Ang problema sa iilanv newbie is nag all in sila nung kasagsagan ng hype nito at nag pa FOMO kaya ngayon nahihirapan sila maka ROI at umiiyak na sa mga facebook groups ng axie infinity at kung alam lang nila na masama makiride habang tumataas ang value which is normal happening in crypto for sure di sila magsisiiyakan at maluluge.
Pero ganun talaga part of learnings talaga yun kaya mas may bentahe talaga tayong may experience na dahil kaya natin mag tiis at tsaka for sure bumalik narin ang puhunan na inenvest natin kaya di na masyadong masakit kung ma deads man si Axie.
Mas gusto ko rin na nakaranas sila ng ganyang experience. Sa totoo lang kung puro hayahay ang nangyari baka maging tingin ng karamihan easy money ang crypto. Kahit ayoko sila maging negative, di sila magiging wise sa future kung puro pasok lang ng pera ang mangyayari sa kanila. Tingnan mo ngayon, lugmok sila at sising sisi. Although mag ROI pa rin sila medyo matagal nga lang, tinatamad na sila.
Ang daming pumasok sa Axie na walang alam sa crypto. Ok lang naman, pero imbes na ma-educate, parang naging mahangin pa.
Naaawa ako sa mga umaasa sa SLP to Php 20. Di sa negative ako pero ilang dolyares ang kailangan ipasok dyan para mareached ang required marketcap. Di rin sapat ang future land sale kasi di naman lahat makakabili nun. Mas mahal pa sa raw sa totoong presyo ng lupa pero akala nila masasalba nyan ang presyo ng SLP.
Maganda iyong recent update pero sana matagal na dineploy. Ang dami ng nakatiwangwang na SLP sa exchange. Makikita ang effect ng bagong update in the long run.