Pages:
Author

Topic: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) - page 5. (Read 2228 times)

hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
February 18, 2024, 04:35:44 AM
Nakakapang hinayang tuloy magtransfer weekly ng Bitcoin funds dahil malaking amount din ang nagagamit sa fee kapag dumami na ang transaction. Tapos ang nakakabanas pa dito ay yung potential na mag crash ang Bitcoin price while iniipit mo yung Bitcoin mo para magtipid sa transaction fee.

Mas better kung mag hold ka nalang dahil continuos nmn ang price growth ni Bitcoin lalo na ngayong may ETF na tayo. Mas marami na ang investors galing sa traditional invesment side kaya sigurado na slowly but surely ang pagtaas ng price. Saka kana magalanganin sa price kung na reach na ang ATH dahil price exploration na yun. Pero kung ganito kalakas ang bull tapos malapit na sa ATH ay optimistic ang mga investors na maghold hanggang mareach yung ATH dahil magsisilbi ito na common goal sa lahat para bumili at maghold ng matagal.

Pero depende pa dn talaga kung kailangan mo na ang funds or hindi sa pag decide ng pagtransfer ng Bitcoin mo.
hero member
Activity: 2744
Merit: 702
Dimon69
February 18, 2024, 04:15:51 AM
Sobrang baba na ng fee in terms of sats since bumalik na ito sa normal amount range na 10sat/vB to 20sat/vB. Ang problema lang ay sobrang taas naman ni Bitcoin kaya halos sa 100php pa din pumapalo ang average fee cost kapag converted sa peso.

Nakakapang hinayang tuloy magtransfer weekly ng Bitcoin funds dahil malaking amount din ang nagagamit sa fee kapag dumami na ang transaction. Tapos ang nakakabanas pa dito ay yung potential na mag crash ang Bitcoin price while iniipit mo yung Bitcoin mo para magtipid sa transaction fee.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Update lang dun sa natengga ko na transaction mga kabayan natuwa ako kasi nahit na ang niset ko na 35 sats/vB pero cancellation yun di ko na tinuloy na isend sa ibang wallet mas prefer ko na ipunin na lang for future purposes or as an investment na rin siguro. 😁

Oo kasi tinitingan ko ang fee nitong dalawang araw at talagang bumaba naman ng at least 30-35 sats/vB ang fee so papasok yang transaksyon mo so congrats.

But itong araw na to ngayon, grabe na naman ang tinaas,



Hindi ko pa na check, pero mukang may latest na naman sigurong news patungkol sa ordinals na to at may hype kaya humataw na naman.



Ito na lang sya ngayon kaya sa tingin ko naman ay nakapagtransact na yung mga merong balak magcashout or transfer ng kanilang funds sa ibang wallets nila. Nakakatuwa na medyo bumaba na talaga bahagya yung transaction fee compared noong nakaraang weeks so kung may transaction man ang ibang mga kababayan ngayon ay pagkakataon na to habang mababa pa.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Update lang dun sa natengga ko na transaction mga kabayan natuwa ako kasi nahit na ang niset ko na 35 sats/vB pero cancellation yun di ko na tinuloy na isend sa ibang wallet mas prefer ko na ipunin na lang for future purposes or as an investment na rin siguro. 😁

Oo kasi tinitingan ko ang fee nitong dalawang araw at talagang bumaba naman ng at least 30-35 sats/vB ang fee so papasok yang transaksyon mo so congrats.

But itong araw na to ngayon, grabe na naman ang tinaas,



Hindi ko pa na check, pero mukang may latest na naman sigurong news patungkol sa ordinals na to at may hype kaya humataw na naman.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Update lang dun sa natengga ko na transaction mga kabayan natuwa ako kasi nahit na ang niset ko na 35 sats/vB pero cancellation yun di ko na tinuloy na isend sa ibang wallet mas prefer ko na ipunin na lang for future purposes or as an investment na rin siguro. 😁
hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
Fee Update


Ngayon ang best time para magsend ng transaction gamit ang Bitcoin since hindi pa masyadong busy ang network sa pagprocess ng mga ordinals tx. Medyo nagslowdown kasi ang hype dahil sa up and down stagnant price ng Bitcoin.

Possible na tumaas ulit ang fee sa mga susunod na araw dahil malapit na yung potential ETF Bitcoin approval na tiyak magbibigay hype nanaman ulit sa mga ordinals buyer and seller para gumawa ulit ng napakadaming dust transaction.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Bumaba na ng bahagya ang fee mga kabayan bale 33 sat/vB na lang for 69 minutes yung lowest priority at sa tingin ko ay pwede na ito compared nung mga nakaraang araw at weeks. Ano sa tingin nyo mas bababa pa kaya to? Yung nakaset kasi sa transaction ko nasa 30 sat/vB lang sana mahit yan kasi ilang weeks na din to natengga. 😅
Tama ka, medyo bumaba na nga yung fees at ideal na gumawa ng transactions pero sa iba itong high priority na worth $2 ay mataas pa rin para sa mas mababang transactions.

