Ouch, buti nag pop ulit itong thread dito. Napacheck tuloy ako agad kung magkano na ang highest priority, 50sat/vB. Grabe!
Eto na naman yung bitcoin ordinals, kahapon lang nga ay inabot ng 10 hours bago ko nareceived yung transaction na ginawa ko sa Electrum sa 40 sats na ginagawa kung fees. Patibong na naman ba ito para sa bull run na paparating?
Dahil kung isa lang itong patibong, kailangan natin palang mag-ingat sa ganitong mga sitwasyon, tama ba? Saka the more na dumadami yung pending lalong tumatagal talaga yung confimation na naman nito for sure. Nakakawalang gana tuloy magsagawa ng transaction at the moment, kaya malamang break muna ako for the meantime.
Naalala ko yung 2017 bull run. Dahil kahit mataas ang presyo ng Bitcoin nun, mataas din ang fees. Pero nitong 2021, hindi naman ganito at sana naman huwag umabot sa per dollar ang isang transaction mapamalaki man yan o mababa. At katulad din naman ng nangyari dati kahit mataas ngayon, kung feel mo hindi magtransact ay wag nalang muna. Kalaunan din naman yan ay bababa at kung ordinals nanaman ang may sala ulit, grabe nga perwisyo niyang mga yan sa fees.