Tama ka kabayan, magbebenta pa yong nagho-hold at yong nakabili nong ito'y nasa 0.50 php pa lamang kaya bumagsak ito ulit sa 1.39 as of this writing.
Nabasa ko rin sa twitter yong sinabi ni Jihoz na after 14 days pa natin makita yong effect of this new update at tingin ko unti-unti na tataas yong presyo ng SLP dahil kaunti nalang yong mafa-farm ng mga users pero sana marami pa rin ang magbe-breed at mag-release ng kanilang mga axies para may totoong balance talaga sa Axie economy.
Heto yun, kaya nag aantay din ako bago magbenta. Sa ngayon konti lang SLP na naipon ko sa mga scholar ko. Konti nalang din namimint na slp kaya magandang balita yung nagaganap ngayon. Bumaba man ang price, mas mataas pa rin sa 50 cents nung nakaraang araw at saka buong crypto market ngayon ay dinudugo. 8k slp lang naipon ko bago itong mga update na to kasi panay benta agad ako at naghahabol ako ng roi dati.
Mas malala din yung nabasa ko sa isang manager, 250k slp binenta nung 0.5 cents kasi kailangan ng pera.
May mga bagay talaga na kailangan naten i-let go because of our personal reasons, nakakapanghinayang pero that's ok as long as you take it as profit. After this correction, panigurado next target na naten is 5 pesos and that could happen in the end of February because for sure the hype will be more aggressive kase nalalalapit na ilabas ang V3.
Good things is about to happen, konting hold pa and panigurado hinde mo pagsisisihan ang desiyon na ito. Sana lang talaga no more delays with the update, kase baka magkaroon ng panic at baka bumagsak ulit ang presyo ni SLP.