Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Yan ang dahilan kung bakit 1 taong mahigit na di ko na ginagamit yang coinsph, fully verified na ang account ko sa kanila for how many years, tapos bigla nilang ililimit transaction ko dahil lang dyan sa bago nilang requirements, ano pa ba ang hihingin nila eh passport, driver license ko naipasa ko na sa kanila, tapos hihingan pa ako ng video ng sarili ko, kaya nga tayo gumagamit ng crypto dahil gusto natin ng anonymity at privacy tapos ibabalandra nila mga mukha natin sa main page nila. Di ko lang alam kung yan din ang requirements nila ngayon ha, yan kasi yung dati ko pang concern sa kanila, may thread na rin akong ginawa dito tungkol dyan. May balance a ako sa wallet ko na di ko makuha sa coinsph, ang laki na nga ng spread nila kapag bibili at magbebenta ka tapos dagdag requirements pa sila.
COINSPH SUCKS!!!Anyway di naman makakapagmalaki si coinsph dahil ang dami ng local provider para magamit natin upang maipapalit at bumili ng ating crypto, tapos karamihan naman ata dito sa atin ay gumagamit ng Binance, napakaganda ng P2P service nila, NO FEE at no hasle, instant matatanggap mo na agad ang pera at crypto mo.