Ito ang update sa ngayon habang tinatype ko ito;

Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
35 sat/vB       35 sat/vB       38 sat/vB          43 sat/vB
$2.17          $2.17            $2.36               $2.67

source: https://mempool.space/
member
Activity: 560
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Bumaba na ng bahagya ang fee mga kabayan bale 33 sat/vB na lang for 69 minutes yung lowest priority at sa tingin ko ay pwede na ito compared nung mga nakaraang araw at weeks. Ano sa tingin nyo mas bababa pa kaya to? Yung nakaset kasi sa transaction ko nasa 30 sat/vB lang sana mahit yan kasi ilang weeks na din to natengga. 😅

  Oo tama ka dyan, at mukhang magbabalik na ulit sa normal ang bitcoin fee nito kapag nagsagawa tayo ng transaction sa Bitcoin, Mabilis narin ang transaction unlike nung holiday season medyo masakit talaga sa ulo yung bitcoin fee na ginawa sa ating mga Bitcoin holders sa field na ito. At least sa sitwasyon ngayon ay medyo makakahinga na tayo ng maluwag.

  At malamang umatake na naman sa hindi natin inaasahan for sure, ewan ko lang sa papalapit na bitcoin halving ay magkakaroon na naman ng congestion sa bitcoin network.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Bumaba na ng bahagya ang fee mga kabayan bale 33 sat/vB na lang for 69 minutes yung lowest priority at sa tingin ko ay pwede na ito compared nung mga nakaraang araw at weeks. Ano sa tingin nyo mas bababa pa kaya to? Yung nakaset kasi sa transaction ko nasa 30 sat/vB lang sana mahit yan kasi ilang weeks na din to natengga. 😅
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
December 17, 2023, 06:53:04 PM
       -  Kapag nagpatuloy ang ganyang fee nya, baka pwede na akong maniwala na ito na ang huling cycle ng halving ni Bitcoin at madami ng bitcoin holders ang magshift nalang sa ibang cryptocurrency. Sino ba namang mga investors ang magtitiyaga sa ganyang kataas na fee na hindi na makatao sa prangkahan na salitaan.

Isipin mo nasa 33$ makatao paba yang fee na yan? hindi na makatarungan para na silang nananaksak ng mga investors nyan sa to be honest lang naman. Pinapatay nila ang mga investors kapag nagpatuloy ang ganyang kalakaran nila.
May sense actually, need ng improvement ng developers ang ganitong sistema. Ang dami pa rin kaseng ayaw i-increase ang transaction size ng bitcoin or gawing maiksi ang confirmation time. Parang ang dami paring nag ga-gaslight na mas mabuti pa rin ang bitcoin compare sa mga banko in terms of transaction transfer, fees and many more when in fact e ang layo na ng narating ng banks regarding sa pag transfer at fees, bitcoin become so old-school dahil sa kalaki-laki ng fees.
hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
December 17, 2023, 12:11:56 PM

       -  Kapag nagpatuloy ang ganyang fee nya, baka pwede na akong maniwala na ito na ang huling cycle ng halving ni Bitcoin at madami ng bitcoin holders ang magshift nalang sa ibang cryptocurrency. Sino ba namang mga investors ang magtitiyaga sa ganyang kataas na fee na hindi na makatao sa prangkahan na salitaan.

Isipin mo nasa 33$ makatao paba yang fee na yan? hindi na makatarungan para na silang nananaksak ng mga investors nyan sa to be honest lang naman. Pinapatay nila ang mga investors kapag nagpatuloy ang ganyang kalakaran nila.

Totoo ito kabayan. Hindi justifiable yung taas ng fee kahit na sobrang laki ng value ni Bitcoin. Yung existence ng Ordinals sa Bitcoin ay parang naging typical shitcoin na dn ang Bitcoin dahil sa dami ng spam transaction na commonly na matatagpuan lang sana sa mga altcoin blockchain.

Madami dn akong nakikita na mga whales na gumagamit ng Over Price fee para lang ma push yung transaction nila as priority. ATM 16$ nalang ang fee pero sobrang taas pa dn nito para ating standard dito sa Pinas.
sr. member
Activity: 938
Merit: 303
December 16, 2023, 11:39:50 PM
Buti na lang nakag trade ako kaninang umaga ng cashout ko galing sa campaign ko, 200 lang ang transaction fee, mataas na yun pero mas grabe ang taas ngayun abot na ng isang libo ang transaction fee ito ang pinakamataas na  naencounter ko this past few weeks, di ko lang alam kung sa mga susunod na araw ay lalo pa ito tumaas ito pa naman ang panahon na need natin ng funds para sa nalalapit na holiday.

