Anyways, eto yung lumabas nung naglog-in ako sa coins pro.
Luckily I was one of the pioneer users ng coins.ph na nagpawhitelist for coinpro dati. Talagang need ng coins.ph account para maglog-in sa coin pro. Checking the coinpro website, wala akong makitang register button or create an account button sa landing page nila (Desktop version). Mukhang hindi pa nila implemented iyang pagregister outside the coins.ph portal. Though, hindi ko naman macheck through coins.ph kung merong create account function sa coinpro except sa pagpapawhitelist.
Kung iisipin, maganda talaga kung sakaling magkakaroon sila ng card tulad ng gcash at paymaya. Medjo marami pa rin siguro kukuha nito para rin diretso withdraw na rin sa mga crypto earnings natin. Kahit may crypto pa rin sa ibang platform like paymaya, maganda pa rin kung sa coins.ph diretso lalo't sila naman talaga yung kilalang crypto platform satin.
Way back 2017 at bago pa idisable ang cash out sa Cebuana, dito ako madalas nagcacashout, 500 php and charge sa Phph50000 cashout. Mahal siya compare sa cash out sa bank. Then nung naghigpit sila at naging 25k monthly n lng ang pwede ko icashout, lumipat ako magbenta sa coinpro at dun na ako nagcacashout papunta sa bank. Iyon nga lang my experience that time is 24 - 72 hours processing (normally within 24 hours) unlike kasi sa coins.ph me instapay.