Yugn nga visible sa platform nila yung Coins Cash Card sa cash out option mapawebsite o application pero hindi ka makakapagproceed na magamit to since wala naman ata merong cash card from coins.ph. Lumalabas lang na hindi available at i-check sa status.coins.ph pero upon checking wala kang makikita na status ng coins cash card.
Hindi ko sure kung ano nangyari kung natuloy ba ito dati o hindi talaga na-release pero ito rin yung isa sa dahilan bakit minsan ko na lang gamitin si coins dahil sa madalang na updates unlik sa ibang financial platform like gcash at paymaya. Kung pagbabayad naman ng bills at load ang usapan, sobrang daming option para dito like shopee at gcash na nag-ooffer ng cashback.
Ibig sabihin, matagal na yan dyan pero hindi nila ginagawa o kung ano mang feature ang meron dapat dyan. Wala na, naunahan na sila ng Maya kasi yun may card at parang premium ang feeling. Siguro kung ginawa nila yan nung bull run, sobrang daming oorder niyan kahit may bayad yan.
Hindi ko na rin talaga sila ginagamit kasi nga ng dahil sa ginawa sa account limit ko kaya sa iba na ako gumagamit ng digital wallet at hindi na rin ako nagte-trade sa kanila.
Sa pagkakaalam ko sobrang tagal na ng coins ph cash card na yan like years na rin siguro ko pero hindi ko lang pinapansin dahil na rin wala ako nito. If I remember correctly, parang way back 2017 or 2018 meron na nyan dyan so possibly tinanggal lang nila?
Parang meron nga rin akong naalala about sa coins.ph card. Coins.ph cash card o visa card ata yung ni-offer nila dati kaso hindi ko pinansin masyado yung update nila na yun dati kaya hindi ko rin sure kung natuloy ba yun o may nakakuha ba ng physical card mismo.
May thread tayo dito tungkol sa "
virtual visa card" nila pero hindi nagtagal masyado dahil sa mga "
regulatory changes", hindi nakapag offer ng services ang issuer na ginagamit nila noon.
- I'm surprised hindi man lang sila nag-effort na maghanap ng bagong issuer!Sabi na nga ba, tama yung naalala ko na pwede mong gamitin yung coins.ph as virtual cc dati pero nagdoubt lang ako kasi wala na sya sa app. I remember people na ginagamit yung coins.ph nila sa mga paypal transaction.
Anyway, thanks sa info about sa discontinued service ng coins.ph sa virtual cc. Sa tingin ko kaya hindi nila tinuloy yung service dahil sa konting users or hindi profitable sa kanila yung virtual cc. Pero sana during 2020 nagrelease ulit sila since maraming online transaction ang umusbong nung mga panahong to.