42 sat/vB $2.49
309 sat/vB $18.33
322 sat/vB $19.11
331 sat/vB $19.64

Almost double na ang fee ngayon at nakaka WTF nlng kung need mo gamitin yung Bitcoin mo urgently. 33$ sa fee ay hindi na makatarungan since sobrang laki na nito para sa ating mga nasa 3rd world country.

Laging biglaang tumataas ang fee kapag may nagtre2nding na BRC20 project. Sobrang cancer na ng Ordinals para sa general usage ng Bitcoin since hindi na affordable magsend ng transaction ng mga shrimp holders.

       -  Kapag nagpatuloy ang ganyang fee nya, baka pwede na akong maniwala na ito na ang huling cycle ng halving ni Bitcoin at madami ng bitcoin holders ang magshift nalang sa ibang cryptocurrency. Sino ba namang mga investors ang magtitiyaga sa ganyang kataas na fee na hindi na makatao sa prangkahan na salitaan.

Isipin mo nasa 33$ makatao paba yang fee na yan? hindi na makatarungan para na silang nananaksak ng mga investors nyan sa to be honest lang naman. Pinapatay nila ang mga investors kapag nagpatuloy ang ganyang kalakaran nila.
full member
Activity: 2324
Merit: 175
December 16, 2023, 06:03:31 PM
Buti na lang nakag trade ako kaninang umaga ng cashout ko galing sa campaign ko, 200 lang ang transaction fee, mataas na yun pero mas grabe ang taas ngayun abot na ng isang libo ang transaction fee ito ang pinakamataas na  naencounter ko this past few weeks, di ko lang alam kung sa mga susunod na araw ay lalo pa ito tumaas ito pa naman ang panahon na need natin ng funds para sa nalalapit na holiday.

42 sat/vB $2.49
309 sat/vB $18.33
322 sat/vB $19.11
331 sat/vB $19.64

Almost double na ang fee ngayon at nakaka WTF nlng kung need mo gamitin yung Bitcoin mo urgently. 33$ sa fee ay hindi na makatarungan since sobrang laki na nito para sa ating mga nasa 3rd world country.

Laging biglaang tumataas ang fee kapag may nagtre2nding na BRC20 project. Sobrang cancer na ng Ordinals para sa general usage ng Bitcoin since hindi na affordable magsend ng transaction ng mga shrimp holders.

Tama ka dyan ito ngang earnings ko sa campaign ko na inipon ko ng 3 Linggo at pang apat ngayun ay ngayung Linggo ko sana i wiwithdraw para pang handa sa nalalapit na Pasko ay mapupurnada pa ata dahil sa sobrang taas ng transaction fee 443 sat/vB $26.22 ang high priority sa tagal ko ngayunlang ako naka encounter ng ganito kataas sobrang laki ng lugi natin yung inipon natin mapupunta lang sa transaction fee, siguro dapat yung mga campaign na Bitcoin ang bayad ay mag shift muna sa altcoin, habang sobrang taas pa ng fee.
hero member
Activity: 1120
Merit: 554
🇵🇭
December 16, 2023, 12:45:53 PM
Buti na lang nakag trade ako kaninang umaga ng cashout ko galing sa campaign ko, 200 lang ang transaction fee, mataas na yun pero mas grabe ang taas ngayun abot na ng isang libo ang transaction fee ito ang pinakamataas na  naencounter ko this past few weeks, di ko lang alam kung sa mga susunod na araw ay lalo pa ito tumaas ito pa naman ang panahon na need natin ng funds para sa nalalapit na holiday.

42 sat/vB $2.49
309 sat/vB $18.33
322 sat/vB $19.11
331 sat/vB $19.64

Almost double na ang fee ngayon at nakaka WTF nlng kung need mo gamitin yung Bitcoin mo urgently. 33$ sa fee ay hindi na makatarungan since sobrang laki na nito para sa ating mga nasa 3rd world country.

Laging biglaang tumataas ang fee kapag may nagtre2nding na BRC20 project. Sobrang cancer na ng Ordinals para sa general usage ng Bitcoin since hindi na affordable magsend ng transaction ng mga shrimp holders.
hero member
Activity: 2926
Merit: 567
December 16, 2023, 09:17:40 AM
Buti na lang nakag trade ako kaninang umaga ng cashout ko galing sa campaign ko, 200 lang ang transaction fee, mataas na yun pero mas grabe ang taas ngayun abot na ng isang libo ang transaction fee ito ang pinakamataas na  naencounter ko this past few weeks, di ko lang alam kung sa mga susunod na araw ay lalo pa ito tumaas ito pa naman ang panahon na need natin ng funds para sa nalalapit na holiday.

