Wala sana magagalit pero bahala kayo kahit mainis kayo, pero bakit kasi kailangan may masabi e wala naman nakakaalam ng totoong dahilan? Ano kinalaman ng Gscam na yan na wala naman napatunguhan kung totoo ba or hindi? E di sana may court action na. Di na lang tayo mag-antay ng opisyal na announcement gaya ng ginawa ng Cebuana dati. Iyong isa nag-send pa talaga ng ticket sa coins.ph about sa Egivecash eh halos mag-iisang taon na yang wala.
At isa pa, anong partner partner? Kailan nagkaroon ng partnership ang Gcash sa coins.ph officially? Walang ganun. Malamang lahat ng nationwide payment system natin is layong mag-link sa isa't-isa. Powered by Dragonpay ang Gcash transfer. Ibig sabihin ba partnered din ang Paymaya at mga banko? Partner ni Paymaya si coins.ph? Di ganon yan. Ang partnership may official sign and terms yan or iyong tinatawag na Memorandum of Agreement between company itself (example: PSC company iyong may hawak ng 7-11 and GCASH agreemeent). Di porket included si ganito sa ganito is partner na? Itong issue ng Gcash is parang sa Egivecash na kesyo tinanggal daw partnership ng Sec. Bank sa coins.ph e, etc. etc. etc. eh wala namang partnership sa umpisa pa lang. Not knowing si Sec. Bank pala eh may bagong terms kaya pala nawala. Dito naman sa Gcash, walang nakakaalam kung bakit unavailable yan kahit itanong pa sa support.
Bahala may mainis sa post ko. Pati kasi non-sense napopost na dito.
TIME!