Maganda parin nman bumili ng xrp ngayon. haha sayang din kasi yung fee kapag exchanger pabalik sa coins.ph.
baka nagkakamali ka lang bro, sakin kasi nung una akala ko wala din ako e kasi hindi nag auto update yung coins.ph app ko pero try mo ivisit sa playstore yung mismong coins.ph app tapos makikita mo dun may update pala. kung wala pa din baka nga siguro sa piling mga users palang meron
hindi naman siguro sa mga piling user lang yun, hindi lang talaga na update nila yung coins.ph nila. unfair naman yun sa ibang user kung gagawin nilang pili lamang ang magkakaroon ng features na ganon.
pero posible pa din na sa mga piling user lang yung update ngayon sa XRP at BCH kasi naalala ko pa nung sa ETH palang hindi agad lahat nagkaroon ng ETH wallet kaya posible na ganun din yung case ngayon sa XRP at BCH
kung tama ang sinsabi mo ano naman ang basehan nila para dyan? kasi tama rin yung iba hindi naman ata tama na pili lamang ang magkakaroon ng features na bago at wala yung iba. saken rin dati delay lang pero nagkaroon rin naman.
meron tinatawag na beta testing na kadalasan nangyayari kapag meron bagong feature para kung sakali meron man problema ay limitado lang ang dami ng tao na maaapektuhan pero pagkatapos ng beta testing phase at wala naman malaking problema pwede na yun maibigay sa lahat