42 sat/vB $2.49
309 sat/vB $18.33
322 sat/vB $19.11
331 sat/vB $19.64
hero member
Activity: 1666
Merit: 453
December 09, 2023, 02:41:11 AM
Heto ngayon ang state ng mempool,



So medyo mababa kumpara nitong mga nakaraang araw. Pero hindi natin masabi yan baka tumaas na naman.

Kaya dun sa mga balak mag transfer heto na pagkakataon nyo.

Oo tama ka dyan, kanina nasa 3$ nalang siya, kaya sinamantala ko na rin ang pagsagawa ng transaction. Baka kasi mamaya nyan ay bigla na namang maging congested ang network. Sana naman huwag naman laging ganyan ang mangyari na bigla nalang tumataas ang bitcoin fee sa blockchain.

Kaya sa ibang mga kababayan natin dito na naghihintay ay samantalahin nio na ngayon na magtransact ngayon, alam muna mabilis magbago ang charge fee dito.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
December 08, 2023, 05:03:05 PM
Heto ngayon ang state ng mempool,



So medyo mababa kumpara nitong mga nakaraang araw. Pero hindi natin masabi yan baka tumaas na naman.

Kaya dun sa mga balak mag transfer heto na pagkakataon nyo.
full member
Activity: 2324
Merit: 175
December 07, 2023, 05:39:01 AM
Nakapag trade ako kaninang umaga nasa $4 lang ang priority, pero bago mag gabi pumalo na naman ngaun lan ghabang nag popost ako sumipa na naman sa 303 306sat/vB $18.36 tsamabahan lang talaga wala ba kayo napupuna pag baba nya sandali lang tapos pag angat nya biglang aabot ng mga ilang araw, timin glang ang kailanagan kaya pag napataon na need mo mag transact o need mo mag convert sa fiat mangutang ka muna kasi aabutan din ng ilang araw ang paghihintay.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
December 06, 2023, 01:48:34 PM
Sa ngayon ito ang fees natin:

Latest update sa price lalong tumaas kagabi pa ako nakaabang na bumaba ang price pero ito lalo pang tumaas meron akong pending transaction, dapat pala nag transact na ako sa mas mababa ano kaya ang posibilidad na hangang katapusan na ito ng December parang kakaiba ngayun bababa sya ng konti pero tataas pang higit sa dating taas last time ako nakaranas ng ganito 2 or three years na nakaraan masok sana mag hold ngayun pero december kasi ngayun may mga need na bilhin na extra.

Sobrang grabe nga yang fees na yan kahapon pero ngayon medyo bumaba baba nanaman ulit. Kaso itong sobrang baba na ito ay mataas pa rin kung iisipin. Dahil literal na mataas talaga siya. Sigurado may mga pumatos ng mga fees na yan noong kasagsagan ng libo yung per transaction. Parang ito ata pinakamataas na nakita ko at baka posible pa yan tumaas kapag nasa totoong phase na tayo ng bull run.

Update lang ulit:


Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
26 sat/vB       123 sat/vB       134 sat/vB          146 sat/vB
$1.60           $7.57            $8.25               $8.99

source: https://mempool.space/

copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 06, 2023, 10:42:40 AM
Tapos after ng transaction ko ay nacurious akong silipin ulit after 1 hr na ginawa ko pagtingin ko nasa 192 sats na ito, hindi na ako nagattemp pa na magsagawa ng transaction gamit ang electrum wallet apps ko sa desktop. Hold nalang muna ulit at hintay nalang na lumamig ang fee ulit.

Hindi na talaga economical mag send ng transaction ngayon unless sobrang laki ng value ng itra2nsfer mo. Halos nasa 600php price para lang makapag transfer tapos ang ipapasa mo lng ay nasa 2K to 5K. Halos pang budget na sa masarap na restaurant yung value ng fee ngayon kayo mas mainam na maghold nalang compared kung gastusin yung Bitcoin since halos yung gain sa pagpump ng price ay magagastos lang sa fee.

Sa tingin ko ito na ang tamang oras [para sa mga mining pools] para simulan ang pag-filter ng mga ordinal inscription transactions [isang mining pool palang ang gumagawa nito], dahil kahapon nilagpasan nito ang percentage ng normal transactions!


Bata talaga ay piliin na ng mga mining pool yung mga inscription transaction since sobrang abala ang dulot nito sa mga business at regular transaction sa Bitcoin network. Nasolve na dati yung scaling issue ng Bitcoin network tapos itong Ordi naman ang pumalit na bagong problema sa blockchain network.  Cheesy
Pages:
Jump to: