Ililipat ko sana sa coins.ph yung sahod ko sa signature campaign kaso sobrang taas na nga ng fee ngayon sobrang luge sa kapiranggot na transaction. Ano sa tingin nyo mga kabayan, makakabalik paba yung mas murag transaction fees or hindi na? Sa tingin ko hindi lang ako ang ipit sa taas ng fee sa ngayon dahil di naman lahat hodler eh. 😅
Oo naman babalik pa rin yan pero hindi alam kung kailan. Madami naman tayong ipit sa fees at kapag tingin mo talo ka sa transfer, huwag no nalang munang gawin dahil lugi ka talaga at sayang lang ang fee kung hindi mo pa naman kailangan yang fund na ita-transfer mo.
Sa ngayon parang nagiging stable na siya pababa at under ng $5 tapos habang tinatype ko ito, high priority ay $2.69 nalang kaya parang pababa na itong trend. Ito ang update:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
22 sat/vB 44 sat/vB 49 sat/vB 51 sat/vB
$1.16 $2.32 $2.59 $2.69
source: https://mempool.space/
Bahagyang bumaba pa tayo,
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
22 sat/vB 32 sat/vB 33 sat/vB 33 sat/vB
$1.16 $1.69 $1.74 $1.74
Sana tuloy tuloy na ang pag hupa ng mempool, para dun sa mga campaigns na nagbabalak na lumapit sa altcoins or gustong baguhin ang payment scheme, weekly, bi weekly or montly ay hindi na maaapektuhan sa ngayon.
So tuloy tuloy parin tayo sa pag observed at tiyempuhan na lang natin kung mag lilipat tayo ng bitcoin para mababa ang fee at malaki ang matanggap natin.