan ng pagasa konting tyaga at sipag lang.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Napakadalas ko mag-post sa Altcoins Discussion Board at totoo nga maliit lang ang tyansa na makakuha ka ng merit sa section na yun. Hanggang sa ngayon, dalawang merit lang yata natanggap ko dun. Sa mga very active sa social media bounties kagaya ko, isa ding paraan para lumaki yung tyansa na makakuha ng merit ay mag-gugol ng panahon para tumulong sa forum. Marami nagpapatulong beginners and help, pwede magpost ng mga guides. Pwede din tumulong sa paglilinis sa forum sa pamamagitan ng pag-report ng mga multi-account bounty cheaters (medyo maraming oras nga lang kailangan igugol dito). Maaring hindi ka makatanggap ng merits pero ayos lang, nakatulong ka naman.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Sa mga nagbabalik loob sa ating lokal, naway sana ay wag nyong gawin ang anu mang bagay na hindi angkop dito na kalimitan nyong nagagawa o ginagawa sa mga SMTs.

At sanay maging gabay ang angking mga isinulat sapagkat itoy nagbigay patunay na ito ay epektibo at narapat na pagyamanin at tangkilikin upang lahat tayo ay umunlad. Marami ang madadagdag sa ating lokal kung kaya nais kong ibahagi ang lahat ng aking nalalaman maging ang bawat isa sa atin ay sana'y makapag bigay ng kani-kanilang ideya na kapaki pakinabang sa iba.

Maraming Salamat, at sanay maging aktibo ang bawat isa.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
-snip
I guess that is too much for a praise. I don't have the abilities and skills to share here, all was learned from here. I just killed my time reading some posts back then and it caught my attention for a while, actually a big thanks for the campaigns that I have joined, with that I was enforced to do an activity and somewhat learn new things everyday from the higher ups.

But now, I can say its different. I somewhat found the connection between me and the forum, back then I don't care about our board and now, I love it just like the others and I want it to be alive.

I want the other users to find their connections between themselves and the forum itself. With that, there will be no hindrances on ranking and building their profiles here.

I still lack knowledge about crypto especially on mining. So I still consider myself as a newbie in this industry.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Isa ka sa mga magandang ehemplo sa ating mga kababayan pati na rin sa iba na huwag mawalan ng pag asa kapag sila ay isa lamang newbie o mababa ang rnak dito sa forum dahil napatunayan mo hindi hadlang ang new system dahil kaya mong magrank dahil may ability ka at may skills ka, kaya nagustuhan ka ng karamihan na nakatulong sa iyo para magrank up magandang simula ito.
full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
Another one para mas tumaas ang merits is if you have pictures to show and interpret on what you are stating feel free to use that feature in this forum.
Code:
[img][/img]

Ilalagay nyo lang sa gitna nung code ng img yung link sa image to get the result. Mostly kase nang nakikita ko ditto sa forum, nabibigyan ng merits yung mga nagpopost ng image eh. If you are using imgur.com, much better since pag kinclick mo yung get shared links may makikita ka dun na BB code for forums kahit copy paste mo na lang yun without using the code. Eto yung example.
Kunware eto yung picture mo:

Hover nyo dun sa picture may magpopop up na link ng picture copy and yung may drop down list. Hover nyo dun sa drop down list and then may makikita kayong get shared links.


Then copy nyo yung BBcode for forums.


Then paste sa mismong text box ng forum while posting, then you're good to go!
Pages:
Jump to: