Mga kabayan, gusto ko lang malaman kung nakaranas din ba kayo sa inyong coinsph account na may message mismo sa app na kailangan mag submit ng karagdagang kyc details. Curious lang ako kung ano ang bago ngayun sa kanilang sistema, nagtaka lang kasi ako nung nakaraang araw meron ako nabasa na mensahe galing sa kanila, at ganun din sa email ko.
Kung sino dito ang may karanasan din kagaya ng sa akin, paki share naman ng inyong nalalaman tungkol dito. Hindi pa kasi ako nag submit ulit ng personal details kasi gusto kung maka sigurado kung ano ang layunin ng coinsph sa ganitong kyc requirements.
Marami silang announcements at paalala para sa bagay na yan bago nila i-implement recently. Yung account ko din, nung nag update sila, hindi na pwede makareceive at maka send ng any cryptocurrency na supported ng Coins.ph. Buti nalang inalis ko nung nakaraan mga balance ko dun, kundi di ko magagamit yun until ma verify ang account.
Above all, need mo lang iverify account mo then pwede na ulit, di ka na gano limited.