E-Give Cashout was not available all day today when i needed money,
i just waste 800 pesos in fee in gcash cashout., plus 4x 20pesos withdrawal fee
wag kana lang mag take sir ng gcash cashout ang laki naman po ng fee at sayang talaga yang kinukuha nilang ganyan kalaki every encash mo puro fee aabutin mo mag regular encash ka nalang po mismo sa cebuana 40-100 lang nman babayaran mo doon
Tama sa Cebuana 500 pesos lang ang charge sa 50k cash out. Sa bank walang charge basta along metro manila kahit magkano pa ang icashout mo kahit umabot pa ng 100k plus. Pero kung handa ka naman maghintay ng matagal, sa Palawan mura ang charge yun nga lang hintay ka ng maghapon before 6 pm at meron sila cut off time, pag di ka umabot bukas na mapapadala.
Nga pla, available ba sa inyon apps ang data load? Wala kasi sa apps ko sa android gusto ko sana subukan yung promo nila.
May mga naka experience na ba dito na nag cashout through Security Bank ATM and hindi nakuha yung money kasi wala ng pera yung ATM? Hassle kasi nareceive ko sa text na na receive na daw yung money pero hindi naman na dispense kasi wala naman ng pera yung ATM mismo. Hassle talaga.
naexperience ko yan, walang lumabas na cash, at kinontak ko na ang support pero ang sabi nawithdraw ko na daw kahit wala akong nagawa, 10k ang winithdraw ko at ang laki nun. hindi ko na mahabol kase hindi masyadong nag rereply saakin ung support ng coins, hindi ko sya nakuha, hindi din nag refund sa wallet ko. lagpas na ng 1 month kaya nawalan na din ako ng pag asa.
Dapat yung banko mismo ang sinubukan mong kontakin. Kasi sa kanila nangyari ang huling transaction. Bale magfile ka ng report dun sa bank may-ari ng atm na pinagwithdrawhan mo. Nakaexperience ako nito dati pero sa ibang banko. Sinubukan kong magwithdraw pero walang lumabas ng tingnan ko ang resibo, nabawasan ng amount na sinubukan kong iwithdraw. Nireport lang dun sa bank tapos after sometime nabalik na ulit yung nawalang amount dahil naubusan ng pera yung atm.